POISON
Bella's POV
"HOW'S the first day at Greenfield? Did you enjoy it? Do you already have friends?"
Napatigil ako sa pagkain ng biglang magsalita si mama dito sa hapag- kainan. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tumingin sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa hawak nitong phone.
It's already dinner time. It's a miracle to have my mother sitting beside of me while eating. Hindi kasi kami madalas nagsasabay kumain ni mama dahil busy siya lagi sa trabaho niya sa isang Financial Company. Hatinggabi na siya lagi umuuwi.
"Yes, mama. Nag-enjoy po ako sa Greenfield. I already have friends too" update ko sa kanya bago muling magpatuloy sa pagkain.
Naramdaman ko ang marahang paghawak ni mama sa kamay ko na nakapatong sa gilid ng mesa, "Good to hear that, my dear. I hope, magtuloy-tuloy na 'yang recovery mo. Mas mabuting ituon mo na lang 'yang attention mo sa bagong paligid at sa mga bago mong kaibigan." she smiled at me.
Napapikit ako ng mariin ng may maalala. Umiling ako ng bahagya para maiwaksi sa aking isipan ang mga alaalang iyon. Gusto ko ng makalimutan ang lahat ng iyon.
I forced myself to smile, "Don't worry, mama. Everything will be fine..." I assured her.
"Oh siya, kumain ka na. Ako na maghuhugas ng mga pinggan para makapagpahinga ka ng maaga, may pasok ka pa bukas."
I just nod. Nagpatuloy na ako sa pagkain. Pero hindi na naalis sa aking isipan ang mga alaalang iyon. Hanggang sa pagtulog, ginugulo ako ng mga 'yon.
Paano nga ba tuluyang maging maayos?
IT'S already break time. Kakatapos lang ni Ms. De Vera mag-discuss. Inilabas ko na sa bag ko ang dala kong maluto. Fried rice, egg at bacon ang kakainin ko. Pinabaunan pa ako ni mama. Nagmumukha tuloy akong kinder.
"Ang sweet naman ng mama mo, may pa-maluto pa para sayo." nakangiti na sabi sa akin ni Althea habang kumakain ito ng baon nitong chips.
"Gusto mong tikman?" alok ko sa kanya.
"Hindi, ok lang. May chips naman ako." tanggi niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Napatigil ako sa pagkain ko, ng biglang tumayo sa kinauupuan niya si Chloe at nagsalita. Nabaling sa kanya ang atensyon naming lahat.
Lumapit si Chloe kay Caitlyn, "You! Hey nerdy!" she pointed her index finger to the latter.
"W-why?" tipid at halatang kabado si Caitlyn ng mga sandaling ito.
Chloe crossed her arms, "Because we have a new classmate, I guess we must welcome her to our section! No need na gumastos kayo guys, ititreat ko kayo ng drinks ngayon!" she announced.
Narinig ko ang mga bulungan sa paligid, "Wow, nasa mood si Chloe..." bulong sakin ni Althea.
"Lilibre daw tayong lahat? Thanks to you, Bella..." bulong din sakin ni Kyle.

BINABASA MO ANG
Can You Find Me?
Mystery / ThrillerA section. 14 students. Several bloody scenes. Mysteries. Secrets. Killings. Unmasking. Unveiling. Truth. A killer. Are you ready to hide and find the murderer?