☆
"Freeya, Jeisa, pinapatawag kayo sa guidance office" sigaw ng lalaki naming kaklase.
Tumingin muna sa akin si Jeisa nang masama bago tumayo.
Nauuna siyang maglakad patungo sa guidance office, alam ko na kung bakit kami pinatawag dito.
Umupo kami sa harapan ng lamesa ng aming principal.
"Ms. Martinez and Ms. Reyes, i will let you both explain what happened earlier"
"Siya po nagsimula" tinuro ako ni Jeisa, magkatapat ang upuan namin.
"Hindi po iyon totoo, binunggo niya po ako no'ng papasok po ako sa room." sabi ko, napatingin na naman sa akin si Jeisa nang masama.
"Is that true, Ms. Reyes?" sabi ng aming principal na si Mrs. Alvaroz.
"No po, nabunggo ko lang po siya accidentally"
Aba!
"Ginawa mo nang dalawang beses 'yon at may linya ka pang gagalingan mo na next time para hindi obvious"
"Sinabi ko ba magreklamo kayo sa harapan ko?! Ang sabi ko iexplain niyo ang nangyari kanina hindi magbangayan!" sigaw ni Mrs. Alvaroz.
"Sorry po, but uhm may i suggest someone that can explain what happened po?" tanong ko.
"Who is it?"
"Clarix po, HUMSS student"
"What?! No!" sigaw ni Jeisa.
"Ms. Martinez, pakitawag na ang tinutukoy mo."
Sinunod ko na lamang si Mrs. Alvaroz, hinanap ko anng hinanap si Clarix pero wala ako makita ni-anino niya.
Pinuntahan ko na rin ang classroom nila pero wala siya ro'n at pinagtanong ko sa mga kaklase pero 'di nila nakita.
Halos lahat napuntahan ko na, maliban nalang sa rooftop ng building namin.
Inakyat ko ang nakakahingal na hagdan pero worth it dahil nandoon siya, nakatingin sa baba ng building.
Nilapitan ko siya, mukhang hindi n'ya pa napapansin na nandito ako.
"Pinapatawag ka ni Mrs. Alvaroz sa guidance office" sabi ko kahit hindi niya pa ako napapansin.
Tumitig siya nang ilang segundo bago sagutin ang sinabi ko "Why?" sasabihin ko ba na naguidance ako at need niya iexplain sa principal kung ano nangyari?
Siguro huwag na nahihiya ako, malalaman niya rin naman.
Hindi ko na lang siya sinagot at hinawakan ang kamay niya habang tumatakbo pababa ng hagdan.
Hanggang sa makarating kami sa loob ng guidance office ay hawak ko pa rin ang kamay niya kaya binitawan ko na.
"Ms. Martinez wanted you to explain what happened to them earlier."
Napatingin sa akin si Clarix. Ang awkward bakit kasi siya pa naisipan kong tawagin.
Napatingin ako sa gawi ni Jeisa, nakangiti ito nang malawak, nababaliw na yata siya.
Akala ko kanina ay nagagalit siya dahil papapuntahin dito si Clarix pero ba't tuwang-tuwa pa."Have a seat" sabi ni Mrs. Alvaroz kaya naman naupo na kaming dalawa, tumabi siya sa'kin.
"Explain mo na, anak" what? Ano raw? Anak?
Nagulat ako sa sinabi ng aming principal, paano niya naging nanay si Mrs. Alvaroz? Napatingin ako kay Jeisa na hindi nagulat at para bang alam na alam niya na mag-ina ito.
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...