Chapter 2

6 0 0
                                        

Chapter 2

"Deaths"

Ang pagkasawi ng aking mga ka bayan ay nagdulot lalo sa akin ng mas matinding galit sa dugong bughaw. Walang humpay ang iyakan sa aking paligid habang pinagmamasdan namin ng pamilya ko ang mga bangkay ng mga nasawi.

"Papa, yung bahay natin." Nanlulumo na sabi ni Arki.

Lahat ay sugatan, pisikal man o pangkaisipan. Mga bigong mukha na nagsasabing talo ulit kami sa laban.

Halos wasak at sira ang kabahayan na gawa lamang sa kawayan at kahoy dahil sa pagsunog nila.

"Maaayos din natin ito. Ang importante'y walang nasawi sa atin." Tanging nasambit ni Papa. Alam kong pagod at nasasaktan din ito sa nangyayari sa amin, pero pinipilit niya lamang itago at magpakatatag kahit pa man ganito na ang nangyayari sa amin.

Napatingin ako sa aking suot. Maraming bahid ng dugo ang aking palda at ang puting damit. Hindi maiguhit ang kanyang kanya naming mga itsura dahil sa naganap pero iisa lamang ang nasa aming isipan, ang paghihiganti at galit.

"Kapitan!" Isang malakas na sigaw ang agad nag-pukaw sa aming pag-iisip.

Si Tiyo Romano.

Galit itong lumapit sa amin. Nanginginig ang kanyang katawan at basa ang mga mata ng kanyang luha.

"Siguro'y nakipag-sundo ka sa mga pambira kaya't pumarito sila!" Nginitngit nito ang kanyang ngipin at kinuyom ang kan'yang kamao.

Hindi makapaniwala kaming tumingin sa kan'ya. Ang kapal kapal naman ng pagmumukha nito't talagang ganun ang kanyang inisip kahit pa man nagkagulo na ang bayan.

"Dahan dahan ka sa pambibintang mo, Romano." Malamig na tugon ni Papa. Agad namang nagsi lapitan ang ibang tao papunta sa amin.

"Di ba't kasintahan ni, Alice, ang pambirang pinatay ng prinsipe? Kaya't hindi katakataka iyon!"

Napapikit ako sandali.

May kong anong bagay na nakabara sa aking damdamin na tila hindi ko na kayang itago ito. Anumang oras ay sasabog na ito kong hindi ko ito mailalabas.

"Wala kang karapatan para iparatang sa amin iyan!" Umapela naman si Mama.

"Posible iyon!"

"Maari ba, Romano? Itigil mo na ang kaisipan na iyan. Iisa na ngalang tayo dito at talagang pinairal mo pa ang pagiging isang idyota!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Sandaling natahimik ang lahat. Walang lumabas na salita mula sa kanila at tanging paghinga ang aking nadarama. Bago pa man sila makapag-sabi ng kong ano ay agad na akong tumakbo papalayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto lang na mawala itong bumabagabag sa aking isip. Nais kong isigaw lahat ng hinanakit ko.

Mga bituin at ang dilim na kalangitan na nagsasabing wala na kaming pag-asa. Sinakop na talaga kami ng bampira.

Umihip ang malamig na hangin sa kapaligiran kaya't napapasayaw ang mga dahon. Nilapat ko ang aking kanang kamay sa mga dahon habang naglalakad.

Palagi ko itong ginagawa, ang maglakad habang may iniisip. Kahit pa man sa kadiliman na nakabalot sa aming paligid ay naroon parin ang maganda nitong tanawin.

Dinala ako ng aking paa papunta sa ilog. Ang ilog na ito'y konektado papunta sa syudad. Tinawag itong patay na ilog dahil noong una pang panahon ay naging tapunan ito ng mga patay na katawan ng tao sa labanan ng bampira. Maraming nasawi. Simula noon ay nagsimula nang maging alipin ang mga tao.

Kulay pula ang tubig nito na tila kahit pa sa 'kay tagal nang panahon hindi parin naghihilom ang mga dugong umagos mula dito.

Umupo ako sa may bato. Nagtataasang kahoy ang siyang aking nakikita sa tuwing titingala ako.

Nagtagal ako dun nang minuto ilang hanggang sa nagpasyang umuwi. Gumaan ang aking pakiramdam kahit papaano.

Pagkadating ko sa bayan at nagsi-kanya na sila sa pag aayos ng kanilang nasirang bahay. Napatitig ako sa mga inosenteng bata na naglalaro sa lupa. Kay bata pa nila para pagdaanan ito. Kahit pa man na mahirap mabuhay sa mundong ito ay talagang nagsusumikap parin silang magtiis sa ganitong pamumuhay.

Imbes na masarap na pagkain at magandang bahay ang kanilang tinutuluyan ngayon ay narito sila tulad namin naghihirap sa sinumpang araw. Kapos sa liwanag.

Kahit anong pag-intindi ko sa papel namin sa mundong ito ay hindi ko parin matanggap. Mga pangako na sa una lang ginawa. Tila binulag nga talaga kami ng kadiliman na kahit pagmulat ng aming mga mata'y di namin magawa dahil kahit anong gawin naming pagmulat ay nangangapa parin kami sa kadiliman. Walang humpay na kadiliman.

Mahihinang kidlat na sandaling nagpatigil sa mga bata dahil sa takot na baka'y tamaan sila. Dahan dahan ang pagpatak ng ulan mula sa kalangitan.

"Alice, kunin mo ang timba at ilagay mo du'n" ani mama sabay nguso sa paglalagyan ng timba na kong saan makakalikom kami ng tubig.

Agad ko itong ginawa habang patagal ng patagal ay lumalakas ang ulan. Huminto ang lahat sa kanilang gawain at sumilong sa kani-kanilang tahanan.

Dahil nga sira ang aming bubong at dingding ay nagsiksikan kami sa isang sulok na kong saan sobrang liit nito at pilit pinagkakasya ang aming sarili.

Lima kaming magkakapatid. Apat na babae at isang lalaki. Si Arkin ang bunso habang nakakatanda naman ay si ate Josie. Pangatlo ako sa magkakapatid.

Hulyo trese, taong isang libo siyam na raan at siyamnapu nang ipinanganak ang nakakatanda namin. Siya ang unang kapatid na nakaranas ng bagsik ng bampira na pinaghaharian ni Panginoong  Joseph.

Ilang dekada narin itong namumuno sa syudad Eastwood at talagang dati pa'y ganito na raw siya kabagsik kahit nu'ng hindi pa siya ang hari. Totoo nga talagang may pinagmanahan din ang nakakatanda nitong anak na si prinsipe Harvey.

Bumuntong hininga ako habang inaantay na tumigil ang pagpatak ng ulan. Tahimik lamang kami habang nakatitig sa kawalan.

Pinikit ko ang aking mga mata at iniisip na nasa isang palasyo ako kasama ang aking pamilya kumakain sa malaki at magarbong lamesa na puno ng masasarap na pagkain.

Maaliwalas at hindi naghihirap ang aming mga mukha. Masayang masaya kaming kumakain at hindi iniisip kong may makakain pa ba kami pagkabukas.

Ano kaya ang pakiramdam na nakukuha mo ang lahat ng gusto mo?

Ano nga ba ang pakiramdam na gumigising ka na hindi iniisip na may kalayaan kang gawin ang gusto mo?

Gusto ko din maranasan iyon. Kahit saglit. Kahit ilang minuto man lang o kahit segundo. Maliwanag na kapaligiran at mahalimuyak na hangin na hindi pagtitiis ang nalalanghap mo.

Ano nga ba dahilan bakit ganito na lamang kadali ang kitilin ang buhay namin?

May panahon pa kayang dadating na kong saan mayroon din kaming kalayaan?

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now