☆
1 week na ang nakakalipas simula nang magmall kami ni Yva, wala naman nangyaring special sa mga araw kong 'yon dahil puro aral lang din ang ginagawa ko.
Lunes ngayon at 1st period namin. Nagtuturo si sir at nakikinig ako pero si Yva antok na antok na.
Halos ako nalang ang sumasagot sa mga tanong ni sir kaya naman ang sabi niya "Other hands pls" kaya tinaas ko naman ang kaliwa kong kamay, pelosopo ka Freeya!
"Ms. Martinez, i said other hands, hands of your classmates not your other hand." galit na sabi nito, napatawa nalang ang mga kaklase ko pati si Yva na kanina'y inaantok ngayon ay ang lakas ng tawa.
Wala ako nagawa kun'di makinig nalang sa tinuturo, panay sulat ko sa notes kahit hindi na need isulat ay sinusulat ko na para naman may masagot ako sa exam, kadalasan 'yung hindi pinapasulat ay iyon ang ipapaexam.
Tapos na ang 1st period kaya ibang teacher naman ang nasa harapan namin ngayon, aaminin kong maganda ang pagtuturo nila rito kahit masyado silang strict.
Anyway! Hindi ko na nakikita si Clarix nitong mga nakaraang araw, sayang namana hindi siya nagpapakita kung kailan ko gusto makipagkaibigan.
I need other friends din napapagkamalan na kaming magjowa ni Yva pero paano pa kaya kung naging magkaibigan kami ni Clarix at nagpagkamalan din, edi ang awkward, ano ba 'yang iniisip mo Freeya.
"Hindi mo ba nakikita 'yung tingin sa'yo ni Jeisa?" napatingin ako sa sinabi niya, napakadaldal naman nito naglelesson si ma'am oh.
"Nakikita ko pero wala akong pake." umirap ako pagkasabi ko niyan, nakakainis kasi si Jeisa ta's pagtutuonan ko pa ng pansin edi badtrip na naman ako niyan.
Kasi naman, ba't ba ganon siya makatingin, ganon ba talaga mata niya since birth? Ang sarap dukutin!
Basta ako rito ineenjoy ang life hindi gaya niya na puro galit sa mundo, wala na yatang pumapansin sa kaniya dahil masungit siya.
"Kung ako sa'yo sinampal ko 'yan" natatawa niyang banggit, grabe talaga ang bunganga nito. Sana'y hindi kami naririnig ni Jeisa dahil malapit lang ang kaniyang upuan sa amin.
Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang ako sa lesson, ang dami pwede itopic si Jeisa pa talaga.
Tapos na ang 2nd at 3rd period namin kaya naman recess na. Pumunta ako sa cafeteria at hindi sumama si Yva, sanay naman ako mag-isa.
Ayun nakita ko si Clarix! Hinabol ko siya dahil papasok palang siya ng cafeteria, hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya sa paglakad "Oy Clarix" napatitig lang siya sakin, bakit kaya? Masama ba ang pagtawag ko sa kaniya? Dapat pala hindi na ako nag 'oy'.
"Uhm ano ginagawa mo rito?" nahihiya kong sabi, ngayon ko labg na narealize na nakahawak pa pala ang kamay ko sa braso niya kaya binitawan ko. Nailang naman ako kaya napaiwas ako ng tingin.
"To buy" malamig na tugon niya. Hindi naman siya ganito noon ah? Sabagay ano nga naman ang isasagot niya sa akin?
"Uhh s-sabi ko nga" wag ka nga tumitig sa'kin, baka matunaw ako rito kahit hindi pa ako ice cream. Kahit sino naman siguro ang titigan nito ay titiklop o matutunaw.
Sa mga mata niyang brown at singkit na napakaseryoso sinong hindi titiklop diyan ha?, napansin niya sigurong nagiging awkward kami kaya umalis na siya at pumila.
Pero binalikan niya ako at sinabing "Do you want something to eat or drink?" malamig niya iyon na tinanong.
"Of course, that's why i'm here"
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...