Chapter 8
"Punishment"
Napa-sapu ako sa aking sentido matapos ang pangyayari. Hinihingal akong tumititig sa kasama. Nakahiga parin ito sa sahig. Hindi gumagalaw.
"Alam mo ba na malaking pagkakamali ang ginawa mo?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
Alam niya iyon. Alam kong damay ako dahil iisa kami ng silid. Kong ano man ang magiging kaparusahan namin ay sana'y hindi ito malala sa mga naririnig ko.
"Alam ko.."
Bumangon ito. Nakangising lumapit ito sa akin at kumindat. Ilang dangkal ang layo ng mukha namin. Hindi parin ako nagpatinag at pilit na nilalaban ang bugtong nitong isipan.
"Maghintay ka lang, Alice. Makikita mo rin ang sinasabi ko." Aniya at parang baliw na tumawa.
Hanggang natapos kami sa pagkain ay tumatak parin ang salitang iyon sa aking isipan.
Anong gagawin niya?
Anong iniisip niya?
Gusto ko siyang tanungin ngunit alam kong wala akong mapapala sa nakakalito nitong salita.
Nakaupo siya sa harapan ng salamin ngayon. Maamo ang kan'yang mukha at hindi mo makikitaan ng masamang pag-uugali. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang labi. Singkit ang mga mata at mahabang pilikmata. Sobrang pino ng kanyang mga galaw. Hindi makabasag pinggan.
Marami sa ka-bayan namin ang hinangad siya ngunit mataas din ang pangarap niya. Tsaka lamang daw ito mag-aasawa kong nasa maayos na kaming kalagayan. Nakakatawa isipin. Kong mawawala kami ay siguradong nasa maayos na kalagayan na ang mundo.
Tumitig ako sa balikat kong nasugatan. Tumigil na ang pagdurugo dahil nilagyan ko ito ng tela pagkatapos kumain kanina.
Namayani ang katahimikan sa silid. Hindi ako nakampanti sa pangyayari kanina. Naghihintay lamang akong muli na naman silang pumasok dito't damputin kaming dalawa.
Bumuntong hininga ako habang pinipikit ang mata. Nakasandal ako sa sementong dingding at nakapatong ang paa sa lamesa.
Sa ganoong posisyon ng awtomatikong bumukas ang pintuan. Dali dali akong umayos ng upo habang inaantay na pumasok ang mga bantay. Nang nakapasok ay may dala silang pantali at itim na tela.
Hindi na ako nakipag talo pa dahil baka mas lalong humantong ito sa malalim na pagkakamali. Mahigpit ang pagkakatali sa aking kamay at parang gusto kong ibuka ang aking bibig pero agad na nila akong nilagyan ng itim na tela sa mata.
Parang nakalutang ako sa ere dahil sa nararamdaman. Bumibigat ang aking paghinga pero sige parin ako. Hindi ko alam kong saan nila kami dinadala. Tinutulak o kaya naman hinahatak sa tuwing nahuhuli ako't minsan ay nauuna.
Parang naiiyak na ako. Sanay naman ako sa kadiliman ngunit iba itong nararanasan ko ngayon. Itim lamang ang aking nakikita.
Ilang minuto kaming naglalakad. Ilang minuto ko ring tiniis ang pambabastos nila sa amin. Sobra-sobra ang pagpipigil kong huwag sumama ngunit baka wakasan nila ang buhay ko. Baka isang araw matatagpuan nalang ang malamig kong bangkay sa kong saan. Pagkatapos kong mawala ay parang maglalaho nalang akong parang bola sa mundo. Sa gagawin ko ay dapat mag isip ako ng tama. Huwag padalos-dalos sa lahat. Iisang pagkakamali ay matatapos ang lahat ng pinaghirapan niya.
Sa wakas ay naimulat ko na din ang aking mga mata. Nakakasilaw na liwanag ang aking nakikita. May tumulak sa akin kaya't napatumba ako. Mahina akong umangat ng tingin. Habol ang hininga.
"Ano ang iyong kasalanan?" Matamis ang kanyang ngiti. Maamo ang mukha. Maputlang balat.
"Mahal na reyna. Sila po----"
"Alam mo ba'ng bastos ang pagsagot-sagot kong hindi naman ikaw ang kinakausap?" Tinaas niya ang kanyang isang kilay.
Napayuko naman ang guwardiya. Humingi ito ng tawad na hindi naman tinugunan ng babae.
"Ano ang iyong kasalanan?" Balik niyang tanong sa akin. Malambing ang boses nito.
"Wala po kaming kasalanan." Sagot ko.
"At paano mo naman mailalarawan ang pangyayari, Babae?" Tumawa siya.
Hindi ako nakasagot. Napayuko naman ako at tumingin sa sahig.
"Ang iyong pag tahimik ay nagpapahiwatig lamang na may ginawa ka."
Lumapit siya sa akin.
Nakaharap ang kan'yang pangyapak sa akin. Parang may kong anong bagay ang nakalagay sa aking bibig ni pagbuka ay hindi ko magawa.
Yumuko ito kaya't nagtagpo ang aming tingin. "Anong klaseng tao ka? Hindi ganyan umasta ang tao. Ni hindi mo magawang pagtakpan ang iyong pagkakamali. Walang kwenta..." bulong niya sa aking tenga. Napapikit ako sa matulis nitong kuko. Lumakas ang tibok ng aking puso nang bigla niya itong diniin dahilan para maramdaman ko ang paghapdi nito.
Dinilaan nito ang kanyang kuko at agad nang tumayo.
"Dalhin niyo sila sa kulungan ng mga hayop. Marinig ko lang na nawawala sila'y kayo ang unang hahanapin ko." Huling narinig ko bago niya nilisan ang lugar.
Napapikit ako nang muli na naman akong hatakin. Kahit pa man gustong-gusto niya ng sipsipin ang dugo ko'y pilit niya parin pinipigilan ang kagustuhan ng sarili. Binalik ulit nila ang tela sa akin mata.
Itim muli ang siyang aking nakikita.
Mahina akong naglakad. Napahiyaw naman ako nang biglang may sumipa sa aking paa. Narinig ko ang pag tunog ng aking buto. Namimilipit akong napaluhod.
"Ano ba?! Putangina."
Rinig kong sigaw ni Ria. May iilang hakbang pa akong narinig na papalapit sa akin. Hindi ko na iyon pinansin at pilit tumayo.
Sobrang sakit.
"Mga gago! Akala niyo ba'y malalakas na kayo?! Ulol mga pangit na bampira. Daig niyo pa asong nauulol. Alam ninyong nakapiring kami kaya lakas ng amats ninyong manakit."
"Tahimik!"
"At ba't naman ako tatahimik aber? Sino ka para utusan ako?!"
"Ang tigas ng ulo. Yulo, akin na nga iyang buntot ng pugita."
"Di niyo ko matatakot diyan. Kahit iharap mo pa sa'kin ang pinakamalas niyong sandata hinding hindi ako matatakot. Mga putangina!" Nakaka-insulto siyang tumawa.
"Ahh!" Daing niya matapos mahampas ng kong ano. Hindi ko magawang lumingon dahil hindi ko naman sila nakikita.
"Ulol! Hindi ko pa man nakikita ang iyong mukha batid ko'y mas malansa ka pa sa pugitang nasa dagat. Walang kapantay ang kalansahan ng pagmumukha at pag uugali ninyo."
Narinig kong bumukas ang pintuan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naramdaman kong nasa harapan na kami ng kulungan. Huminto kami sa paglalakad.
Agad kong nahalikan ang malamig na sahig sa biglaang pagtulak sa akin. Masakit na nga ang tuhod koy nadagdagan pa ito.
"Diyan kayo nababagay. Mga taong basura ang ugali."
"Haha! Ayus lang kaysa naman magmukhang basura. Di baleng basura ang ugali wag lang maging amoy basura at mukhang basura." Hindi nagpapatalo na sagot ni Ria.
Hindi ko alam ang gagawin ko habang tinatanggal ang aking piring. Nang sa wakas ay nakikita ako'y hindi ko pinalampas na titigan sila isa isa.
