Chapter 11
"Ceremony"
Wala ako sa tamang huwisya habang papunta sa lugar kong nasaan gaganapin ang seremonyas. Maraming bisita. Hindi iyon maipagkakaila dahil masaya silang iba na ang papalit sa trono ng hari. Na akala nila'y magiging maayos na ang lahat.
Tumayo ako sa dagat ng mga imortal. Kahit malayo ay natatanaw ko parin si Prinsipe Loala at ang kaniyang pamilya.
Sandaling tumahimik ang lahat nang makarinig kami ng malakas na palakpak. Agad akong gumilid at sinilip kong sino iyon. Hindi ko kilalang mga bisita ang pumasok.
Madrama ang paglalakad nila. Lahat ng tingin at atensyon ay nasa kanila na ngayon. Hindi ko alam pero parang may hindi kaaya-ayang awra ang paligid dahil sa pagdating nila.
Nagtaka ako dahil lahat ng bisita ay agad na nagsi-luhod nang makita sila. Wala akong kaalam-alam sa pangyayari ngunit agad din akong lumuhod.
"Mabuti at nakapunta ka?" Seryosong tanong ng Hari.
Hindi parin sila tumatayo kaya yumuko ako para hindi sila matingnan.
Ano ba ang ibig sabihin nito?
Ang alam ko'y bawal ang taga-labas na pumasok rito maliban na lamang kong mas mataas sila kaysa sa hari. Kong ganoon ay sila ang protektor ng labas?
Isa din silang guwardiya ngunit mataas ang posisyon kaysa sa hari. Ibinubuwis nila ang kanilang buhay kaya at mataas ang kanilang gampanin sa lahat ng bampira.
"Mabuti nga." Aniya at huminto sa harapan ko. Parang gusto ko nalang magpasapi ng kong anong elemento sa katawan ko para maibsan lang ang kabang nararamdan ko ngayon.
"Chill." Mahinang tawa niya at agad nang lumakad.
Bakit hindi nalang kaya tumigil sa pagtibok itong puso ko para naman hindi ko na maramdaman ang takot sa katawan ko.
Pagkatapos ng pangyayari kanina ay agad akong lumabas para magpahangin. Parang kailangan ko yata ng tuniladang hangin sa katawan para kapag nawalan ako'y may reserba pa ang mahina kong katawan.
Agad na tumambad sa akin ang malamyos na araw. Hapon na at walang tao sa labas. May nakabantay naman guwardiya sa labas ngunit mas marami ang nasa loob. Bukas ang talangkahan at hinihikayat ang lahat para tunghayan ang pagpasa ng posisyon sa kay Prinsipe Loala.
Umupo ako sa may ilalim ng puno upang pagmasdan ang namamatay na taghapon. Tiyak na bagong laro na naman ito ng buhay nila. Hindi ko alam kong maayos bang gagampanan ni Loala ang katungkulang ipinagkaloob sa kan'ya ng kanyang ama pero alam ko at magtitiwala ako sa kaniya.
Mabuti siya at dapat lang sa kaniya ang posisyon na maging Hari. Sinandal ko ang aking ulo sa katawan ng kahoy at ipinikit ang matang pagod. Hindi ko namalayang takipsilim nang ako ay magising.
Nagmamadali akong lumakad pero napatigil ako nang may naramdaman akong nakasunod sa akin. Hindi ako lumingon sa sobrang takot imbes, mas nilakasan ko ang paglakad hanggang sa nakarating sa loob.
Lahat ay nagkakasiyahan habang patingin tingin naman ako sa paligid. Hindi ko magawang magsaya na baka nakasunod parin siya sa akin.
Umingay ang paligid nang may isang bampirang nagtangkang umatake sa kasamahan namin. Takot na takot ang mga mata niya at hindi makapagsalita. Sinubukan niyang hanapin ang suot niyang kuwentas ngunit hindi niya na ito mahagilap.
Tumakbo siya.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang mahagip ng aking tingin ang babaeng tumulong sa akin kagabi. Nakasuot muli siya ng talukbong na kulay pula. Kahit ko makita ang mata nito pero sigurado ako kong sino ito. Agad siyang umalis at nawala na parang bula. Ang bilis ng kilos niya na kong aakalain mong isa din siya sa kanila.
Agad akong tumakbo sa kong saan siya kanina nagbabakasakali na mahigalap ko pa siya sa dagat ng mga bampira. Parabg sasabog na ang puso at isip ko kong mahahanap ko pa ba siya.
Alam kong may masama siyang binabalik pero mapapahamak lang siya kapag ginawa n'ya ito. May pamilyang naghihintay sa kan'ya, dapat ay inisip niya ito.
"Ria!" Tawag ko sa kaniya.
Nakatalikod siya at hindi lumingon. Huminto siya kaya at napahinto din ako. Humarap siya at inangat niya ang kanyang tingin kaya't nagkatagpo ang aming tingin.
Umiling ako sa kaniya at agad na humakbang papalapit pero sa ginawa kong iyon ay lumalayo din siya sa akin.
"Matatapos lang lahat ng 'to pag nagawa ko nang patayin si Loala." Huling salitang narinig ko sa kan'ya bago muling nawala siya sa aking paningin.
Agad kong hinanap ang bagong Hari ngunit laking gulat ko nang hindi ko ito makita sa kaniyang trono.
Nasan siya?
Lumingon lingon sa paligid nagbabakasakali na andoon siya sa iisang grupo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Padami ng padami ang bisita at sumasayaw sa tugtugin.
Lumayo na ako duon. Para akong tanga sa paghahanap sa dalawa. Hindi puwedeng gawin ni Ria iyon. Madadamay kaming lahat at mawawala lahat ng pinaghirapan ko.
Sa wakas ay natagpuan ko na ang babaeng hinahanap ko. Nasa labas siya habang pilit na sinusundan ang bagong Hari. Desperada na talaga siya sa gagawin niya at alam kong hindi ko siya mapipigilan.
Lumakad ako ng kaswal dahil kapag gagawa ako ng isang maling galaw ay aalerto ang palasyo.
Ang tanga lang din at walang guwardiya ang Hari. Bakit ba siya lalabas? Saan ba siya pupunta? Nakita kong paliko ang Hari papunta sa madilim na parte ng palasyo. Walang pag alinlangang sumunod si Ria. Nakita kong nilabas nito ang patalim na nakatago sa kaniyang damit.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makuha iyon. Mas lalong bumilis ang galaw ng Hari na halos hindi ko na siya matanaw. Napatakip ako sa aking bibig nang masaksihan kong malakas at malayang nagalaw si Ria. Hindi ako makapagsalita.
Ibig sabihin ay bampira din siya?
Paano?
Kailan?
Napasapu ako sa aking nuo at agad na tumakbo. Hindi ko alam kong saan balak dalhin ng Hari ang babae pero iisa lang alam ko. Hindi maganda ang kutob ko sa mangyayari ngayon. Kailangan kong mahanap si Ria o baka katapusan na ng lahat.
Agad na huminto ang aking mga paa nang makarinig ako ng mahinang pag iyak. Agad akong nagtago sa malaking kahoy at sinilip ang eksena.
"Matatapos lang lahat ng ito pag wala ka na!" Puno ng hinagpis ang boses ng babae samantalang wala namang kaemo-emosyon ang Hari. Ibang iba ang katauhan na pinakita nila ngayon.
"How foolish are you? Until now you still fall for me."
