Chapter 16

4 0 0
                                    

Bakit ba inaano nila na wala akong boyfriend? Pake ba nila kung NBSB ako, at least top 1 ako sa klase!

Pakialaman na lang nila buhay nila please, i just want a peace life, tsaka g12 pa lang naman kami, wala pa sa college.

Problema lang sa bansa ang mga lalaki 'no, karamihan sa kanila ay red flag pero hindi lahat.

Syempre Clarix and Jeremiah are green flag so not all of boys are red flag.

The real men are green flag.

Nasabi ko lang ang mga 'yan dahil kinakatyawan ako ng mga iba kong kaklase na wala pa raw akong boyfriend.

Paano ba naman eh, may bagong mag kasintahan na naman sa classroom, ako na lang daw ang wala!

Sorry ha, sa college na lang ako hahanap, mas maraming pogi ro'n sa papasukan kong university kapag college na ako.

"Weh ba?"

Tanong ni Clarix sa akin nang sinabi kong ililibre ko siya ng siomai sa labas ng school, namiss ko lang 'yung time na nililibre ko siya no'n.

"Ayaw mo ba? Edi 'wag."inirapan ko siya.

"Eh, naniniwala naman ako kaya tara na."

"K," sabi ko, para kunwari cold.

Dahil ako ang bumili nilagyan ko ng maraming bawang at 'yung parang chili sauce 'yung siomai niya.

Hehe.

Bumili naman ako ng dalawa pa para incase na ayaw niya, mayro'n pa.

Pagkasubo niya pa lang ay nasamid na siya, "H-Humanda ka sa 'kin."

"Sorry na," nag beautiful eyes ako habang natatawa, bawi na lang ako sa kaniya later, haha.

Tinulak niya papunta sa akin 'yung siomai, halatang ayaw na.

"Take this," binigay ko sa kaniya 'yung siomai na binili ko.

"Wow ha, may reserba." natatawang sabi niya kahit panay innom niya pa rin ng tubig.

"Kailan kuhanan n'yo ng card?" tanong niya, 'di kasi sabay kuhanan namin ng card.

"Sa isang araw pa, kayo ba?"

"Bukas," sagot niya. Hindi ako excited sa card ko, baka ma-dissapoint lang ako, hindi kasi ako nakapag review nang sobra sa ilang sub para sa exam.

Nang bumalik kami sa school ay nakita kong nakatingin na naman sila Jeisa at Yva.

Hindi ko na pinansin at umakyat na lang ako sa hallway, 'di ko na kasama si Clarix since magkaiba nga kami ng building.

Napansin komg halos lahat ng dumadaan sa hallway may kaibigan, ako lang yata wala.

Masaya kung may kaibigan akong babae eh peeo mas gugustuhin ko pa rin na walang kaibigan na babae kaysa kaibiganin pa rin si Yva.

Hindi naman nakakababa sa sarili na wala kang kaibigan, mas kaya ko sarili ko kapag wala.

Maya maya lang ay nagchat 'tong si Clarix, nag aaya mag bar, mamayang 8 pm daw.

I said okay, we are 18 naman na so it's allowed and may limits kami, baka juice nga lang ang inumin ko dahil takot din ako na malasing.

Kainis din 'tong si Clarix, magkasama na kami kanina hindi pa sinabi.

Nang matapos ang klase nagmamadali ako umuwi at hindi na ako sumabay kay Clarix or kay Jeremiah umuwi.

Gusto ko kasi makapag ayos agad 'no! 6:30 uwian namin eh.

Nagsuot lang ang ng white backless top na medyo kita ang cleavage with black pleated skirt na umaabot lang hanggang sa gitna ng hita ko and high boots

Pwede na ba pang thirst trap? Char.

My mom allowed me to go out. Ayos lang naman sa kaniya ih, buti hindi siya strict!

Sa labas ng bahay namin kami ni Clarix nagkita, naka black button down polo long sleeve siya na nakatiklop ang sleeve sa braso with black trouser. Pogi, pwede na.

He offered his hand then i accepted it, nagulat ako nang papunta kami sa isang kotse.

"Kainino 'to?"

"Mine, babe."

"Lul, don't kidding me." inirapan ko siya, halata naman nagbibiro lang?!

"I'm serious, my tito gave me that."

Tumango lang ako. Siya pa ang nag bukas ng passenger seat kaya agad ako pumasok.

Matagal din bago kami makadating sa bar, this bar is so expensive, tingin mo pa lang ay nakakamangha na, 'di siya yung common bar na makikita mo sa manila.

Sa labas pa lang ay napakaingay na, lalo rito sa loob, masakit sa tenga.

This isn't my first time na pumunta sa mga bar, kasama ko si Yva noong first time ko, actually naka tatlong bar na kami na puro juice lang iniinom ko but now i will try to drink to enjoy kahit thursday pa lang bukas!

I'm not familliar with alcohol kaya si Clarix ang pumili ng iinumin namin.

Halos masuka ako nang unang tikim ko ng alak, habang tumatagal naman ay nasasanay na ako.

Sumayaw pa ako sa harap at ito namang si Clarix nanonood pa sa akin habang nainom siya.

The music is so loud but well, i don't care. I'm here to enjoy naman and it's so fun!

Maya maya ay may humawak sa bewang ko, medyo nakitili ako dahil crop top 'tong suot ko.

At first, i thought it was Clarix but no, it's not him.

It's Jeremiah!

"Baby,"

"Bakit ka nandito?"

"Just to see you,"

"How did you kno-"

Nagulat ako nang himasin niya ang bewang ko papunta sa hita, napansin ko rin na nasa balikat ko ang baba niya habang sumasayaw kami.

"I wish, i met you earlier."

"What do you mean?" i asked him.

"If you can be a animal, what are you then?" really? Did he asked me that? He's so weird.

"Cat,"

"Then, i like Cat,"

"W-what?"

"I like you, baby. May i court you?"

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi pa nagsisink in sa utak ko please, ano... Totoo ba 'yon?

Hinalikan niya ang balikat ko, nararamdaman ko ang mga paro-paro sa t'yan ko.

Mas nagulat ako nang nagsalita si Clarix, malakas ang tugtog ngunit malakas din ang boses niya kaya rinig ko pa rin kahit papaano

"No,"

‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎⋆ ˚。⋆୨୧˚.....

Chasing The Fate (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon