Chapter O3

17 1 0
                                    




Bukas na ang laban para sa intrams tinatamad ako pumasok kapag naaalala ko si Jeisa, hindi naman n'ya na ako ginugulo kaya mabuti nga 'yon.

Hindi ko na naman nakita si Clarix dahil may schedule na ang pagprapractice sa court, 7-12 kaming STEM at ABM, 12-5 naman ang GAS mas marami kasing GAS students kaya dapat lang na paghiwalayin.

Nasabi pala ni Clarix na badminton ang kan'yang kinuha sa intrams kaya titingnan ko nalang s'ya mamaya sa kabilang court.

Napatingin ako sa gawi nila Jeisa na nagtatawanan kasama ang mga kaibigan n'ya, naramdaman n'yang nakatingin ako sa kan'ya kaya inirapan n'ya ako.

3hours na kami nagprapractice rito kaya break time muna kami, bumili nalang ako ng tubig at tinapay sa canteen.

"Mazey!" tawag sa'kin ni Yva.

"Bakit?"

"Hindi mo na ako sinasama ah."

"Anak ba kita para sundan mo ako kahit saan?"

Napairap nalang s'ya sa sinabi ko, may pagkataray talaga ang isang 'to pero sa akin naman hindi, sanay na ako sa mga irap n'ya dahil close naman kami at pabiro lang mga iyon.

"Kapagod magvolleyball, kamusta nga pala 'yung pagpractice mo sa badminton?" minsan nalang kami magkita sa court dahil napakalawak talaga ng court tsaka masyado kaming busy sa pagpractice.

"Si Jeisa sinasadyang saktan ako no'ng nakaraan."

"Ha! Paano?"

"Lumalapit s'ya sa'kin tsaka ipapalo ng malakas 'yung racket n'ya sa shuttlecock kaya ang ending natamaan 'yung katawan ko."

"Susugundin ko 'yung babae na 'yon!"

"Huwag na, mapapa-away ka lang"

"Wala akong pake."

"Okay lang ako Yva, hindi ko na rin naman s'ya pinapansin ngayon eh."

"Huwag ka na makikipaglaro do'n, mapapatay ko s'ya nang 'di oras"

Natutuwa ako dahil may ganito akong kaibigan, lahat ng umaway sa akin ay inaway niya rin wala s'yang pake kung maguidance man s'ya.

"Punta nalang tayo sa ibang court"

"Ano naman gagawin natin do'n?"

"May hahanapin lang"

"Sino?"

"Kakilala ko"

"Sino nga"

"Kilala mo si Clarix, 'yung HUMSS student?"

"Hindi, ay hala lalaki?"

"Oo"

"Dalaga ka na nak!" pagkasabi niya niyan ay hinila ko nalang sya papuntang kabilang court, halos hingalin ako sahil napakalayo, ba't ha ang laki ng school na 'to!

Hindi ako sigurado kung nandito nga ba sa court ang mga HUMSS student, pumunta nalang ako sa loob nito. May aircon siyempre bawat court ang laki kasi ng tuition fee.

Nagpunta kami sa mga nagbabadminton pero nasa gilid lang naman kami para hindi makaabala.

Nakita ko si Jeisa binibigyan ng tubig si Clarix, halos bumuga na ako ng apoy dito dahil sa nakita, ang bilis naman ng paa niya't nakapunta s'ya agad dito!

Chasing The Fate (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon