Chapter 12
"Chaos"
Bilog ang buwan at nagsi-ingayan ang mga insekto sa paligid. Hindi ko maiwasang kabahan habang pinapanood ang dalawa na nakikipaglaban sa isa't isa.
Nasa ilalim lamang ako ng puno, nagtatago. Naduduwag sa pangyayari. Hindi puwedeng masali ako sa gulong ito pero kawawa naman si Ria kong hahayaan ko lamang siyang mamatay.
Pero isa na siyang bampira?
Ano ba ang kinakatakot ko? Bakit kailangan kong mag-alala kong kaya niya naman ang sarili niya. Isipin ko muna ang sarili ko bilang tao na mahina. Kaya niyang tumakbo ng malakas.
Kaya ko ba iyon?
Hindi.
Pambihirang tao na hindi makakatulong sa pangyayaring ito. Hindi ko dapat sila kaawaan ngunit ibang iba ang nakatatak sa isipan ko. Iba ang sinusunod nito. Si Ria ba talaga ang taksil sa bayan o ako?
Bakit habang patagal nang patagal ay nagbabago ang pananaw ko? Bakit nga ba paiba nang paiba ang pananaw ko?
Umiling ako sa aking kaisipan na tutulungan ko siya. Hindi puwede. Kong paulit-ulit ko nalang uulitin ito'y malaking kahihiyan ako sa bayan. Duon ako lumaki. Isa akong tao katulad nila. Sa kanila ako natuto ng mga bagay. Sa kanila ko nakita na sila dapat ang kaawaan ko, hindi dapat ang mga bampirang walang awa.
Mabigat man para sa isip kong hindi sundin ang hiling nito ay mas pinili kong talikuran ang kaibigan at dating pamilya na nagtangkang pagtaksilan kami. Isa siyang bampira.
"Alice." Paos ang boses niya. Alam kong nanghihina na siya pero pinipilit niya paring labanan ang bagong Hari.
"Hindi ako taksil. Maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng tamang panahon." Aniya.
Humarap ako sa kanila. Paunti-unti ang kaniyang pagkawala. Tulad nang dati kinukuha rin ng hangin ang nagugusaw na katawan ni Ria hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala. Parang ang dali lang.
Bakit parang ang bilis?
Bakit parang wala akong tyansa na tignan man lang siya kahit ilang minuto.
Isang butil ng tubig ang pumatak mula sa kalangitan hanggang sa parami ito ng parami. Sumabay rin ang emosyon ko sa bawat pagpatak ng ulan. Tulad ng puso kong umiiyak ay sumasabay din ang kalangitan. Tulad ng isip kong nagagalit ganoon din ang kalangitan. Malaya kong nilabas ang emosyon ko sa gitna ng ulan.
Bakit ko ba naiisip ang talikuran ang lahat. Bakit kailangan ko pang mag desisyon kong kaya ko namang hayaan nalang ang lahat.
Umalis ako sa lugar na iyon na parang walang nangyare. Hindi ko dapat hayaan na emosyon ang mangunguna sa akin. Walang makakatulong kong paiiralin ko ang pag hihinagpis ko. Aaminin ko man na gusto kong tumulong pero hindi puwede. Hindi maaari. Kailangan kong magpatuloy sa kong ano man ang nasimulan ko.
Kong kailangan ko mag sakripisyo ay gagawin ko. Hindi puwedeng magulo ang lahat.
Ang prinsipe na minsan ko nang hinangaan ay ibang iba sa nasaksihan ko kanina. Papaano kong pakitang tao niya lang lahat ng ito?
Magaling siya sa lahat ng bagay. Hindi mo maiisip na may nakakubli pala sa pagbabalat kayo niya.
Kinaumagahan ay naghanap ako ng rason para hindi siya makita. Takot akong baka ako naman ang isusunod niya. Takot akong malaman kong anong gagawin niyang hakbang. Alam niya ang kahinaan ko, hindi ko alam ang kahinaan niya. Sa una palang ay talo ako.
Kailangan kong mag isip ng plano. Hindi makabubuti na manatili siya sa trono. Mas malala nga talaga siya sa kapatid niya.
Bumukas na ang pintuan kaya agad akong nagtago sa ilalim ng kumot para naman maisip nilang may lagnat ako. Alam kong iisipin niyang natatakot ako sa nangyari kagabi. Totoo naman pero iba itong kutob ko ngayon. Kong hindi siya papasok at hahanapin ako ay alam kong maghihintay siya na tanungin ako bukas. Kailangan kong paghandaan ang mga dapat kong sasabihin.
Pagkatapos ng isang oras ay nagsarado ng pinto. Bubukas muli ito mamayang hapon. Mabuti at nakapag isip pa akong magdala ng pagkain kagabi. Marami ang nadala ko at tinago ko ito sa ilalim ng palda. Sapat na ito para mamayang tanghali.
Napatingin ako sa gilid ng kama kong nasaan natutulog dati si Ria. Sa tuwing naiisip ko ang babaeng iyon ay hindi maiwasan ng puso kong kumirot. Parang pinipisil nito. Masakit.
Kailangan kong tapusin ang nasimulan ni Ria. Kailangan kong simulan ang hindi niya natapos....Ang maghiganti sa dugong bughaw.
Kung hindi ko gagawin ito'y siguradong tuloy tuloy lamang sila sa pang-aapi at pang-aalipin sa amin. Matatapos lang lahat ng ito kong mawawala na sila.
Una kailangan kong makita ang kahinaan ng hari. Hindi ko sila kayang paslangin lahat pero kong magagawa kong makita ang kahinaan niya ay siguradong makakaya kong patumbahin sila. Ang Hari ang kahinaan ng lahat ngunit ano nga ba ang kahinaan niya?
Tinupong ko ang aking paa habang nag iisip ng malalim. Kailangan kong magsimula bukas.
Bumuntong hininga ako at ginulo ang buhok. Nakakainis.
Nasa gitna ako ng tulay. May tyansa pa akong tumakas at piliing tumakbo. Kalahati ng tulay ay nilalamon nang karagatan ngunit may isang tao na umaasa sa akin na sasagipin ko siya. Ano ang gagawin ko?
Bale ang taong yun ay ang Hari. Inaamin kong nagustuhan ko siya. Maamo siya at sobrang bait kong iisipin.
Hayyy!
Ang gulo talaga. Wala akong maisip. Gusto kong tanungin siya kong bakit niya nagawa iyon. Tanga lang ako kong gagawin ko pa iyon.
Bakit nga ba naawa ako sa bampira?
May awa ba sila sa amin?
Nakakatawa.
Hindi ko alam kong itutuloy ko pa ba pero sa kong iisipin ang buhay ni Ria ay sakripisyo. Inialay niya iyon kahit pa man pinagtaksilan niya ang bayan ko at ang totoong bayan niya. Hindi ko man alam kong anong dahilan niya pero sana nga... Balang araw ay maiintindihan ko din siya.
Lahat ng pag -iisip ko'y itinulog ko nalang. Sa huli ay napag isipan kong simulan ang plano. Kong sisimulan ko ang laro ay alam kong tatapusin niya ito. Kailangan ko lamang maunahan ang pag iisip niya.
Balang araw ay kayo naman ang magmamakaawa at luluhod sa harapan namin. Kayo naman ang magiging alipin at aapi apihin sa tuwing nagkakamali kahit pa man hindi rason iyon.
Ang laro'y magsisimula na.
![](https://img.wattpad.com/cover/347536424-288-k522886.jpg)