♪☆๑Clarix♪☆๑"Knock, knock" tawag ng matinis na boses mula sa labas ng bahay namin kaya lumabas ako para makita si Freeya.
"Ano 'yon?"
"Laro tayo Xilxil!"
Pinapasok ko s'ya sa loob ng bahay namin para maglaro, may dala pa s'yang barbie doll at bahay-bahayan.
Ang cute talaga nito hehe, kahit babae s'ya ang sarap makipaglaro sa kan'ya at hindi ako nabobored kapag kalaro s'ya.
Xilxil ang tawag n'ya sa'kin at s'ya ang gumawa, kinuha n'ya ito mula sa tatlong letra na pangalan ko na lix at binaliktad n'ya.
"Xilxil, ang cute mo naman maglaro nakapout ka pa" tama ba 'yung narinig ko? cute raw ako? Hays Freeya hindi mo alam na ang lakas ng tama ko sa'yo ta's sasabihan mo pa ako n'yan.
"H-ha, hindi ako cute" ramdam ko pamumula ng mukha ko dahil pinipigilan kong kiligin.
"Chut ka kaya" sabi n'ya sabay pout
"Anong chut?"
"Cute 'yon hehehe"
Mamamatay 'ata ako nang maaga dahil sa mga sinasabi nito.
7years old palang kami ngayon at nag-aaral na, sabay kami pumapasok grade 1 na kami.
Araw-araw kami naglalaro rito sa bahay namin dahil ayaw ako palabasin ni mama, baka raw kasi madapa ako kaya rito nalang daw kami maglaro at tsaka hindi naman ako nabobored kahit dito lang sa bahay dahil ang saya kalaro ni freeya.
♪☆๑.....
"Knock, knock" narinig kong sabi ni Freeya sa malungot na boses, lumabas ako para itanong kung bakit.
"Freeya b-bakit ka umiiyak?" malungkot na sabi ko sa kan'ya.
"A-alis na kami" nahihirapan n'yang sabihin.
"Pupunta kayo SM or toy store?"
"H-hindi, lilipat na kami ng bahay"
Nagulat ako sa sinabi n'ya, ngayon palang ay nahihirap na ako tanggapin na aalis na sila, sino na kalaro ko? Sino na magpapasaya sa'kin sa araw-araw? Sino na magpapangiti sa'kin?
"B-bakit? Huwag please." nagmamakaawa na ako sa kan'ya dahil alam kong hindi ko kaya na umalis s'ya sa tabi ko.
"May inaasikaso kasi sila sa probinsya, mukhang matatagalan sila roon kaya doon na kami titira, hindi ko alam kung babalik pa kami, mamimiss kita" lalong lumakas ang iyak n'ya, niyakap ko s'ya.
Yakap na hindi ko alam kung matatamasa ko pa ba muli.
"S-salamat sa lahat freeya, sana magkita pa tayo." pagkasabi ko n'yan ay tumatango s'ya habang nakangiti.
Hinalikan n'ya ang aking pisngi, aalis ka nalang freeya papakiligin mo pa 'ko, alangan naman ngumiti ako habang umiiyak.
"Ngayon na kami aalis, biglaan. Bye sana magkita pa tayo." nakangiti n'yang sabi at umalis na.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at doon umiyak nang umiyak, naaalala ko ang mga oras na kasama ko s'ya.
♪☆๑.....
Tatlong araw na no'ng umalis sila Freeya, tatlong araw na rin akong nakatulala lang.
Miss na miss ko na s'ya hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi na rin ako naglalaro dahil naaalala ko lamang s'ya.Ang lungkot kapag wala ka Freeya, ang laking kawalan mo sa buhay ko.
Narinig ko sila yaya na nag-uusap sa kusina "Kawawa naman 'yung pamilya na naaksidente sa tumaob na bus, 'yung mga magulang ang malala ang natamo" pumunta ako roon sa pader ng kusina para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Hala, kilala ko 'to ah, ayan 'yung kapit bahay natin na umalis!" nagulat ako sa sinabi ni yaya at mangiyak-ngiyak na, pumasok ako sa loob ng kusina para tingnan sa cellphone kung sino 'yon.
No way, balita 'yon na pinapakita ang picture nila Freeya, halos manginig ako. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa nakita.
♪☆๑.....
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...