LUCAS Point of View
"I don't know why am I doing this" Nakasimagot kong saad habang binibigyan ng mga laruan ang mga batang taga probinsya. Masaya naman silang nakangiti habang ako ay seryoso lang at di sila nginingitian pabalik
I looked at my mom who's busy talking to the the kid's parents. Summer ngayon at walang pasok kaya naman ay dinala ako ni mommy dito para raw makita ang mga masasayang ngiti ng mga bata sa probinsya.
Kada bakasyon pagkatapos ng klase ay namimigay si mommy ng mga laruan, pagkain, school supplies at iba pa. Ginagawa niya ito kada bakasyon dahil wala na raw pasok lahat ng mga bata. And I hate it. Ako ang palaging dinadala at hindi si Luke.
Laking probinsya ang mommy ko. And I'm aware of it kung bakit ganun siya kalapit sa mga taong taga probinsya. She's always willing to help in any provinces here in the Philippines.
"Lucas! Take a smile anak wag nakasimangot" Mas lalo akong napabusangot dahil sa sinabi niya
"Ang anak mo talaga Jenica ano masungit. Manang mana sa asawa mo" Natawa lang si mommy kaya mas lalo akong napairap. As if we care!
"You can play now" Tahimik akong umalis doon at kinuha ang bola ko saks lumayo doon. Ayokong makipaglaro sa mga batang taga probinsya dahil amoy pawis sila.
I want to go home. I want to play basketball with my cousins rather than doing this stuff and playing here all alone. It's my mom's fault. Sana si Luke nalang sinama niya.
I am busy dribbling my ball when it accidentally rolls at some directions kaya naman ay hinabol ko ito.
Natulala ako at natigil nang makita ang batang babae na hawak hawak ang bola ko. Sandali akong napatingin sakanya. Hula ko mga nasa 10 or 11 years old siya. I know I'm just older than her. I'm 14. Maganda siya, may maikling buhok at at may maputing kutis. Napatingin ako sa mukha niya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkakatulala.
Nagitla ako nang mabaling ang tingin niya sakin. Natulala ako dahil sa maganda niyang mata na para bang nakikiusap. Bakas doon ang kainosentehan at ang kabaitan niya
"H-hello. Sayo ba toh?" Mahina niyang tanong. Maski ang boses niya ay nakakatulala. Ang hinhin at ang sarap pakinggan. Sh*t nahihibang na talaga ako! D*mn!
"Y-yes... That's mine" Pinilit kong maging seryoso pero nagulat ako dahil bigla akong nautal sa harapan niya
Ngumiti siya kaya mas lalo akong natulala. Bigla ring pumintig ng malakas ang puso ko habang nakatitig sakanya
"Heto oh. Gumulong kase" Inabot niya sakin ang bola habang nakangiti parin.
Marahas ko itong kinuha at sinamaan siya ng tingin para mapagtakpan ang pagkautal at ang pagkatulala sakanya kanina
"Next time. Don't touch someone's thing na hindi naman sayo! Tinuruan ka naman siguro ng mga magulang mo di ba? Na huwag kumuha ng gamit na di sayo!" Maldito kong saad. Natigilan naman siya at napatitig sakin
Napakurap siya saglit at yumuko saka nilaro ang mga kamay habang nakayuko. Nagulat ako nang makitang umiiyak siya ng tahimik. Nagtaas siya ng ulo at nakita ko ang luhaan niyang mga mata. Bigla namang nanlambot ang tuhod ko. What the h*ck did I do?
"P-pasensya ka na... Di ko sinasadya. Nakita ko lang naman kaya pinulot ko. Di ko naman alam na sayo pala" Yumuko siya at tahimik na umiyak. Natulala naman ako at di makapagsalita
"W-wag mo na ko isumbong sa mama at papa ko ha? Papaluin ako nun" Mahinang saad niya. Hindi ko alam pero para akong nasaktan dahil sa pag iyak niya
"Sshh wag ka na umiyak" Nilapitan ko siya at pinahiran ang luha sa mga mata niya. Natigilan at natulala naman siya. Bigla akong nakuryente habang hinawakan ko ang mukha niya. Natigilan ako at sandaling nakipagtitigan sakanya. Ang ganda ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romantik"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest