Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

'Corpse'

Pagkatapos niyang malakas na isinara ang kan'yang pinto ay nakarinig ako ng pagmumura sa loob at iba na namang lenguwahe sinasalita nito.

Sa sobrang tagal nilang mag-usap ay parang naisipan ko nalang na umuwi sa aking silid. Nakakaubos ng pasensya.

"I'm sorry to keep you waiting. He's really headache to us." Sabi ni prinsipe Loala.

"Po?"

Ba't ba sila salita ng salita ng ibang lenggwahe na sa sila lang naman ang nakakaintindi. Parang dudugo na yata ang ilong ko para lang intindihin ang mga sinasabi nila.

"Ayy... Pasensiya na sa paghihintay. Matigas lang talaga ang ulo nitong nakakatanda kong kapatid." Kinamot nito ang kanyang batok at tumawa.

Sandaling tumigil na naman ang aking mundo.

Ano ba iyan, ba't ganito na naman ang naging reaksiyon ko?

"Ayos ka lang?"

"Ha?"

Ay bingi ka Inday?

"Ba't namumula ang mukha na parang kamatis na hinog?" Tumaas ang isang kilay nito. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi para alamin. Nag-iinit nga ito.

"Ahh.. siguro ay dahil mainit.." ani ko at pilit na tumawa. Kahit pa man anong gawin kong palusot ay hindi parin matatakasan na nagsisinungaling ako.

"Mainit ba?" Nagtatakang tanong nito.

Halata namang hindi.

"Ano ba ang kailangan mo?"

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakabihis na Prinsipe. Basa pa ang buhok nito. Halatang kakaligo lang.

"Naghihintay ang trabaho mo, Evette." Ngumisi naman ang kapatid.

Inirapan lamang siya ng nakakatanda at lumapit sa akin. Seryoso ito habang tumititig sakin.

"Pamilyar ka. Nagkita na ba tayo?" Huminto nang makalapit.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Parang umusbong muli ang aking galit mula sa kan'ya habang pinapanood ko ang kanyang galaw. Presko parin sa aking isipan ang pinagagawa niya sa amin.

Naiinis ako at parang nagliliyab ang aking sarili dahil nadagdagan ito ng pagkamuhi at nanaisin kong maghiganti. Sa katunayan ay maaring magawa ko ito dahil nakapasok na ako sa palasyo. Pero kapag naman ginawa ko ang bagay na nasa aking isipan ay mapapahamak lamang ang pamilya ko pati narin ang bayang kinalakihan ko.

"Sa tingin mo?" Ngumiti ako't tinaas ang dalawang kilay.

Lumalakas ang tibok ng puso ko. Nag-isip naman ito. Natahimik kaming tatlo habang nakatuon parin ang tingin namin ni Prinsipe Loala sa kan'ya.

"Hindi ko maalala." Pag aamin nito.

"Tama na nga iyang kalokohan mo, Evette. Sinasayang mo lang ang oras ko." Si Prinsipe Loala.

Kinuha niya ang papeles na dala dala ko at ibinigay sa kapatid. Hindi naman makaalma ito dahil responsibilidad niyang gawin ang kanyang trabaho.

Nauna nang naglakad ang Prinsipe kaya't sumunod na ako sa kan'ya pero bago pa man kami tuluyang makaalis ay biglang nagsalita si Prinsipe Evette. " Balita ko'y natagpuan na daw ang bangkay ng alipin mo, Loala." Awtomatikong lumingon naman ang Prinsipe dahil sa sinabi nito.

"Kailan?" May pag-aalala sa kan'yang boses. Halatadong may namamagitan sa kanilang dalawa. Magkaibigan? O Magkasintahan?

"Iyon ang dapat mong alamin." Huling salita nito bago sinara ang pinto.

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now