Chapter 4 Syudad Eastwood
Sa pagtungtong ng aking mga paa sa sementong daan ay naramdaman ko kaagad ang takot at kasiyahan. Takot na baka hindi ako makabalik sa aking tahan at kasiyahan dahil nakarating ako sa lugar na ito. Pagkatapos kong masilayan ang araw sa kay tagal na panahon kong paghihintay ay ito na nga.
Masakit sa balat ngunit nakakagaan sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Masyadong malinaw at tahimik ang paligid. Malayo ito sa bayan namin. Masyadong magulo at kahirapan. Samantalang ang syudad Eastwood ay tila napaka gandang lugar para mabuhay.
Mga punong buhay na buhay at bulaklak. Kaya't maraming sumubok na wasakin ang pader na nagpoprotekta sa syudad ngunit ni isa ay walang nagtagumpay dahil sa sobrang tibay nito. Kahit pa man ang mga witches na malalakas ang kapangyarihan hindi parin malusotan ang mga nakaharang sa syudad. Nakakamangha.
"Alice." tawag ni Prinsipe Loala. Ngumiti ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang lumalapit sa aking direksyon.
Nakaupo ako sa gawa sa kahoy na upuan habang ang iba ko pang mga kasama ay nasa kabilang dapit at nanatiling namamangha sa kanilang nakikita.
"Prinsipe." ani ko at agad na yumuko bilang pag galang. May tatlong guwardiya itong nasa likod at pinagmamasdan ang aking galaw.
Nakasuot sila ng mga mataas na talukbong para protektahan ang kanilang balat sa araw habang ang prinsipe naman ay wala. Ang dugong bughaw ay may kakayahan na saluhin ang mainit na araw o kahit pa man ang nagbabagang apoy dahil masyadong malakas ang kanilang mga kapangyarihan. Sila lamang ang may kakayahan sa lahat ng bampira.
"Suotin mo ito," aniya.
Nilabas niya ang kulay itim na kuwentas. Alam ko na ang ibig nitong ipahiwatig. Pinapasuot ito sa mga normal na tao tulad namin upang mapigilan na maamoy ang aming dugo ng mga pambira. Bago ko pa man makuha iyon ay agad niya ng sinuot iyon sa akin.
"Salamat."
Ngumiti lamang siya. Sandali na naman akong napatulala dahil sa guwapo nitong mukha. Hindi ko talaga mapigil ang sariling hindi mamangha sa tuwing lalabas ang kanyang biloy. Malalim at litaw na litaw sa tuwing ngingiti ito.
Pagkatapos naming magliwaliw sa labas ay dumiretso na kami sa palasyo. Sa labas nito ay may malaking talangkahan na gawa sa mga bakal at semento. Makikita mo parin ang loob dahil maliit lamang na talangkahan iyon. Matayog at nagtataasang bahay ang aming nakikita sa tuwing kami'y dadaan.
Maraming nagkalat na guwardiya sa labas ng palasyo ang nagbabantay. May dala itong mga pana o kaya naman ay mga matalim na espada.
Pagpasok namin sa loob ng bukana ay agad sumalubong sa amin ang mga punong maliit na naglinya sa gilid ng daan. Sa harapan naman ng palasyo ay mayroon isang rebulto ng babae, ahas ang mga buhok nito.
"Napakaganda pala dito." Bulong ni Ria sa akin. Tumango lang ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking dalang supot. Hindi na kami nilagay sa kulungan bagkos ay nagpasya ang prinsipe na ilipat kami sa kalesa. Ika niya pa nga na hindi naman kami mga hayop para ilagay du'n. Mabuti at alam niya.
Naunang naglakad ang dalawang guwardiya at mayroon ding tatlo sa aming likod. Limitado ang kanilang mga galaw. Sabay-sabay ang kanilang mga paa sa paghakbang.
Natatawa ang dalawa kong kasama na si Qoura at Ijrah agad din naman silang sinusuway ni Aleng Sisa dahil baka maparusahan kami sa ginagawa nila.
Sa gilid ng pintuan ay may dalawang tagapagsilbi na nakaabang para buksan ito.
"Magandang araw, Prinsipe." Bati nila at agad yumuko.
Dahil nga nakatalikod ang Prinsipe sa amin ay hindi ko makita ang mukha nito. Sayang at hindi ko na naman nakita ang malalim nitong biloy. Masyado na yata akong gumon sa kan'yang ngiti na kahit pag ngiti sa iba'y naiinggit ako na sana ako iyong nginitian niya.
"Sa tingin mo? Ano kaya ang nasa loob nito?" Bulong ni Ijrah at kumapit sa aking balikat.
"Siguro'y madilim na paligid?" Sagot ko sa hindi siguradong tono.
Bumukas ang pinto. Gintong pintura, at isang pulang karpet. Sobrang laki ng espasyo. Mga kandilang nakasabit sa bawat haligi. Bukas naman bintana at maliwanag ang paligid pero kataka taka at bakit may nakasindi paring mga kandila.
"Welcome people to our palace." Usal ni Prinsipe Loala sa amin. Hindi ko maintindihan ang salita ganu'n din ang aking mga kasama. Pareho kaming lumingon sa isa't isa na naguguluhan.
Naglakad kami sa pulang karpet. Hanggang sa huminto ulit kami dahil nakasalubong namin ang pulang pinto. Awtomatikong bumukas ito na nagpagulat sa amin. Talaga nga namang ang tanging bayan lang namin ang naiiwan sa lahat. Ang estilo ng aming pamumuhay ay ganu'n parin samantalang umuusbong na ang katulad nila. Naiiwan na nga talaga kami ng panahon.
Dalawang hagdan na magkahiwalay. Isang malaking estatwa muli ang aming nakasalubong. Nasa gitna ito ng dalawang hagdan na tila sinadyang nilagay ito sa gitna upang paghiwalayin ang hagdan. Sobrang tayong ng paligid. Kulay ginto ang kulay.
Sa sementong dingding ay may isang malaking litrato ang nakasabit. Napaka gandang babae. Kulay itim ang damit nito at nakapusod ang kanyang buhok. Maputi siya at halatang mabait.
Linibot ko ang aking paningin. Maraming litrato ang nakasabit sa iisang dingding. Halos lahat ay nakakamangha pagmasdan.
"Lord Joseph Voghnn" basa ko sa pangalan nito.
Ang hari.
Matagal na ang larawan. Bata pa ang hari dito at talaga namang guwapo ito sa kabataan niya. Nakakunot ang nuo nito habang nakaupo sa malaking supa. Nakadekuwtro ang kanyang paa. Kaya manang mana ang anak nitong si prinsipe Harvey Evette.
Sa gilid naman ng kanyang litrato ay tatlong babaeng nakaupo din sa supa. Nakalugay ang natural nilang kulay kahel na buhok. Napaka ganda nilang tatlo lalo na ang nasa gitnang babae.
"Sana'y naging katulad ko nalang sila." Di maiwasang mapalabi ni Ria. Lumingon ako sa kanya at ngumiwi.
Totoo naman talagang maganda ang pamumuhay ng mga bampira ngayon. Malalaking tahanan na napapalibutan ng magagandang kagamitan. Ngunit mas nakakalungkot parin na kumikitil sila ng buhay para sa sariling kagustuhan. Mas mainam narin sigurong maging ganito kaysa maging masama.
Pagkatapos kaming ilibot ng Prinsipe ay hinatid niya na kami sa aming magiging silid. Dahil nga malaki naman ang espasyo ay tig dadalawa kami sa iisang silid. Kasama ko si Ria. Mag isa lamang si Aleng Sisa sa isang silid at ayos lang naman daw iyon.
Sana'y sa pagdating ng araw ay kami naman ang mapupunta sa ganitong estado at sila naman ang magititiis. Inggit at galit ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip kong ang paghihirap naming mga tao ay sa kanila lang napupunta ang lahat.
Balang araw...