☆
2am na nang umaga hindi pa rin ako nakakatulog, si Clarix 'lagi laman ng isipan ko kahit ngayon ko lang s'ya nakilala, ang gaang sa pakiramdam kapag kausap ko s'ya.
Nakaharap lang ako sa pader ng kwarto ko at iniisip kung bakit parang familliar sa'kin si Clarix.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, nalaman sigurong gising pa ako. Binuksan ko ang pinto kaya nakita ko si mommy.
"Bakit po?"
"May i talk to you, Mazey?"
"Yes po, ano po 'yun?"
Umupo kami sa kama ko at hinawakan ni mommy ang kamay ko.
"After you graduate, you will go to our province doon ka magcocollege."
"B-bakit po?"
"May mga mapapait na ala-ala rito sa manila na hindi mo na dapat alalahanin pa." nalungkot ako sa sinabi ni mommy, kakalipat lang namin dito sa manila noong g10 ako at ngayong pagkagraduate ko ng g12 ay aalis na naman kami.
Hindi ako nagsalita kaya tahimik lang kami nang ilang sugundo.
"Tsaka nga pala bakit gising ka pa? Kakarating lang namin ng daddy mo madami kasi inasikaso."
"Hindi po ako makatulog"
"Oh s'ya, matulog kana."
"Sige po."
Lumabas si mommy sa kwarto ko at napagpasyahan ko nang matulog habang yakap-yakap ko ang unan.
♪☆๑
1week na rin no'ng nakilala ko si Clarix, aminin ko, namimiss ko na. Nasaan na kaya 'yon bakit hindi s'ya nagpapakita sa village?
May intrams na magaganap sa friday kaya naman pinaghahandaan ng mga kaklase ko ang pagsali rito, wala kaming gagawin na lesson this week kaya 7-12 lang ang pasok namin dahil magprapractice lang naman. Badminton ang napili ko dahil hindi naman ako katangkaran para sa volleyball.
Makakalaban namin ang iba't ibang strand kaya siguradong makakalaban namin ang HUMSS, ano kayang sports napili ni Clarix?
Sa school court kami magprapractice, tatlong court ang mayroon sa school na ito, siguro ay pagsasamahin nalang ang ibang strands para magpractice.
Pupunta muna ako sa cafeteria bago magpractice, may 30 minutes pa naman bago magsimula.
May couch kami bawat sports alangan naman isa lang couch hehe.
Isang coffee latte ang binili ko para namang ganahan ako sa pagprapractice.
Kung nagtataka kayo't wala akong kasama, well ayaw naman ako samahan ni Yva dahil may kachat na naman. S'ya lang ang kaibigan ko rito pero kumakausap din naman ako ng iba.
Bumalik na ako sa court dahil tapos na ako uminom ng coffee, madaming student dito sa court at s'yempre madami ring pogi chos.
Nagtanong ako kay couch kung anong strand ang kasama namin magpractice. Sinabi n'yang GAS at ABM daw, bukas iba naman ang makakasama namin.
Ang sarap sa feeling ng ang dami kong points na nakukuha rito, grade 6 palang kasi ay sumasali na ako sa intrams.
Kahit hindi ko masyadong nakakausap ang mga kaklase ko ay natutuwa ako kasi nakakapagbonding kami kahit sa ganitong paraan lang.
Nagchange kami ng mga kalaro para naman makita kung kaya talaga namin kahit sino ang kalaban.
Tanging mga kaklase ko lang ang nakakalaro ko dahil bawal kapag ibang strand ang nakalaro sa practice.
Sobrang laki nitong court kaya kasyang-kasya ang naglalaro ng bawat sports.
Si Jeisa naman ang makakalaban ko, s'ya ang unang titira kasi nasa kan'ya ang shuttlecock, malakas n'ya itong tinira kaya naman hindi ako nakatira at tumama ang shuttlecock sa mukha ko.
Hindi n'ya yata alam na nakikita ko s'yang kanina pa ngumingisi bago n'ya pa ito itira sa ere.
Inayos ko ang pagtira at hindi na s'ya ginantihan kahit alam kong sinadya n'ya 'yon.
Sa pangalawang tira n'ya, ulo ko naman ang tinamaan, wait medyo malapit pala s'ya kaya nakakaya n'yang saktan ako gamit ang shuttlecock, wala na s'ya sa linya.
Ako nalang ang lumayo para wala naangyari pa na ganon.
Tinira ko nalang muli ang shuttlecock pero lumapit muli s'ya sa'kin at aambahan na itama muli sa'kin ang stuttlecock, hindi na ako natutuwa kaya sinigawan ko s'ya.
"Ano bang problema mo?!"
"What?" natatawa n'yang banggit.
"Sinasadya mo talaga 'no?!"
"Ay sorry"
Umalis na s'ya ng court at ako naiwang tulala ro'n, buti naman umalis na s'ya dahil baka kung ano pa nagawa ko sa kan'ya.
Sinira ng babaeng 'to ang araw ko, hinding-hindi na talaga ako makikipaglaro ng badminton d'yan.
Halata naman na may galit 'yan sa'kin simula no'ng nagtransfer s'ya rito sa school. Akala mo naman hindi nagpaturo sa'kin kung paano itranslate ng english 'yung isasagot n'ya sa activity.
♪☆๑.....
Iniintay ko 'yung driver namin nang makita ko si Clarix na naghihintay ng taxi sa labas ng school.
"Clarix, baka gusto mong sumabay ulit?"
"A-ah? Hindi na"
"Sige na oh" pagkatapos ko sabihin 'yan ay nagpout ako.
"Okay" ang cold naman nito!
Syempre tahimik na naman sa loob ng kotse kaya ako na ulit ang unang magsasalita.
"Anong sports napili mo sa intrams?"
"Badminton"
"Wow! Ako rin"
ngumiti s'ya pagkasabi ko, Ang cute n'ya! Ang cold naman ng katabi ko hindi ko na alam ita-topic.
"Bakit hindi kita nakikita lumalabas sa village?"
"Ayoko lumabas."
Hindi ko na s'ya tinanong ulit para kasi lagi n'ya tinatapos 'yung usapan namin kada sasagot s'ya.
Nakarating na kami sa aming bahay at doon nalang din bababa si Clarix. Ang tangkad talaga ng isang 'to!
"B-bye" himala, s'ya 'yung unang nagsalita sa amin hihi. Nagwave nalang ako sa kan'ya at pumasok na sa loob ng bahay habang nakangiti, bakit pala ako nakangiti? Gosh Mazey.
Napalitan ng good mood ang bad mood ko, huwag ko na sana ulit makita 'yang si Jeisa baka mamura ko pa nang 'di oras.
Nagbihis na ako at tinulungan si manang magwalis, ganito ako kada uuwi, tutulungan ko sila nang isang oras kaysa magpahinga kasi nasasayang lang oras ko.
Nilinis ko na rin ang lumang kwarto ko at may nahulog na picture galing sa aparador kong hindi ko na nagagamit, picture ng isang sanggol kasama ang kan'yang ina, si mommy to ah siguro ako 'yung sanggol.
Binalik ko nalang ito sa aparador na luma dahil nauubo na ako sa alikabok nito, ngayon ko lang ito binuksan dahil sabi ni mama ay huwag ko raw buksan, sa pagkakaalam ko hindi na ito pinapalinis nila mommy kasi ayaw na raw nilang mahirapan sila manang sa paglilinis, tama naman sila dahil masyado na itong maalikabok, pero bakit hindi pa nila tinatapon ang aparador na ito?
♪☆๑.....
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...