Chapter 1

9 0 0
                                        

Chapter 1

"Visitors"

Mga paru-paro sa bulaklak na malayang hinahampas ang kanilang mga pako. Huni ng mga ibon na nag aawitan sa tuwa. Mga layang kahoy ng kagubatan.

Binulsa ko ang hawak na kuwentas matapos makarinig ng tunog ng karwahe, 'di kalayuan sa kagubatan kong saan ako nakatayo.

Mga bampira...

Halong kaba at pag-alala ang unang pumasok sa aking isipan matapos ko muli silang makita. Maliit pa lamang ako noon ngunit nakita ko kong paano sila kabagsik sa tao. Kong paano nila gawing alipin ang tulad kong tao.

Matagal din na hindi sila nakabalik sa bulok na lugar namin. Kong sa oras man babalik sila ay malaking perwisyo ito sa bayan namin. Unti unting nawawala dahil nga kinukuha nila ang mga tao upang gawing inumin o kaya naman alipin. O ang masaklap ay bibisita lang sila dito para gawin kaming katuwaan.

Parang nakakulong lamang kami at ni paglabas ay hindi namin magawa. Masyadong madilim at makulimlim na paligid ang siyang nakikita namin bawat paggising.

Hindi ko alam kong totoo nga ba ang araw. Napapaligiran lamang kami ng matatayog na pader at kadiliman na tila sinasadya na takpan ang araw na nagbibigay liwanag sa paligid.

Nagtago ako sa may kahoy matapos maramdaman na papalit na ito sa kabahayan. Bago pa man ako makalihis sa tingin nila ay isang pulang mata ang aking nakatagpo.

Maputing balat at matangos nitong ilong. Saktong kapal ng kilay.

Kilalang kilala ko ang maamo nitong mukha na tila wala itong ginagawang masama sa tanang buhay niya.

Komportableng nakaupo ito sa loob ng karwahe habang tumatakbo ang sinasakyan nito. Hindi ako bumitaw sa kan'yang titig at ganu'n din siya hanggang sa tuluyan na nga silang makalampas sa gubat.

Maraming tauhan ang kan'yang kasama na nakasakay sa kabayo. Napaka makapangyarihan nga talaga nila. Kong dati'y iniisip kong katulad din lamang namin ang mga bampira ay hindi pala. Pagkakamali kong maliitin ang tulad nila samantalang mas mababa pa ang tulad naming tao.

Kahirapan...

Kahirapan sa buhay at kahirapan ng mga taong hawak ang buhay ng isang bampira.

Sa tuwing naririnig ko pa lamang ang kuwento ni Papa tungkol sa kanila ay hindi ko maiwasang isumpa sila na sana'y... Sana'y makakahanap din kami ng paraan upang matalo ang tulad nila.

Ngunit papaano?

Sila ang namumuno. Sila ang mas malakas.

Nagsiliparan ang mga paruparo papalayo matapos kong ihakbang ang aking mga paa sa bulaklak.

Agad na akong kumilos papalabas sa kagubatan upang maabutan pa ang prinsipe papunta sa kabahayan.

Napatigil ako nang marinig ang boses ng uwak na nakapatong sa patay na kahoy. Kulay pula ang mata nito. Sandali akong napatulala...

Hindi....

Humuni muli ito pangatlong beses.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili at tila nawawala ako sa tamang huwisyo habang pinapakinggan ang matinis nitong pag-taghoy. Lumakas ito at umaalingawngaw sa aking utak. Walang humpay hanggang sa napaluhod ako sa gitna ng kalsada.

"Ahhh!" Sigaw ko.

Namimilipit ako sa sakit at ang lakas ng tibok ng aking puso. Ilang minuto nang huminto ito sa pag-taghoy at lumipad sa dilim na kalangitan.

Hindi na ako nag aksaya ng oras, pilit akong tumayo. Hinihingal man ay tumakbong muli ako.

Tumakbo ako ng tumakbo. Naiisip ko pa lamang na muli na namang magkakagulo ang bayan na 'kay tagal ng wasak ay parang titigil muli ang mundo ko.

Huminto ako.

Isang malakas na sigaw at iyak ang aking narinig. Tinanaw ko ang bayan. Mga taong pilit kumakawala habang hinahabol sila ng mga bampira.

Naguguluhan ako habang pilit na hinahakbang ang mga paang naninigas.

"Hindi." Napailing-iling kong bulong.

Ang tanging bayan na kong saan ako masaya ay nagkagulong muli. Nanumbalik muli ang mga alaalang iniwan nila sa amin sa nakalipas na taon. Ang masasakit na alaala na pilit namin binabaon at ang katotohanan na kong saan ay wala kaming patutunguhan at hanggang dito nalang talaga ang bagsak namin. Ang maging isang alipin at inumin ng mga uhaw na bampira.

Walang katapusang paghihirap.

Hanggang saan pa nga ba ito?

Nakakapagod na.

"Tara na," anang boses at hinila ako.

Hindi ako umalma o bumitaw ng isang salita. Hinayaan ko siyang hawakan ako at itago sa kanya mga bisig.

"Pasensiya ka na." Bulong nito at mas hinigpitan ang yakap.

Hindi ko mapigilang mapaluha. Parang tinutusok ang aking puso habang naririnig ang palahaw at pagmamakaawa ng nasa aking paligid.

"Ama!"

Tumigil ako sa pag-iyak matapos marinig ang boses na iyon. Bumitaw ako sa yakap ni Hiro at naguguluhan naman itong tumitig sa akin.

"Pasensiya na din." Ani ko at humakbang papalayo sa kan'ya.

Hindi na ako lumingon pa dahil sa oras na ginawa ko iyon ay alam kong babalik at babalik ako sa mga bisig niya.

"Era!" Sigaw ko habang pinapanood ang mga tao sa paligid na nagkakagulo. Maraming bangkay ang nakahandusay isa na dun ang mga bampira. Maraming dugo ang umaagos sa lupa. Luhang pumapatak sa mga mata ng tao.

"Alice"

Dahan dahan akong lumingon muli sa direksyon niya. Hawak na ito ng isang pulang mata at tila natutuwa pang pagmasdan akong nahihirapan. Nanginginig ang aking buong katawan sa inis at hinagpis na sana'y balang araw ay makakaganti din kaming mga tao sa kanila.

"Wag!"

Tumigil ang mundo ko nang bigla niya itong sinaksak sa leeg. Humagulgol akong lumuhod at iniisip na sana'y panaginip lahat ng ito. Hindi ko alam kong anong gagawin ko sa oras na ito at talagang masisiraan na ako ng bait.

"Hiro" tanging nasabi ko hanggang sa nililipad na ng hangin ang kanyang abong katawan, hanggang sa naging hangin na lamang ito.

Tulala ako matapos masaksihan ang pagkawala ni Hiro. Sa mismong kamay ng prinsipe ito talagang nawala at iyon ang hindi ko matanggap. Paano niya nagawang patayin ang tauhan niya?

Naramdaman kong lumapit ito sa akin. Hindi ako gumalaw. Kong sakali man na gawin niya rin sa akin ang ginawa niya kay Hiro ay ayos lang. Ganun naman talaga ang hantungan ko pagdating ng panahon. Ngunit mapapaaga lamang ako siguro.

Tumigil ito sa aking harapan at nakaharap ang bota nito sa aking paanan. Tumitig ako sa kutsilyo na ginamit niya. Tumutulo ang pulang dugo nito sa lupa.

"Let's go," huling salitang narinig ko mula sa kan'ya.

Sumunod naman ang mga tauhan nito at nagsi-sakayan sa kani-kanilang kabayo. Puno ng galit akong tumingin sa kanila habang nililisan nila ang lugar namin.

Darating din ang araw....at ikaw naman ang magmamakaawa at luluhod.

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now