ERION
Wednesday - Third Day
Nasa byahe na kami ngayon papunta naman sa Vigan, pagkauwi namin kagabi ay diretso tulog na kami at doon na ako natulog sa kanila kasi maaga kaming babyahe. Kaninang ala una ng madaling araw kami umalis at malapit na mag-alas otso ngayon, ang layo kasi nito sa Bulacan kaya umabot ng pitong oras ang byahe.
"Hala, ayan na!" Tili ni Dana baby nang makita niya yung mga building dito sa Calle Crisologo. "We should ride sa kalesa while strolling."
Hindi na kami nag-atubili at agad na naghanap ng kalesa na pwedeng arkilahin, napili namin yung kulay itim na kabayo dahil pinanggigigilan siya ni Dana baby.
"Kuya Jun, let's go na", pag-aya ni Dana baby nang makita niya na hindi pa sumasakay si Kuya Jun.
"Maglalakad lang po ako señorita, masyadong siksikan kapag sumakay pa ako", nakangiting sagot niya kaya napanguso na lang si Dana baby at hindi na namilit.
Masaya niyang kinukuhaan ng litrato at video ang paligid pati na rin ang kaniyang sarili. Nakikisali ako sa picture niya pero tinutulak niya lang ako at iniirapan.
Aga-aga sa akin na naman mainit ulo niya, hays.
Hindi pa namin tapos libutin ang buong Calle pero nag-aya na agad sa ibang lugar si Dana baby. "Manong, sa cathedral po tayo."
"Wow, magbabawas ng kasalanan ang mahal ko", pang-aasar ko sa kaniya at inirapan niya ako.
Habang papunta kami sa cathedral ay tinignan ko si Kuya Jun, mahahalatang hinihingal na siya sa paglakad kaya pagtapos namin doon ay aayain ko silang magpahinga muna.
"May misa kaya ngayon doon?" Pagtatanong ni Dana baby.
"Magdasal lang tayo tapos pahinga muna tayo", agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon sa akin.
Lumipas ang ilang minuto at narating na namin ang cathedral, ang laki at lawak nito. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang maliwanag na altar, halos gold yung kulay ng mga design tapos ang engrande tignan.
Lumuhod kami sa may upuan at sinimulan na naming magdasal
Panginoon, maraming salamat po sa pag-asang binigay mo sa akin. Binigyan mo po ako ng dahilan para magpatuloy pa sa buhay, napalitan ng saya yung lahat ng sakit na naranasan ko simula bata pa ako. Salamat din po sa biyaya at pag-gabay sa amin sa araw-araw, hinihiling ko po na palaging ligtas ang mahal ko. Hindi ko po kakayanin kung mawawala siya sa akin, siya ang nagsilbing liwanag ko sa madilim kong mundo. Salamat po sa anghel na pinababa mo para sa akin, hinding-hindi ko po siya sasaktan at habang buhay ko siyang mamahalin.. Amen.
Malawak ang ngiti ko pagkatapos kong magdasal dahil sa ginhawa at sayang nararamdaman ko, nilingon ko ang mahal ko at malawak din ang ngiti niya sa akin. "Tara na?"
Sumakay kami ulit sa kalesa pabalik sa kung saan naka-park ang sasakyan para doon muna kami magpahinga. Pagkababa namin ay nagbayad na kami at nagbigay ng tip si Dana baby.
"Bait ng mahal ko, nagbabagong-buhay ka na talaga", natutuwa kong sabi pero kinurot niya ako. "Kakasimba lang natin, mapanakit ka na naman."
"Sinong 'di mananakit eh mapang-asar ka", nakairap niyang sabi sa akin.
"Pikon ka lang, baby ko", sabi ko sa kaniya habang tinatapik ang balikat niya.
Kinagat naman niya ang kamay ko kaya agad akong napasigaw. Nagtinginan sa akin ang mga taong dumaraan habang tumatawa si Dana baby na akala mo isa siyang kontrabida sa palabas.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...