☆
( ps: sorry po paiba-iba typings ko huhu, depende lang po sa mood. )
"She's safe with me, sa 'yo lang naman hindi." narinig ko mula sa likod ng pinto.
It's Clarix.
Oh my gosh, paano siya nakakasigurado na hindi ako safe kay Jeremiah?
Nagulat ako nang naghagis si Jeremiah ng bangko.
"Hoy, 'wag nga kayo mag away dito, room namin 'to" sigaw ni ahyaki, totoo naman.
Agad umalis si Clarix nang marinig n'ya ang sinabi ni Ahyaki, mabilis ko s'yang hinabol sa labas upang tanungin kung anong ibig sabihin n'ya sa sinabi n'ya kanina.
Bago ko pa mahabol si Clarix, may naririnig akong umiiyak sa ilalim ng hagdan kaya naman pinuntahan ko.
I don't know who is she pero pinuntahan ko pa rin, hayaan ko muna si Clarix, lakas ng tama n'ya eh.
Nilahad ko ang kamay ko upang makatayo s'ya, nang mapansin n'yang may tao sa harap n'ya ay dahan-dahan n'ya inangat ang kan'yang ulo.
"S-sino ka?" sabi ng babae na hanggang balikat lang ang buhok, medyo makapal ang kilay, mayroong kulay brown na mata, may matangos na ilong at maputi. She's pretty.
"I'm Freeya and you are?" i asked her too, mukha naman s'yang mabait.
"Callixa," tinanggap n'ya ang kamay ko pagkatapos n'ya sumagot.
"Oh, pretty name. Anyway, if you don't mind, may i know why are you crying?" i like to comfort her.
Inaya ko s'ya sa hagdan upang maupo roon.
"I failed my exam," she smiled but that smile are only forced.
"Hindi pa naman tapos yung school year, hindi porket hindi mo naipasa yung exam, hindi mo na rin maiipapasa yung next exam, ayos lang 'yan, kasama 'yan sa pagtupad ng pangarap. You can do better next time." i comforted her.
"My mother are mad." she said with sad voice.
"I don't know who's your mother but i think you should tell her what do you feel. My mother didn't pressure me at all, i'm just pressuring myself." i said.
"Maglalagpasan mo rin 'yan, lahat ng tao ay nagkakamali sa exam, kahit nag-aral ka nang maghapon o magdamag kung hindi mo naman alam yung mismong i-eexam, posible pa ring bumagsak ka, ayun yung masakit na realidad." habol ko.
Nangyari na sa akin 'yan, ang bumagsak sa exam, hindi naman kasi kailangan 'lagi ka pasado sa exam, may times lang talaga na babagsak at babagsak tayo.
Bumawi ang magandang gawin upang makakuha ng mas mataas na score, maari ka pa rin naman pumasa sa susunod, hindi porket bagsak ka ngayon, bagsak ka pa rin sa susunod.
Okay na yung mababang score kaysa pasado ka nga, nagcheat ka naman.
Yung pasado ka ngayon, kapag nakagraduate ka possible pa rin na hindi ka agad magiging pasado sa trabahong papasukan mo kahit graduated ka na.
"Kilala mo mommy ko, si Ms. Alvaroz." nagulat ako nang bahagya sa kan'yang sinabi.
So kapatid n'ya pala si Clarix? Hindi naman nakakaduda kasi kamukha n'ya lalong lalo na sa mata, parehas silang may itsura.
"Actually, kilala kita." Callixa said.
"Huh?"
"My kuya Clarix is your suitor right?" she winked at me, i'm glad that she's fine now.
"N-not yet,"
"Oh... So he lied," ngumuso s'ya, she's so cute.
"Kinukwento ka 'lagi sa akin ni kuya, simula no'ng nakilala ka n'ya at hanggang ngayon na narealize n'ya na gusto ka talaga n'ya." bahagya akong napanganga sa sinabi n'ya, really? Kinukwento ako sa kan'ya ni Clarix?
"Let me tell you a secret, kinikilig s'ya kapag kasama ka n'ya, sa bahay n'ya binubuhos kilig n'ya, alam mo kung paano? S'ya gumagawa ng kagawaing bahay kahit may katulong kami." habol n'ya.
"Oh gosh, he's so cute."
"Ate, sige na, gawin mo na s'yang manliligaw, please oh." nag beautiful eyes pa s'ya.
"Medyo mahirap pa eh," i said, hahanap pa ako ng tamang tyempo para sundin yung puso ko, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
Maya-maya ay dumating si Clarix dito sa may hagdan, 'What are you doing here, kuya?" tinaasan ni Callixa si Clarix ng kilay.
"Ikaw ba? Anong ginagawa mo rito?"
"Nakikipag-kwentuhan sa future sister in law ko, bakit?" biro ni Callixa sa kuya n'ya.
Humarap sa akin si Callixa at sinabing "Thank you so much for listening." at kaagad umalis.
"Freeya," nahihiyang sabi sa akin ni Clarix.
"Sorry sa kanina ha," sabi n'ya pa ulit, tumango lang ako sa kan'ya at ngumiti.
"Uhm, ask ko lang din if pwede mo 'ko samahan sa supermarket and store, later?" he asked me.
Wala naman akong gagawin mamayang pag-uwi kaya okay lang sa akin.
Isang oras na lang ay uwian na namin pero naiinip ako, gan'to kasi ako kapag aalis, naiinip palagi ako.
Maya't maya ko naiisip si Callixa, i don't know if she is faking her smile kanina.
Naisip kong maswerte pa rin ako na hindi ako pinepressure ni mommy, i'm just pressuring myself.
Si daddy ang nang pre-pressure sa akin no'ng sila pa ni mommy.
Mahirap din yung kalagayan n'ya, imagine, her mother is pressuring her with a lot of expectations because her mother is the principal of our school?
Sana lang ay nakatulong ang pagcomfort ko sa kan'ya kanina.
Naisip ko lang din na baka pinepressure rin ni Ms.Alvaroz si Clarix, sana naman ay hindi.
Nang nagbell ay agad ako lumabas ng room upang puntahan si Clarix sa kabilang building.
Nagulat ako nang maraming tao ang nasa cr, halos lahat na yata ng studyante ay nandoon.
Curious ako kaya lumapit ako upang makita kung anong nangyayari.
May mga dugo sa sahig, di sa kalayuan nakita ko kung kaininong dugo ang nasa sahig.
Nasaksak s'ya.
Nasaksak si Clarix.
⋆ ˚。⋆୨୧˚.....
BINABASA MO ANG
Chasing The Fate (on-going)
RomanceFreeya Mazey Martinez is a beautiful woman; she is kind, smart, and rich. She has everything that other people want to have, but there's one thing that she doesn't have: her memory of when she was a 7-year-old kid. Clarix Kez Alvaroz is a guy that a...