OBSESSION XXXI

13.9K 274 8
                                    

OBSESSION XXXI

Napatulala ako saglit habang tinitingnan ang maliit na bahay naming tanaw na mula dito sa kinatatayuan ko. Napahinga ako ng malalim bago napagdesisyonang magpatuloy na

Nakita ko si papa na nag a-ayos ng mga fertilizer para sa mga pananim niya. Nilapitan ko siya

"Mano po papa" Nagulat siya nang makita ako.

"Elinita? Anak? Uy! Ikaw nga! Pasok" Saad niya at kinuha ang bag na dala ko saka pumasok sa loob

"Marita! Nauwi na si Elinita!" Sigaw ni papa at pinaupo ako

"Ano kam--

Nagulat si mama nang makita ako. May dala pa siyang sandok at halatang galing sa kusina at nagluluto

"Mama mano po" Lumapit ako at nagmano sakanya na ngayon ay tulala

"Nauwi ka anak? May problema? Leave ka na naman? Kakabalik mo lang sa trabaho. Hindi ka ba mapapagalitan ng amo mo niyan?" Nag aalala niyang tanong kaya napailing ako saka ngumiti

"Nag resign na po ako..." Nagkatinginan naman sila at nanatiling nakatitig sakin

"Kumain ka na ba?" Imbes na usisain ako kung bakit ako nag resign ay iba ang tinanong ni mama. Napangiti naman ako bago umiling

"O siya halika na. Kumain ka na muna" Saad niya at bumalik sa kusina. Bumalik sa labas si papa at ako naman ay agad ring sumunod kay mama




"Ma nandito na po yung panghuling sahod ko don sa trabaho ko" Inabot ko kay mama ang sobre na naglalaman ng perang ibinigay ni Mr. Salvo

Kinuha ito ni mama habang nakatitig sakin

"May problema ka ba Elinita? May problema kayo ng boyfriend mo?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang salitang boyfriend

"B-boyfriend? Ma wala akong boyfriend " Tanggi ko. Huminga lang ng malalim si mama

"Anak wag mo na itago. Hindi naman kami magagalit ng papa mo. Malaki ka na at normal lang talaga na magkaron ka ng nobyo lalo na at dalaga ka. Sana sinabi mo samin anak hindi yung naglilihim ka. Kung hindi pa sinabi samin ni Lucas na boyfriend mo siya aba hindi ko malalaman na may nobyo ka na pala" Natulala ako dahil sa sinabi ni mama

Parang gusto kong matuwa pero may parte sakin na parang nasasaktan

"M-ma--

"O siya. Hindi ko na itatanong sayo kung nag away ba kayo o hindi o kung ano mang rason mo kung bakit ka nagresign at umuwi dito. Mag aantay ako na sabihin mo lahat sakin anak. Handang makinig ang mama ha? Andito lang ako. Kung ano man iyang hindi pagkakaunawaan niyo ni Lucas sana maayos at mapag usapan pa ninyo yan" Tipid akong nginitian ni mama

"Nako. Dalaga na talaga ang anak ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng apo?" Biro niya na nagpangiti sakin. Imbes na matuwa ay mas lalo lang akong nasasaktan sa katotohanang hindi na para sakin si Lucas. Dahil magkakaroon na siya ng sariling pamilya





Dalawang linggo magmula nung bumalik ako dito sa probinsya ay naging maginhawa ulit ang buhay ko. Nandito parin ang sakit. Dala dala ko parin at iniiyak ko lang gabi gabi.

Minsan sumasagi sa isip ko kung kumusta na ba si Lucas. Kung naplano na ba silang magpakasal kase magkakaroon na sila ng anak. Sa iisiping iyon ay parang hindi ko sila kayang tingnan.

Nakaabot sakin ang balita na meron daw na  bagong hacienda na pagmamay ari daw ng isa sa pinakamayamang angkan mula sa Maynila. Sandali akong napaisip kung may iba pa bang mayaman bukod sa mga Montillan

Lucas Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon