Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapter 10

"A Girl In A Red Hood"

Nagdurugo ako at pilit niya namang pinipigilan ito gamit ang kaniyang kamay. Nanghihina na ako at alam kong anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.

"I shouldn't do this.." Mahinang bulong niya habang ginagawa niya ito.

Nangangapa na ako sa hangin nang sandaling naramdaman ko ang presensya ng isang tao. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na itong lumapit sa amin at hinambalos ng mabigat na bagay ang kasama ko.

Hindi ako nakapagsalita. Napatakip ako sa aking bibig habang nakatanaw sa babaeng may talukbong ng kulay pulang tela. Hindi ko maaninag ang kan'yang mukha pero sigurado akong babae ito.

Lumapit siya akin kaya agad akong yumuko dahil takot akong malaman kong sino ito. Hindi maaari. Hindi dapat mangyayari ito. Bago niya pa man ako masaktan ay agad na akong nawalan ng malay.

*****

Pagkagising ay nasa malambot na akong higaan. Magaan ang pakiramdam ko at hindi na naaamoy ang malansang paligid.

Nadatnan kong nasa isang silid ako. Hindi ko alam kong nasaan ako pero alam kong ligtas na ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil naalala kong muntik na akong mamatay kagabi. Kahit pa man .

Idyota rin ako sa pagbalik sa prinsipe dapat nga talagang umalis ako at hinayaan nalang siya doon. Bakit ba inisip ko pang sagipin siya samantalang hindi niya nagawang makontrol ang sarili niya.

Pilit kong nililihis ang sarili sa pag iisip ng hindi magandang bagay na nangyayari sa akin. Pinikit ko na lamang ang aking mata at muling nagpahinga.

Nang idilat ko ang aking mata ay agad unang tumambad sa akin ang maamong mukha ni Ria. Nakatayo ito sa harapan ko at walang kong anong bahid ng sugat ang nakikita ko sa mukha niya.

"Ria?" Takang tanong ko.

Agad akong bumangon habang nakatitig parin sa kaniya. Hindi makapaniwala kasi hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya kagabi.

Papaano?

Papaanong nandito siya?

Paano siya nakatakas?

Gulong gulo ang isipan ko samantalang wala man lang ito sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari.

"Alam kong nagtataka ka rin, mahirap ipaliwanag." Aniya at ngumisi.

"Bakit mahirap ipaliwanag?" Ani ko at lumapit sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay nito at ang kan'yang maamong mukha.

"Hindi mo maiintindihan." Sagot niya naman at agad akong niyakap.

Ano ba ang mahirap ipaliwanag? Mahirap ba na ipaliwanag na traydor siya?

Naiintindihan ko kong bakit ganito siya.

"Siguro nga ay ito na ang huli."

Huling salitang habilin niya bago lisanin ang silid. Naiwan akong nakatanga at pilit na iniintindi ang nangyayari. Ano ang ibig niyang iparating?

Napaupo na lamang ako sa kama at pilit na pinoproseso ang pangyayari. Wala talaga akong naintindihan. Kaya ba ayaw niyang sabihin kasi nga nakakalito.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Sobrang gulo na ng mundo, hindi ko alam kong kailan nga ba ito hihinto.

Nilaro ko ang dalawang kamay nang biglang bumukas ang pinto. Matangkad at gwapo ang muling nahagip ng aking mata.

Hindi ko mapigilang mapanganga dahil sa bagay na bagay ang suot nitong damit sa mukha niya. Kailan pa nga ba hindi babagay sa kaniya ang isang bagay.

Agad akong tumayo at yumuko bilang pag galang.

"Magandang hapon, Prinsipe Loala." Bati ko at ngumiti.

"Nabalitaan ko ang nangyari... nandito ako para---"

"Patawad po hindi na po mauulit iyon." Ani ko at agad na lumuhod.

Kong ito lang ang paraan para hindi ako mapaalis sa palasyo ay gagawin ko. Hindi puwedeng bumalik ako sa bayan ko.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka siyang lumapit at hinawakan ang aking balikat.

"Patawad po." Ani ko at hindi siya tinapunan ng tingin dahil sa takot na baka galit ang aking makikita sa kan'yang mga mata.

"Tumayo ka." Malamig niyang utos.

"Pasensiya na po." Kinakabahang tugon ko at agad na sinunod ang kan'yang utos.

"Nandito ako para humingi ng tawad ngunit bakit iba ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam ang nangyari ngunit malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil niligtas mo ang mahal na Prinsipe."

"A-anong ibig niyo pong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

Niligtas?

Sino?

Si Evette?

Ano ba ang nangyayari?

Napasapu ako sa aking nuo at agad na umupo. Ang araw na ito'y sobra na at parang hindi ko na kakayanin pa.

"Hayaan mo na, ganito lang siguro ang epekto ng gamot. Kong nais mong pumunta sa seremonya ay maaari ka pang makaabot ngunit kong mas pipiliin mong magpahinga ay mabuti." Aniya.

Oo nga pala. Ngayon ang seremonyas sa hihirangin na bagong hari. Alam kong mahigpit ang seguridad ng palasyo dahil maraming gustong mawala ang hari. Hindi na ako magtataka kong may mangyayari mamaya.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Mas gusto kong ipahinga ang pagod kong katawan pero gusto kong lumabas at manood sa pangyayari.

Nang makaalis ang prinsipe ay muli akong nagtaklob ng kumot. Dahan dahan kong kinapa ang aking dibdib kong nasaan ang sa ilalim nito ay ang puso kong tumitibok ng mabilisan. Magkaiba sa kong wala sa paligid si Prinsipe Loala.

Mga ilang oras din akong napatitig sa kawalan hanggang sa naisip ko ang seremonyas.

Nagpasaya akong lumabas sa silid. Walang tao sa paligid. Nagsimula akong lumakad hindi man lang inisip na nawawala pala ang kuwentas na suot ko. Kaya ba nawala ng kontrol ang prinsipe kagabi?

Parang binaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba nang agad na naamoy ng bampira ang dugo ko.

Hindi ko alam kong babalik ba ako o hindi. Pero ang dapat kong gawin ngayon ay ang tumakbo. Sobrang hina pa ng katawan ko pero hindi naging hadlang iyon para tumakas ako.

"Ahhhhh!"

Napasigaw ako nang biglang may lumitaw na katawan sa harapan ko. Hindi ko nabalanse ang sarili at agad na natumba.

"Suotin mo!" Natatarantang bulong ni Ria.

Agad ko naman sinuot ito at lumayo sa pagkakaibabaw sa kaniya.

"Bakit nasayo ang kuwentas ko?" Tanong ko.

Hindi ito umimik at agad na tumayo. Ngumisi siya sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko para maitayo ako. Nagtagal ang tingin niya sa akin at muling tumingin sa bampirang humahabol sa akin kanina.

"Isang pagkakamali at matatanggal ang ulo niyong dalawa." Seryosong saad nito sa dalawang bampira. Ibang iba siya sa Ria na nakilala ko.

Ano nga ba talaga ang nangyayari?

Ang gulo. Sobrang gulo na parang nagtataka ako kong totoo ba talaga ang araw na ito o baka guni guni ko lang ang  pangyayaring ito?

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now