Chapter 3 News
Ilang buwan bago bumalik ulit kami sa aming gawi. Araw araw tumitingin ako sa daungan ng matatayog na pader na kong saan ang bukana nito ay konektado sa pulang ilog.
Walang araw na bumisita ako dito habang iniisip na darating padin si Hiro. Bibisitahin niya ako na may dalang mga mansanas.
Sa buwang iyon marami akong pinagsisisihan. Isa na dun ay ang pag iwan sa kan'ya sa gitna ng labanan. Nagsisi ako na hindi ko man lang siya maipaghiganti.
Umupo ako sa makurbang lupa. Tinupong ko ang aking dalawang binti habang nakatingin sa kawalan.
Napakatahimik.
Walang boses. Walang tuwa o pagdurusa ang aking narinig. Tanging ang aking isipan lamang ang aking naririnig.
Ninanamnam ko ang katahimikan ng paligid nang biglang bumukas ang matayog na talangkahan. Binasag nito ang tahimik na paligid.
Dahil sa lakas nito ay gumagalaw ang paligid. Humawak ako sa patay na puno dahil naramdaman kong umuuga din ang lupang inuupuan ko..
Sumarang muli ang talangkahan. Sandaling natahimik ang paligid nang nakita kong muli ang hukbo ng mga taga labas. May dala na silang mga pana at matutulis na bagay ngayon.
Napansin ko ding may malaking mga kulungan ang hila hila ang isa sa kanilang mga kabayo. Dahil nga malapit lang ako sa bukana ng talangkahan ay agad nila akong napansin.
Hindi sila tumigil, ngunit hindi rin nila nilihis ang kanilang paningin sa akin. Parang nagkaroon ng bara ang aking lalamunan dahil alam ko na ang patutunguhan nito.
Sa bawat hakbang ng kanilang mga kabayo ay siya ring lakas ng pagtibok ng aking puso. Halos hindi ako makahinga.
Isang pulang karwahe ang huling dumaan. Nakasarado ang bintana nito kaya hindi ko masilip kong sino ang nasa loob. Alikabok ang tanging iniwan nila. Hindi ako nakagalaw sandali dahil pinoproseso pa nang lahat sa aking utak.
Pagkadating ko sa bayan ay tahimik ang paligid. Parang normal lang naman ang kilos ng lahat. Walang naalarma. Nakaparada ang kanilang mga karwahe at kabayo sa gilid ng kabahayan. May mga nakatayong bampira sa paligid.
Nilakihan ko ang aking hakbang papunta sa aming bahay. Kahit pa man malayo ang narinig ko kaagad ang tawanan ng aking mga magulang at kapatid. Nabunutan ako ng tinik at agad na lumakad.
Pagpasok ko sa loob ay nagsitahimik silang lahat. Lumingon ako sa lalaking komportableng nakaupo sa bangko. Gilid ito ng bintana. Kumikinang ang mapula nitong mga mata.
Matangos ang kan'yang ilong, mga labing mapupula na sa tuwing siya ay ngingiti ay makikita mo kaagad ang kan'yang biloy. Mukhang hindi mo makikita ang kapamintasan. Nakakamangang pagmasdan ang kanyang kabuuan.
"Oh? Saan ka galing?" Nagtatakang tanong ni Papa.
Hindi ako kumurap o gumalaw sa aking kinatatayuan, patuloy ko paring hinahangaan ang prinsipe. Minsan ko lang itong makita kaya hindi ko maiwasang mapatagal ang pagtitig.
"Alice?"
"Alice Cielo!"
"Ay halimaw!" Napasigaw ako.
"Ano ba'ng nangyayari sayo?" Tanong ni Mama at agad na lumapit sa akin. Dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ay agad akong napaatras. Habang paatras ako ay siya ring pag abante naman ni Mama.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang hinahabol ako ng kong anong halimaw. Napasandal ako sa dingding namin na gawa sa kawayan. Napapikit ako sa haplos ni Mama sa aking ulo pati narin ang aking leeg. Naiisip ko na sana'y si Prinsipe Loala iyon.
"Wala ka namang lagnat. Maaring napagod ka lang siguro sa pagliwaliw sa iyong sarili." Aniya at tumalikod na.
Sa tuwing nagtatagpo ang aming tingin ay agad na binubuhay ang aking puso sa pagtibok. Palihim kong winahing ang hibla ng aking buhok sa akin tenga. Palihim ko din siyang sinusulyapan sa tuwing nag uusap sila ni papa.
Mabait siya. Hindi katulad ng kapatid nito na sobrang gaspang ng ugali at hambog. Walang awa. Lahat na yata ng kapangitan ng ugali ay nasa kan'ya.
"Ang palasyo po ay naghahanap muli ng katulong, Kapitan. Baka po'y may nais lumabas sa inyong myembro at maglingkod sa palasyo ay kukunin na po kaagad namin ngayon." Magalang nitong sabi.
"Lahat kami'y apektado sa nangyari nitong nakaraang buwan. Siguradong maraming isa sa amin ang may plano lumabas para narin makatulong sa kanilang pamilya." Ani papa.
Sandali'y may naisip akong dahilan para masilayan ang araw. Nagbabakasakali ako na sa pagkakataong ito'y papayagan na ako ni Papa na maglingkod sa palasyo. Marami narin ang isa sa amin ang naglingkod sa kanila at nakakatulong sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Bawat buwan ay nagpapadala ang palasyo sa kanila ng mga bigas at pagkain o kaya nama'y mga prutas.
"Papa." Tawag ko sa kan'ya. Ngumiti ito sa akin.
"Ano iyon, Alice?"
"Sasama po ako sa kanila." Diretsa kong salita. Hindi iyon paghihingi ng permiso na payagan niya ako kun'di pagpapaalam. Alam kong hindi siya papayag dahil takot siyang baka hindi ko kayanin ang araw.
"Ano?" Gulantang na tanong ni Mama. Ganu'n din ang reaksyon ng aking mga kapatid.
"Hindi maaari. Masyadong malambot pa ang iyong mga balat para kayanin ang araw." Pagtutol nito sa aking pasya.
Lumapit ako sa kanya. Hindi ito tumingin sa aking mga mata. Kahit pa man hirap akong kumbinsihin siya ay ginawa ko ang lahat.
"Ganito nalang po, sa akin nalang magtatrabaho si, Alice... Ako na po ang bahala sa kanya" Pagsingit ni Prinsipe Loala. Sandali na naman akong napatitig sa kan'ya.
"Ngunit..."
"Papa, uuwi po akong buhay." Pagsisiguro ko sa kanya at hinawakan ng kamay nito.
Sa ilang oras na pangungusap ko sa kan'ya ay napapayag ko din ito. Malungkot ang kanilang mga mata habang pahakbang ako papalayo sa aming tahanan. Muling ngumiti ako sa kanila bago pumasok sa kulungan.
Lima kaming nasa loob. Ako, si Ria na pinsan ko, si Aleng Sisa at ang dalawang anak ni Lolo Mario. Tahimik lamang kami habang pinagmamasdan ang pamilyang nilisan.
Niyakap ko ang aking dalawang binti at tumitig sa kawalan. Sana'y sa pag alis kong ito ay walang mangyayaring masama sa aking pamilya. Huwag na sanang bumalik ang prinsipe na iyon sa bayan dahil tiyak na gulo at dugo lamang ang siyang magiging kapalaran ng lugar.
Muling dumaan ang kulungan sa mataas na talangkahan. Malakas na malakas ang tunog nito sa tuwing hinihila ang sementong pinto na naglilikha ng malakas na pagngutngot.
Sa muling pagsarado nito ay isang liwanag ay siya nagpagulo sa aming isipan. Masakit at nakakasilaw.
"Ang araw." Bulong ni Aleng Sisa.