OBSESSION XXIII

13.5K 252 6
                                    

OBSESSION XXIII

"Hush. Calm down" Hinagod niya ang likod ko dahil halos hindi na ko makahinga dahil sa pag iyak. Nanginginig na rin ako

"Godd*mit Lucas what did you do?" Bulong niya at kumuha ng tubig saka inabot sakin. Ininom ko ito habang panay parin ang agos ng luha.

"D-d*mn! What happened to your face and..." Natigilan siya nang makita ang sugat na nasa ulo ko. Masuyo niya itong hinawakan bago napamura ulit

"Who the f*ck did this to you?! Si Lucas ba?! Pati ito?!" Umiling ako habang panay parin ang agos ng luha

"Y-yung mga empleyado po niya..." Niyakap niya ako na parang pinapatahan ako kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko

"If only I know di na sana ako pumayag na kunin ka niya" Malamig niyang saad. Humiwalay siya sakin kaya nagtataka akong napatingin sakanya

"A-ano pong ibig niyo sabihin?" Umiwas siya ng tingin at marahas na nagbuga ng hangin

"I didn't fire you" Nagulat at natulala ako

"Lucas want you at his side that's why he ask me to get you and offer that you will be working at him as a secretary. He's kinda selfish in that part" Naiinis at walang emosyon niyang saad.

"Masyado siyang hibang na makuha ka" Naiinis niyang dagdag

"S-sabi po niya tinanggal niyo daw po ako--

"No I didn't. Why would I? You're one of our outstanding worker here in the company. You're hardworking Elinita and admire you for that. You're very dedicated to every work that was given to you... Ayoko sanang pumayag na kunin ka ni Lucas but he threatened me na pakikialaman ang kompanya ko" Napailing iling siya

"I can fight him honestly but I don't want myself to involve in any trouble that's why I let him get you. I'm the eldest after all" Mahinang saad niya

"But now that you're back, I promise that I will protect you. That we will protect you"

Napayakap ako sa tuhod ko habang naiiyak. Nandito na ako sa apartment dahil pinagpahinga ako ni Mr. Salvo. Kapag raw maayos na ako ay saka na ako bumalik.

Natutuwa ako dahil handa parin talaga siyang tanggapin ako. Medyo nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Nakatulala ako at nakatingin sa labas ng bintana. Gabing gabi na pero gising parin ang diwa ko at hindi makatulog dahil paulit ulit na bumalik sa isip ko ang nangyari kanina.

Napatigil ako nang makitang may sasakyang huminto sa harap ng apartment ko. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang bumaba mula doon si Lucas.

Magulo ang buhok niya at halatang galit na galit ang mukha kaya agad akong kinabahan. Sinarado ko agad ang bintana at nagtalukbong ng kumot dahil sa takot. Bigla rin akong napaiyak

Nang marinig na may kumatok ay napaigtad ako

"Elinita baby open the door. We need to talk" Nagmamakaawa niyang sigaw sa labas. Natigilan ako dahil sa tawag niya sakin

"Baby, I know you're there please... Pagbuksan mo ko ng pinto. Talk to me please" Napaupo ako nang marinig na parang naiiyak siya sa labas.

"Elinita!" Sigaw niya. Napatingin ako sa orasanbat pasado alas nuwebe na rin ng gabi

"Iho, mukhang wala pa si Elinita diyan" Rinig kong saad ni Aling Merna. Ang landlady ng apartment.

"Ho? S-saan po siya nagpunta? Can you tell me--

"Nako! Eh di ba ikaw yung kasama niya kaninang umaga umalis siya? Aba eh bakit di mo na alam asan ngayon ang girlfriend mo?" Napalunok ako at dahan dahang bumaba saka lumapit sa pintuan

Lucas Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon