Chapter 7

32 1 0
                                    

KNOCK, KNOCK!


Kyle's POV

"TAWA tayo ng tawa dito pero hindi pa natin nagagawa 'yung assignment natin kay Mrs. Asuncion! For sure, magagalit 'yun sa'tin. Terror pa naman 'yun!"

Muntik muli akong mapabulalas sa pagtawa dahil sa ekspresyon ni Rosie pagkatapos niya magsalita. From laughing, she changed her expression to being worried. Ang bilis niyang mag-shift ng emotions!

"Don't worry, vacant naman tayo before Mrs. Asuncion's class. May time pa tayo para kumopya!" parang wala lang na sabi ko. Wala naman akong pakialam sa 'Calculus' subject ng terror teacher na 'yon. Alam ko naman na makakapasa pa rin ako kahit papaano.

"Oh, ano? Saan ka naman kukuha ng source? Kay Lucille? Eh wala ang isang 'yun eh. Nasa faculty room kasama sina Althea at Bella. Tutulungan daw si Teacher Carl sa pag-aayos." Rosie creased her forehead.

I laughed, "Mayroon akong source, teh. Legit na matalino 'yun. Nasabihan ko na siya na kokopya ako. Babayaran ko na lang. Room 104 siya, sa may 1st floor. Tabi lang ng faculty."

Pabiro akong binatukan ni Rosie, "Gaga ka ba teh? Eh kung kunin mo na kaya ngayon 'yung sagot para makagawa na rin agad tayo. 'Wag na tayong magpatagal, 'no!"

"Tsk, mamaya na. Tinatamad pa ako, Rosie. Mahaba pa ang oras!" tanggi ko.

"Isa! Sige na kasi, Kyle! Mas mabilis kung matatapos na rin agad natin 'yung assignment ngayon para hindi na tayo magkandaugaga mamaya!" pagpupimilit pa niya sa akin at tinulak-tulak pa ako. May point din naman siya.

Napasimangot na lang ako at napakamot sa ulo, "Fine, teh! Hindi mo ba ako sasamahan?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naghanda ng umalis.

"Nah! Kaya mo na 'yan, tinatamad ako 'e!" arte ni Rosie at yumuko pa ito sa desk niya.

Napatirik na lang ako ng mga mata at padabog na lumabas na ng room na iyon. Kahit kailan talaga, ang tamad nitong kaibigan ko! Wala talaga akong maaasahan doon!

Pagkababa ko sa first floor ay agad na rin akong lumiko sa hallway ngunit napatigil ako sa paglalakad nang may bumangga sa akin.

"Oh, sorry..." Agad nitong paumanhin at yumuko pa. Pamilyar ang boses nito. Agad akong nag-angat ng tingin sa taong nasa harapan ko at sinalubong ang mga titig nito.

"Lucille..."

"I'm so glad that you are already fine, Kyle."

Nakangiti kong sinalubong ang tingin sa akin ni Bella. Nandito kaming tatlo nila Althea sa 'Starbucks'. I was the one who offered this to Althea and the one who told her to invite Bella to joined us. Nilibre ko sila ng frappe dito. Milktea sana kaso ako na nag-suggest na mag-frappe dahil 'the best' ang frappe nila dito. Vanilla Frappe ang kay Althea while Dark Chocolate Frappe naman 'yung kay Bella. I ordered Strawberry Cream Frappe for myself. Lahat kami ay 'Grande' size.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon