OBSESSION XXIX
Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya at parang nabingi ako. Sandali akong hindi nakalingon at naestatwa dahil sa sinabi niya
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi...
"And Lucas is the father" Bumigat ang dibdib ko bigla at parang nawalan ng balanse. Buti nalang at nakahawak ako sa dingding.
Nanlalabo ang mga mata ko at ang bigat ng dibdib. Ang sakit...
Naluluha ko siyang nilingon na ngayon ay walang emosyong nakatitig sakin.
"H-hindi ako naniniwala sayo" Nanatili siyang nakatitig sakin at binuksan ang bag niya saka may itinapon sa harapan ko
Halos manlamig ako dahil sa nakita ko ngayon. Naiiyak ako habang nanginginig na kinuha ng dahan dahan ang mga itinapon niya. Ultrasound at Pregnancy test.
Napapailing iling ako habang pinipigilan ang paghikbi. Nasasaktan ako ng sobra.
"I just found out that I'm three weeks pregnant. I always got morning sickness that's why I consult my doctor and just found out that I am carrying Lucas child. Our child" Diniin niya pa talaga ang panghuling sinabi na parang sinampal sakin ang katotohanan na may anak siya kay Lucas
Napatulala naman ako at mas lalong bumigat ang dibdib nang makita ang ultrasound. Nanginginig ko ring hinawakan ang pregnancy test na may dalawang red line na nakaguhit.
Tuluyan akong naiyak at napapailing na binitawan ito
"H-hindi ako naniniwala diyan--
"Can't you see? That's the proof Elinita but still nagbubulag bulagan ka pa rin? Boyfriend ko si Lucas" Giit niya habang galit na nakatitig sakin
"And we had an open relationship for five years kaya hindi malabong may mangyari samin. We do love each other. Ayaw kitang saktan" Biglang lumalam ang mga mata niya
"P-pero iyon ang totoo Elinita. T-tanggap ko naman na wala na kong puwang ngayon sa puso niya at ikaw na ang mahal niya pero kase... Ayokong lumaki ng walang ama ang anak ko at walang kompletong pamilya dahil..." Tumulo ang luha sa mga mata niya
"I didn't experience to have a father since I was a kid Elinita..." Napahikbi siya habang may sakit sa mga mata niya
"It hurts a lot. Napakasakit na walang tatay na nasa tabi mo habang lumalaki ka. Naiinggit ako kase yung ibang mga bata na kagaya ko may mga tatay tapos ako. Wala. That's why I promise to myself that I won't let my child experience what I've experience... Ayokong maging selfish pero this time ay gagawin ko na para sa anak ko. Para sa magiging anak namin kaya please Elinita"
Habang tinitigan ko siya ay mas lalong bumigat ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng awa para sakanya. Nakonsensya. Nawala ang katarayan at kamalditahan niya at napalitan iyon ng nagmamakaawang tingin sakin. Habang nakatitig ako sakanya ay ramdam ko na lahat gagawin niya para sa anak niya
"I-i'm ready to kneel Infront of you... Kung gusto mo halikan ko na rin ang paa mo... Ibalik mo nalang sakin si Lucas please..." Nanginginig niyang saad.
Napatakip ako sa bibig ko at napayakap sa sarili dahil sa panginginig nang makitang tuluyan siyang lumuhod sa harapan ko. Nakakaawa ang sitwasyon niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko
"K-kahit para nalang sa anak ko Elinita... Kahit para nalang sa anak na dinadala ko. M-magalit ka sakin kung gusto mo basta ibigay mo lang ulit siya sakin" Nagmamakaawa niyang saad.
Nanginginig ko naman siyang nilapitan at hindi nagsalita. Napahikbi ako at tinitigan siya
"A-ayokong ibigay si Lucas sayo" Seryoso kong saad kaya natigilan siya at tumulo ulit ang mga luha.
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romance"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest