Chapter O4

13 1 0
                                    


Magmamall ako ngayon kasama si Yva, nanalo sila kahapon sa volleyball kaya may gold medal din sila.

Nagsuot nalang ako ng pink skirt strips na hindi aabot sa tuhod, oversized t-shirt at nagrubber shoes nalang ako.

Bukas pa ang day off nila mommy kaya naisipan ko nalang na magmall kami ni Yva, masaya siya kasama lalo na't extrovert siya.

"Kain tayo doon later!" masayang sabi ni Yva habang nakaturo sa restaurant dito malapit sa mall at tumango nalang ako, hindi pa kasi kami nakakapasok sa loob ng mall dahil kakababa lang namin ng taxi.

Nag-arcade na rin kami pagkatapos mag-gala, nag shoot pa kami ng bola at ako pinakamaraming nashoot.

Nilaro namin ang iba't ibang laro doon at pagkatapos ay pumunta naman kami sa ice skating.

2nd time ko palang dito kaya hindi pa ako masyadong sanay, si Yva ay sanay na sanay na dahil matagal na siya nag iice skating.

Magkahawak kamay kami na para bang ayaw iwan ang isa't isa. Aaminin ko sobrang saya kasama ni Yva kaya naman hindi ko matatanggap kung masisira ang pagkakaibigan namin, hindi ko hahayaang mangyari 'yun.

Lumabas na kami ng mall at kumain na sa tinuro niyang restaurant kanina, dito niya pa talaga naisipan kumain ha pwede naman doon sa mall.

"Bakit hindi nalang tayo sa mall?" tanong ko sa kaniya.

"Madaming pogi rito kesa sa mall na makikita mo lang nang ilang segundo at 'di mo na makikita, dito ay pwede mong matitigan at mapicturan" napaawang nalang ang labi ko sa sinabi niya, grabe rin ang isang 'to ah alam na alam kung saan makakahanap ng pogi.

"Madami naman pogi sa room bakit wala kang natitipuhan doon?"

"No way, ayaw ko sa ugali nila mga babaero!" tama naman siya dahil puro babaero ang mga kaklase naming lalaki o kung hindi naman babaero ay masyadong walang pakialam sa mundo.

Pumila na kami at nakita ko ang mga nakasulat sa menu nila, ang ulam nila ay fried chicken, menudo, bicol express, kaldereta, shanghai, ang deserts naman nila ay ice cream, salad, mashed potatoes, mojos, donuts at ang drinks naman nila ay ice tea, milktea with differents flavor, lemon juice, water.

Tama nga si Yva maraming pogi rito na pwede mo pagmasdan kung walang girlfriend, bukod sa madaming pogi marami ring pagkain.

Menudo, shanghai, ice cream at water nalang ang inorder ko dahil hapunan naman na, si Yva naman ay fried chicken at milktea lang gusto niya lang naman makakita ng pogi kaysa sa kagustuhan na kumain.

Ang daminng chika ni Yva tila nagpapapansin sa mga lalaki rito, medyo naiilang ako kapag may tumingin na lalaki sa akin.

Ang ganda rito sa restaurant, puro lavender na flower ang nandito sa paligid, mala-vintage ang ayos pwede na pang-instagram at talagang may 3rd floor pa rito!

Ang sarap ng mga pagkain nila, halos matalo na nila ang mga sikat na restaurant, hindi na ako magtataka kung bakit madaming kumakain dito.

Natapos akong kumain na parang hindi na ako makakatayo dahil sa kabusugan, ang sarap kasi paanong hindi ako mabubusog.

Sana wala nalang school works palagi para less stress, aaminin kong highest honor at vice president ako sa room namin pero mas gusto ko pang huwag pumasok bad student talaga ako joke.

"Girl nakita mo ba 'yung post ni Clarix?" paano ko naman makikita ang post ni Clarix kung hindi ko naman siya mutual sa kahit anong social media.

Umiling ako sa kaniya't pinakita niya ang post ni Clarix "Pumunta siya sa mall kaninang 8am oh sayang 10am tayo pumunta" aniya.

"Ano naman kung 'di natin naabutan?"

"'Diba crush mo siya"

"At kailan ko sinabi?"

"Halata naman"

Umirap nalang ako sa sinabi niya dahil hindi naman iyon totoo at tsaka ayoko magkacrush sa school.

Bakit ko pa kailangan ng crush or boyfriend para ibaby ako kung bine-baby naman ako ng mga magulang ko?

Hindi naman ako spoiled sinusunod lang nila ang hiling ko kung magiging mabait ako sa kanila at tutulong ako kay manang na maglinis ng bahay.

Hinsi naman ako nagrereklamo kung tumutulong ako sa paglinis ng bahay wala namang kaso sa akin 'yun, nasa 60 na kasi si manang kaya kailangan niya na ng katulong. Hindi naman makapag hire sila mommy ng yaya dahil mahirap daw magtiwala, si yaya lang ang pinagkakatiwalaan nila dahil loyal ito sa amin at matagal na siya nagtratrabaho rito.

6pm na rin nang nakauwi ako sa bahay, binuksan ko ang mga pinamili kong damit at sinukat.

Ang dami kong pinamili dahil alam kong hindi na ulit ako makakapamili sa susunod dahil babawalan na ako ng mga magulang ko, may limit ang pagbili ko ng damit, dapat ay hindi ito aabot ng 10k huwag daw ako masyadong maluho at okay lang naman sa akin iyon.

Kami lang lagi ni manang ang nasa bahay kaya nakikipag-kuwentuhan ako sa kaniya kapag walang ginagawa.

Bumaba ako para manood ng tv nakakabagot kasi sa kwarto ko kasi wala namang tv doon.

"Manang, kumain na po kayo?" masayang banggit ko kay manang pagkababa ng hagdan habang siya ay nakaupo sa sofa nagpapahinga kasi kakatapos lang yata niya maglinis, naawa ako dahil sa edad niyang 'yan ay naglilinis pa siya ng bahay, alam kong trabaho niya 'yun pero mas gugustuhin ko nalang patirahin siya sa bahay namin nang walang ginagawa kaysa tumira siya sa bahay namin na puro trabaho ang ginagawa.

"Oo hija, ikaw ba? Kamusta ang lakad mo kanina?"

"Nag-enjoy po ako, doon na po ako kumain"

"Mabuti naman kung ganoon."

Umupo ako sa tabi niya at nanood ng tv, libre siyang manood dito dahil pamilya na rin naman namin siya.

Nanonood kami ng Anne with an e na series, season 2 na kami. Ang ganda ng palabas na ito.

"Manang, paano niyo po malalaman kung crush niyo ang isang tao?" nahihiya kong banggit, ano ka ba freeya 18 ka na pero 'di mo pa alam kung paano!

"Sa tanda kong ito magkakacrush pa ba ako?" natatawa niyang sabi "pero alam kong sarili mo ang tinutukoy mo, ang crush naman ay paghanga lang kaya huwag ka mahiya, malalaman mo ito kung mabilis na tumitibok ang puso mo kapag malapit siya sayo, kapag feeling mo safe ka sa tabi niya, o kapag mabanggit lang ng iba ang pangalan niya ay mapapatingin ka, naranasan ko iyan noong kabataan ko, nagkacrush ako sa lalaking may ibang gusto, crush lang pero sobrang sakit na paano pa kaya kung may malalim ka nang feelings para sa kaniya? Kaya't tinigilan ko na siya at nakahanap ako ng lalaking mamahalin ako ng lubusan hanggang sa tumanda ako, ayun nga lang, wala na siya." nalulungkot niyang kuwento.

"Hala sorry po,"

"Huwag ka magsorry hija, napakuwento pa nga ako kahit nagtanong ka lang kung paano malalaman kung crush mo ang isang tao"

"Okay lang po 'yun, mabuti po't nakahanap po kayo ng para sa inyo."

"Hija lahat tayo makakahanap ng para sa atin, sa tamang lugar, sa tamang oras, sa tamang tao, nasa iyo iyan kung kagustuhan mo ba na makahanap nito, kung gusto ay makakahanap."

Ang lalim ng sinasabi ni manang, tama talaga na sa kaniya ako nagtanong dahil worth it.

Pagkatapos ng aming kuwentuhan at panonood umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga.

Napaisip ako kung magiging crush ko ba si Clarix o crush ko na nga ba? Hindi ko matukoy kung bakit feeling ko ay masyado siyang special para sa akin.

Sino nga ba siya?

♪☆๑



Chasing The Fate (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon