Chapter 8

33 1 0
                                    

MISSING



Bella's POV

UMIIKOT ang paningin na iminulat ko ang mga mata ko. Dilim ang sumalubong sa akin. Agad kong pinilit tumayo ngunit napansin ko na lang na nakatali ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng kamang kinahihigaan ko.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kung bakit ako napunta rito sa madilim na silid na ito. Ngunit wala talagang pumapasok sa utak ko. Mas lalo lang akong nahihilo kapag inaalala ang lahat.

Isa lang ang natatandaan ko. Nasa pool party kaming magkakaklase dahil niyaya kami ng president ng section namin. Ang alam ko noon ay sadyang 'celebration' lang ang gagawin namin dahil sa upcoming midbreak namin pero nagulat na lang ako nang nagyaya silang uminom ng champagne. Binigyan nila ako ng isang shot glass na may laman nang alak at pinilit nila akong inumin iyon. Napilit nila ako. Ngunit pagkatapos ko inumin ang naturang alak na iyon, ay nakaramdam na agad ako ng sobrang pagkahilo at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nagising na lang ako dito sa loob ng madilim na kwartong ito.

Pinilit ko ang sarili kong gumalaw at magpumiglas. Sisigaw sana ako para humingi ng saklolo ngunit naramdaman kong nakabusal ng panyo ang bibig ko. Doon na ako nakaramdam ng takot at kaba. Pinagpawisan ako bigla ng malamig at hindi na napigilang maluha sa takot na nararamdaman. Malakas na akong nagpumiglas para tuluyan ng makatakas sa sitwasyon ko ngayon.

Sino ang may pakana nito? Mga kaklase ko ba? At bakit naman nila gagawin ito sa akin?! Wala naman akong maalalang bagay na nagawa na ikagagalit nila sa akin. Pero bakit sila humantong sa ganito? Anong plano nila sa akin?!

Napatigil ako sa pagpupumiglas nang maramdaman ko rin na nakatali rin ang dalawang paa ko sa dulo ng kama. Pinanlambutan na ako dahil hindi ko na alam kung paano ako makakatakas dito. Hindi ko na napigilang mapaiyak at magdasal.

Napatigil ako sa pag-iyak nang may marinig akong mga boses na nag-uusap sa labas ng silid. Pamilyar ang mga boses nila. Sa mga kaklase ko iyon. Pati na rin sa president ng section namin. Pinakinggan ko ng mabuti ang mga pinag-uusapan nila.

"Do everything to scare that woman. I'll pay you the exact amount that you needed if you succeeded. That woman must learned her lessons for being an itchy stealer!" boses iyon ng mataray naming president.

"Oo, Pres. Ipangako mo lang 'yung perang kailangan ko na maibigay sa akin agad ng buo para sa pagpapagamot ng nanay ko..."

"'Yung akin naman ay para sa pagpapa-enroll ng kapatid ko..."

Dahil sa mga narinig ko ay tuluyan na akong nanigas sa kinahihigaan ko. Hindi na ako makagalaw at makahinga ng ayos. Parang tinatambol na ang dibdib ko. Napausal na lang ako ng panalangin at tuluyang napapikit.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon