Chapter 3

35 1 0
                                    



INTERROGATION
PART ONE



Third Person's POV




MATAMANG tinitignan ni Inspector Rosales si Kyle na nasa harapan niya. Mugtong-mugto ang mga mata ng huli dahil kakatapos lang nitong umiyak. Narito sila ngayon sa isang interrogation room sa police station.

Huminga ng malalim ang naturang inspector bago nagsimula sa pagtatanong, "The interrogation will now begin. Kyle? Ikaw muna ang uunahin ko."

Nakayukong sumagot ang huli, "Sige po." Bakas sa boses nito ang pagiging emosyonal.

"Bakit sobrang maga ng mga mata mo? Malapit na kaibigan mo ba si Rosie?" Binuksan na ni Inspector Rosales ang recorder ng cellphone niya.

"O-opo... Hindi po ako makapaniwala na nangyari sa kanya iyon." Kitang-kita ang pagdaloy ng luha ni Kyle sa pisngi nito na agad nitong pinunasan.

Napahinga muli ng malalim si Inspector Rosales bago nagpatuloy, "Alam ko na mabigat 'yang nararamdaman mo pero para mahanap natin ang gumawa nito sa kaibigan mo, kailangan mong isalaysay sa akin ang mga nangyari bago ang pagkawala ni Rosie..."

Tumingin sa kanya ng seryoso si Kyle. Kitang-kita sa mga mata nito ang takot, "Dahil may bago pong transferee sa section namin, naisipan ni Chloe na manlibre ng drinks. Inutusan niya po si Caitlyn na bumili ng drinks tapos nung pagkabalik niya, nagpalit si Chloe at Rosie ng drinks. At bigla na lang pong nahilo si Rosie at tumakbo sa female c.r. para magsuka. Bumalik po siya muli sa room kaso bumagsak na lang po siya bigla sa sahig. Tumawag po agad kami ng ambulansya pero nag-stay lang po ako sa tabi ni Rosie. H-hindi ko po siya kayang iwanan ng mga oras na iyon..." Tuluyan ng napaiyak si Kyle habang inaalala ang mga sandaling iyon.

"Nasaan na ang ambulansya?! Bilisan niyo!" Naisigaw ni Kyle sa lahat habang kinakabahang nakaupo sa tabi ng wala ng malay na si Rosie. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbulwak ng dugo sa bibig nito.

"You should be wait. Nawalan lang naman 'ata ng malay 'yan!" sigaw sa kanya ni Kate.

Agad pinulsuhan ni Kyle si Rosie. Wala. Wala na itong pulso. Tinignan naman niya ang heartbeat nito. Hindi na rin iyon tumitibok at humihinga. Doon na napaiyak si Kyle. Sobrang takot, lungkot at kaba ang unti-unti niyang naramdaman. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"Oh, baklita?! Anong iniiyak-iyak mo diyan?! Hindi ito ang right time para sa corny jokes mo!" Tumawa pa sina Chloe.

Nanginginig na tinapik ni Althea ang balikat ni Kyle, "K-Kyle? Bakit? A-anong..." Halata na rin sa boses nito ang kaba.

Agad na tumingin si Kyle kay Althea habang umiiyak at hindi makapaniwala sa nangyari, "W-wala na si Rosie..."

"Salamat Kyle, tatawagin na namin ang susunod."

"Salamat po..."






"PANGALAN mo ay Lucille, am I right?" Agad na napatingin ang babaeng blonde ang maiksi nitong buhok, ng diretso sa mga mata ni Inspector Rosales bago ito tumango bilang pagsang-ayon. Kitang-kita ang lungkot ng ekspresyon ng mukha nito at hindi rin mawawala sa mga mata nito ang bakas ng takot dahil sa mga nangyari sa classroom nila.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon