INTERROGATION
PART TWOThird Person's POV
ISA-ISANG pinasadahan ng tingin ni Inspector Rosales ang apat na babaeng nakaupo sa harapan niya. Halatang halata na nagmula ang mga ito sa marangyang pamilya batay sa mga pananamit ng mga ito at suot na mga alahas. Pawang naggagandahan din ang mga ito. Base sa mga ekspresyon ng mga ito, takot na takot sila at kanina pa gustong magsiuwian. Hindi din sila mapakali sa pagkakaupo.
Hindi tuloy mapigilan ni Inspector Rosales na maghinala rin sa mga ito katulad ng paghihinala niya kina Bella at Althea. Katulad ng naunang dalawa, kakaiba din ang kinikilos nitong apat sa harapan niya. Parang may mga itinatago at tinatakasan ang mga ito na hindi niya mawari kung ano.
"Inspector, can you please start? All of us right now wants to go home to take some rest from this goddamn murder case! Can't you see, we are all traumatized!" bulalas sa kanya noong babaeng matangkad na fashionista. Halata ang pagkabagot nito.
"Chloe, calm down. We should cooperate and do unity with Inspector Rosales to solve this case..." malumanay na awat sa kanya nung babaeng tahimik lamang na nakaupo sa isang tabi.
Chloe rolled her eyes at her, "Whatever, Tiff!"
Inspector Rosales cleared his throat before he started the interrogation with the mean girls, "Alam ko na kailangan na one on one ang interrogation ngunit nabanggit ng mga nauna niyong kaklase na magkakasama kayo. Mas madali kung ganito na lang. At pakiusap, wala sana sa inyo ang magsinungaling at sana puro katotohanan lang ang lumabas sa mga bibig niyo." babala niya sa apat. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang mga ito. Gusto niyang basahin ang mga tumatakbo sa isip ng mga ito sa sandaling iyon.
"Makakaasa po kayo, Inspector Rosales..." malumanay ang boses ni Tiffany at binigyan niya ang naturang inspector ng tipid na ngiti.
"Oh my God! I can't believe that this is happening!" biglang nag-hysterical si Kate at napatayo pa sa pagkakaupo. Halata ang takot sa ekspresyon nito.
Agad siyang hinigit ni Celine para ibalik sa pagkakaupo, "Shut up, Kate!"
"Maybe, I shouldn't have offered to buy drinks!" Napaface palm si Chloe. Halata ang pagbabago nito ng emosyon. Umiiyak na ito ngayon. Mataman siyang pinagmasdan ni Inspector Rosales.
"It's fine Chloe. It's not your fault." comfort sa kanya ni Tiffany.
"Calm down please and explain." pakiusap ng inspector kay Chloe. Gusto niya talagang malaman ang mga magiging explanation ng mga ito lalo na si Chloe. Gusto niyang mapagtugma-tugma ang mga alibis ng lahat ng estudyanteng sangkot sa pagkamatay ni Rosie.
Nag-angat ng paningin sa kanya si Chloe at seryosong pinunasan ang mga luha nito, "I-I just wanted to buy drinks for everybody so I asked Caitlyn to buy it for us. She came back but I switched drinks with Rosie. Then she died!" Napaiyak muli siya. Hindi na rin napigilan 'nung tatlo na mapaiyak rin.
"Please calm down. Chloe, was it ever occurred to you that you are the initial target of the killer. You might be the one who are in Rosie's situation if you didn't switch your drink to the latter." Inspector Rosales blurted out his theory.
"Sh*t! I knew it!" exaggerated na sigaw ni Kate.
"What?! No way!" Tiffany shouted.

BINABASA MO ANG
Can You Find Me?
Mistério / SuspenseA section. 14 students. Several bloody scenes. Mysteries. Secrets. Killings. Unmasking. Unveiling. Truth. A killer. Are you ready to hide and find the murderer?