OBSESSION XV

14.9K 276 5
                                    

OBSESSION XV

Abala ako sa paghuhugas ng pinggan nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Natigilan ako at hindi nilingon dahil amoy palang, alam ko na kung sino

"Elinita... Can we talk for a while please..." Nilingon ko siya na sana ay di ko nalang ginawa dahil ang lapit na niya sakin.

Napalunok ako at nag iwas agad ng tingin dahil sa nakakailang niyang presensya. Malakas din ang kabog ng dibdib ko.

"A-ano bang pag uusapan natin?" Mahina kong saad at itinuon nalang sa pinggan ang atensyon ko

Nagulat ako nang masuyo niyang hinawakan ang bewang ko at pinadaosdos ang malalaki niyang kamay. Napapikit ako dahil sa kuryenteng naramdaman

"Hindi mo sinabi sakin na aalis ka... Sana man lang sinabihan mo ko o di kaya nagpaalam ka para hindi ako nag aalala" Napalunok ako at pinigilan ang hininga ko dahil sa kakaibang haplos niya sa bewang ko, idagdag pa ang mainit niyang hininga sa batok ko

"H-hindi na po kailangan..." Napalunok ako at dahan dahang ipinagpatuloy ang paghuhugas

"H-hindi naman po ikaw ang amo ko--

"But I have the rights Elinita dahil akin ka..." Napamulat ako at napahinga ng malalim bago inalis ang kamay niya na nasa bewang ko.

Umalis ako sa pwesto ko at agad na lumayo saka humarap sakanya

"Mr. Montillan, una sa lahat walang nag mamay ari sakin. Wala po kayong karapatan sakin dahil hindi naman ako sa inyo" Nagdilim ang paningin niya kaya napalunok ako

"But you kissed me Elinita..." Mapakla akong natawa at nag iwas ng tingin nang makita ang galit sa mga mata niya

"Ano naman ngayon kung--

Napatili ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinapit ang bewang ko

"You kissed me it means... You like me" Hindi ako nakapagsalita at agad siyang itinulak

"Hindi po porket hinalikan ko kayo gusto ko na kayo..." Ngumisi siya sakin kaya agad akong kinilabutan

"You'll come with me tomorrow. Sasama ka sakin at sakin ka magtatrabaho" Natigilan ako at nanatiling nakatitig sakanya

"Ayoko" Matigas kong saad at agad na winaksi ang kamay na nakahawak sa bewang at naglakad patalikod pero natigilan nang magsalita siya

"Then brace yourself dahil wala ka nang babalikang trabaho" Naestatwa ako at gulat na napatingin sakanya at masama siyang tiningnan kalaunan

"Hindi ba nasabi sayo ni Salvo na saakin ka pagkatapos mong magfile ng leave?" Hindi ako nagsalita at gulat na nakatingin sakanya

"He fired you..." Para akong nanlamig dahil sa sinabi niya. Napaluha ako at napatingin sakanya

"Hindi ako naniniwala" Matunog siyang ngumisi at tumawa

"Really? Hindi ba niya sinabi sayo na ako na ang nagbayad sa hospital bills ng mama mo? Hmm?" Umiling ako at galit siyang tiningnan

"Si Mr. Salvo ang tumulong sakin at hindi ako naniniwalang--

"The credit card you're using is mine" Malamig niyang saad na nakapagpatigil sakin. Seryoso ang mukha niya

"A-anong... H-hindi, hindi ako naniniwala sayo, si Mr. Salvo ang nagbigay--

"I bought it from him after I found out na pinadalhan ka niya ng pera para sa operasyon ng mama mo so that I can monitor kung anong pinagkakagastusan mo..." Ngumisi siya sakin bago lumabi

Hindi ako makapagsalita at nanatiling nakatitig sakanya.

"I also bought some groceries for your family naihatid na ba?" Hindi ko maiwasang magulat. Natulala ako saglit at hindi makapaniwalang nakatitig sakanya

Seryoso? Sa kanya lahat ng iyon?. Napangisi siya nang makita ang gulat kong reaksyon

"Speechless?" Marahas akong napabuga ng hangin at galit siyang tiningnan

"Hindi mo na sana ginawa iyon. Wag kang mag alala, hindi namin tatanggapin yun at ang perang kinuha ko galing sayo ay babayaran ko" Natawa siya dahil sa sinabi ko na para bang isa iyong napakalaking biro

"I know you can't Elinita... Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nilang ipinabalik mo ang mga groceries na binili ko para sakanila..." Sumeryoso ang mukha niya.

Napalunok ako at agad na nagsalita

"Hindi mo ba alam na baon na kayo sa utang? Hmm? Akala mo ba hindi ko alam na binayaran mo ang mga utang niyo at ang gastusin ng kapatid mo sa pag aaral?" Gulat akong napatingin sakanya at nanatiling tahimik.

Malakas ang kabog ng dibdib ko

"460,000 plus your hundreds of debts plus your brother's tuition fee, magkano lahat?" Napalunok ako at napaiwas ng tingin sakanya. Hindi na rin ako makahinga ng maayos

"B-babayaran ko iyon... Maghahanap ako ng trabaho--

"I won't allow you to find another job Elinita. I won't allow you to make your own money dahil sa akin ka lang dapat magtrabaho at sakin ka may utang kaya marapat lang na bayaran mo ko... But, if nabibigatan ka, you have another option"

Bigla akong nabuhayan ng pag asa dahil sa sinabi niya.

"Be my girlfriend instead..." Natulala ako at tuluyang nawalan ng pag asa

"If you would agree to be my girlfriend, you won't pay all of your debts... But if you don't want then be ready, dahil ipapakulong ko ang mga magulang mo kapag di kayo nakabayad"

Naguguluhan na ko at di alam ang gagawin.

"A-ayoko... B-babayaran ko ang lahat ng inutang namin sayo, pangako, magtatrabaho ako at babayaran ko lahat ng iyon" Napahawak siya sa labi niya saka ngumisi sakin

"I'll give you 1 month then..." Kunot noo ko siyang tiningnan at di makapaniwala

"O-one month? Lucas nakikiusap ako. Taas taasan mo pa ang palugit. Hindi ko kakayanin ang dalawang buwan--

"Then you do don't have any choice but to be my girlfriend" Umiling ako sakanya at halos maiyak na

"H-hindi may iba pang paraan please Lucas" Pagmamakaawa ko sakanya. Kinakabahan ako dahil ang laki ng utang namin.

Hindi kakayanin ng isang buwan iyon. Kahit magtrabaho ako ng isang taon baka kulangin parin. Hindi ko na alam ang gagawin ko

"Is it very hard to you to be my girlfriend?" Malamig at walang emosyon niyang tanong. Natahimik ako at sandaking napatitig sakanya saka yumuko

"A-ayoko Lucas--

"Then why are you refusing me--

"K-kase hindi naman kita gusto..." Nakagat ko ang labi nang makitang natigilan siya at nagdilim ang paningin

"But I like you Elinita--

"Lucas! Ayoko nga! Hindi ako pumapayag! Hindi kita gusto--

"Then why don't we try?" Nilapitan niya ko kaya di na ako nakagalaw sa pwesto ko.

Nakapamulsa niya kong tiningnan sa mga mata

"After a month of being my girlfriend, if you still don't have a feelings for me then... I'll set you free" Mahina niyang saad at napayuko

Natahimik naman ako saglit at napahinga ng malalim. Hindi naman siguro masama di ba? Saka nangako naman siya na pagkatapos nito ay papakawalan na niya ko. Ito lang ang tanging paraan para hindi ko na mabayaran ang mga utang ng pamilya ko.

Titiisin ko lang ang pakisamahan siya at pagkatapos nito... Aalis ako at di na magpapakita

"S-sige... Payag ako"

Lucas Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon