OBSESSION XXII
Mabigat man ang dibdib ay nagawa ko paring makapasok sa opisina ni Lucas. Nanginginig kong kinuha ang bag ko at naiiyak sa takot.
Hindi ko naman sinasadya yun eh... Kase naman sa akin niya ibubuhos. Nanginginig man ay napagdesisyonan ko nalang na umuwi.
Nang makalabas ako ay agad akong napayuko sa takot nang mapatingin sakin ang ibang employee. Nagsitaasan ang kilay nila at ang iba ay galit akong tiningnan
"Gosh! May balak pa talaga siyang tumakas" Rinig kong saad ng isa.
"After what she did to ma'am Monique? She deserved to be punished " Naiiyak na napailing ako at aalis na sana nang bigla akong hilain ng isa
"B*tch! You need to be in jail after what you've done to Miss Monique" Napaluha ako dahil bumaon ang kuko niya sa braso ko. Ang sakit!
"Hawakan niyo!" Rinig kong saad ng isa.
"Hoy Roxanne! Wag mo saktan yan baka mayari ka kay Sir" Natatakot na saad ng Isang empleyado. Napasang ayun naman ang iba habang ang iba ay galit lang akong tiningnan
"Walang pakialam si sir Lucas sa babaeng toh. Kita niyo naman na mas pinili nun na samahan si ma'am Monique at iwan siya" Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"B-bitawan mo ko ano ba?! N-nasasaktan ako!" Dahil sa sakit ng braso ko ay kaagad ko itong naitulak dahilan para matapon ito sa gilid.
Napasapo naman ito sa balakang niya at sinamaan ako ng tingin
"At lumalaban ka pa talaga--
Hindi na niya napatapos ang sasabihin nang agad akong tumakbo. Pero kagaya ng nauna ay nakaabang din ang ibang empleyado.
Hinawakan ako ng Isang lalaki sa braso Kaya napapikit ako dahil sa sakit. Idagdag pa na doon din nakahawak yung Roxanne kanina
"Hindi ka talaga tatantanan ni Roxanne. Malas mo Miss" Ngumisi ang lalaki. Magsasalita na sana ako nang biglang may humila sa buhok ko. Napadaing ako sa sakit at Napaiyak
Pinaharap ako ng babaeng nag ngangalang Roxanne at sinampal ng dalawang beses. May umawat sakanya pero mas lalo lang akong tinutulak ng mga katrabaho niya para mapagpiyestahan niya at masabunot
"Yung ayaw ko sa lahat, yung sila na nga ang may kasalanan, sila pa ang may ganang manlaban!" Hinila niya ulit ang buhok ko kaya napaiyak ako lalo.
Hindi ko maiwasang hindi tubuan ng galit sa mga taong nasa paligid namin. Nanonood lang sila habang ang iba ay umaawat samin. Ganito ba talaga ang mga tao sa Maynila?
Nagulat ako nang itulak ako nito dahilan para mapasalampak ako sa sahig at mauntog ang ulo ko sa dulo ng babasaging lamesa.
Napahawak ako dito at mas lalong naiyak nang maramdaman ang sobrang kirot ng ulo ko. Dahan dahan akong napatingin sa kamay ko nang may naramdaman akong basa.
Nang makita ito ay nanlaki ang mga mata ko. D-dugo... Bigla akong napaiyak at natakot pero nanaig sakin at sakit ng ulo at pagkahilo dahilan para tuluyan akong mawalan ng malay
Napakunot ang noo ko nang magising at makaramdam ng konting kirot sa ulo. Nang imulat ko ang mga mata ay puting kisame ang bumungad sakin.
Napadaing ako nang kumirot lalo ang likuran ng ulo ko. Pasimple kong inilibot ang tingin at napagtantong nasa ospital pala ako. Sandali akong napatulala at agad na bumalik sa alaala ko ang dinanas ko sa kompanya ni Lucas.
Hindi ko maiwasang mapaluha. B-bakit nila nagawa iyon? B-bakit... Bakit nila ako pinagtulungan? Dahan dahan akong napabangon. Sana di nalang ako pumayag na magtrabaho sakanya
Sana si Mr. Salvo nakang ang amo ko. Sana siya nalang, sana sa kanya nakang ako nagtrabaho. Buti pa doon at payapa ang pagtatrabaho ko at walang nananakit. Nagkaroon pa ko ng kaibigan.
Pinahiran ko ang luhang kumawala sa mga mata ko at agad na tinanggal ang pampasyeteng damit saka agad na lumabas.
Napayuko ako nang makalabas ng kwarto. Masakit man ang ulo ko ay di ko na ininda iyon. Ayoko na bumalik doon. Ayoko na. Gusto ko na bumalik kay Mr. Salvo. Gusto ko na bumalik sa dati kong pinagtatrabahuan
Mabilis akong sumakay ng sasakyan at tulalang nagpunta sa kompanya ni Mr. Salvo. Napaiyak ako nang makita ang kompanyang dito ko unang napasukan. Kahit na nagtrabaho ako dito ng maikling panahon ay napamahal na ako dito
Agad akong pumasok at nagbilin sa driver na kukuha lang ako ng bayad. Hihingi ako kay Mr. Salvo o di kaya kay Jenny.
Nagpunta ako sa department kung saan ako nakalagay at agad na napaluha nang makita ang mga dati kong kasama abala sa mga ginagawa.
Napatingin ako sa upuan ko dati at mas lalong napaiyak nang makitang bakante ito at walang tao.
"Elinita?" Napatigil sila nang magsalita ang isang babae. Nagulat ang mga kasama ko at agad akong tiningnan
"Elinita ikaw nga! T-teka! Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Jenny kaya napaiyak ako lalo.
Nayakap ko ang isa sakanila at doon pumalahaw ng iyak
"M-miss na miss ko na kayo... Gusto ko na dito ulit..." Naiiyak kong saad. Hinagod naman ng isa ang likod kp
"Elinita. Anong nangyari sayo? Isang buwan kang nawala. Ang sabi ni Mr. Salvo nagresign ka raw" Napayuko ako
"Guys paupuin niyo na muna si Elinita" Suggest ni Mark at inalalayan akong maupo sa dati kong upuan.
"Elinita. Okay ka na ba? Guys kuha kayong tubig please" Rinig kong sigaw ni Jenny habang hinahagod ang likuran ko.
Nang makainom ako ng tubig ay pagod kong isinandal ang ulo ko sa tiyan ni Jenny na nakatayo sa gilid ko habang hawak hawak ako
"Elinita. Anong nangyari?" Masuyong tanong niya. Nag alala silang lahat na nakatingin sakin. Natigil sila sa trabaho at nakatingin ngayon sakin
"At napano toh? God!" Hinawakan niya ang ulo ko na may sugat. Napasinghap naman ang iba
"S-sinaktan ako ng mga empleyado sa bago kong pinagtatrabahuan" Mahina kong sagot
"Ano?! Ginawa nila sayo toh?! Saang kompanya ba yan at nang masugod natin!" Galit na tanong ni Lea na isa sa mga katrabaho ko
"At... Sila din ba ang may gawa ng pasa sa mukha mo? At ito?" Tinuro ni Jenny ang braso ko na may kalmot. Napayuko ako at napatango
"Grabe. Di ba sila naaawa kay Elinita? Ang bait niyan tas sasaktan nila?"
"Elinita. Magsabi ka lang, pwede tayong mag file ng report"
"Kung sino man ang mga iyon dapat masesante lahat!" Komento nila. Mahahalatang galit sila sa sinapit ko
Tipid lang akong napangiti at nagmamakaawa silang tiningnan
"A-ayoko na ng gulo... Wag nalang... Please dito nalang ulit ako sa inyo ha?" Nagkatinginan naman sila at sabay na tumango
"Oo naman. Di ka na iba samin. Balik ka dito. Nasa opisina si Mr. Salvo, kausapin mo. Pakiusapan mo na bumalik ka dito"
Pagkatapos nun ay tinutulungan nila akong gamutin ulit ang mga pasa at sugat ko saka ako nagpunta sa Office ni Mr. Salvo
Wala sa sarili akong napatingin sa office ni Mr. Salvo. Napahinga ako ng malalim at napapikit nang kumirot ang ulo ko. Kinatok ko ang pinto ng tatlong beses at agad na pumasok
Nakita ko si Mr. Salvo na may mga pinermahang mga papeles.
"Yes--
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita ako. Kunot noo siyang tumingin sakin at kalaunan ay natulala at di makapaniwala
"E-elinita? What are you doing here? What happened to you?" Nag aalala siyang tumayo at lumapit sakin
"W-what happened to your face?" Agad akong napaiyak at agad siyang dinambahan ng mahigpit na yakap. Natigilan siya ngunit kalaunan ay niyakap rin ako pabalik. Napahagulgul ako na parang bata sa loob ng bisig niya
"A-ayoko na po doon. Please po ilayo po ninyo ako doon! Sinasaktan po nila ako! Mr. Salvo tulungan niyo po ako!"
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romance"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest