☆
Nang magising ako agad ako nag sipilyo at naligo, nag tungo ako sa hotel room nila mommy para tingnan kung gising na sila.
Nag door bell ako bago nila buksan 'yung pintuan, "Good morning, mommy" bati ko kay mommy.
"Good morning din, kumain ka na ba?"
"Not yet, tanong ko lang po sana if pwede tayo kumain sa baba nang sabay?" aya ko kay mommy.
Mabuti na lang at may ibang pwedeng gumawa ng trabaho n'ya habang nag babakasyon kami, parehas kasi silang CEO ni daddy kaya naman ngayon lang kami nakapag sama-sama sa bakasyon.
Gumagaang naman na trabaho nila unlike dati na baguhan pa lang sila as CEO kaya masyadong busy.
Book publishing ang company nila mommy, siguro nag mana ako sa kanila na mahilig sa libro at mag sulat.
Mag kaiba ang kompanya nila, simula noon pa lang ay mag kasama na sila pero hindi sila mag kasama sa isang kompanya, sabay lang sila ng pasok.
"Your daddy is not here so i think you can eat without us, hindi ako sanay na hindi kasama ang daddy mo kapag kakain tayo."
Hindi ko alam kung bakit ayaw n'ya kumain nang ako lang ang kasabay, i mean yeah gusto n'ya palagi kasama si daddy kapag kakain kami pero parang ang unfair naman na nakakain sila nang sabay noon nang wala ako.
Tumango na lang ako kay mommy bago nag tungo sa hotel restaurant, may desserts naman sila rito kaya ayun na lang ang kakainin ko.
Bumili ako ng donut with chocolate milk saka pumunta sa labas para maupo sa bench na inupuan namin ni Jeremiah kahapon, nasaan na kaya 'yon? umuwi na ba s'ya?
Naramdaman kong nakatayo si mommy sa tabi ko, "Where's your dad? Hindi mo ba s'ya nakitang dumaan dito?"
"Hindi po eh" sagot ko kay mommy, nasaan kaya 'yon si daddy? Sigurado akong kung saan-saan pa s'ya hinahanap ni mommy.
"Hmm, okay. Go to room 309, that's my secretary's room, tell her that she need to go back to our company so she could manage some of my works there while we're still here."
"Bakit po nandito 'yung secretary n'yo?" nagtataka ako kung bakit nandito rin 'yung secretary ni mommy eh dapat s'ya 'yung nagawa ng trabaho ni mommy doon.
"Sumama s'ya, no more question please, just go to her, kailangan ko pa hanapin ang daddy mo kaya ikaw na."
Tumango lamang ako sa sinabi n'ya at nagtungo na sa elevator para puntahan 'yung secretary n'ya.
Nag door bell ako sa room na iyon pero walang nalabas, ilang sandali pa bago binuksan ng secretary ni mommy 'yung pintuan.
"Hi po, may pinapasabi po sa in-" nagulat ako nang makita si daddy sa loob ng room n'ya.
"Inutusan lang ako ng mommy mo rito" sabi ni daddy nang nakita n'yang ako pala ang nandito sa labas ng room ng secretary ni mommy.
"George, we don't need to hide it, right, Ms. Martinez?"
Nagulat ako sa sinabi ng babae, anong meron sa kanilang dalawa? Ayoko mag-isip ng kung ano.
Baka may kinuha lang si daddy sa babaeng ito.
"She's my mistress, don't tell it to your mom or you will be dead." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni daddy, s'ya ba talaga 'yan?
Dead?
Paano magagawa ng isang ama 'yan?
Hindi ko alam kung maiiyak ba o maiinis ako sa sinabi ni daddy, mistress huh?
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...