THEORIES
Althea's POV
"UMINOM ka na muna ng tubig, Lucille." Inabot ko kay Lucille ang isang baso ng tubig na nanginginig naman niyang kinuha sa kamay ko, "Huminga ka ng malalim. Ikalma mo 'yung sarili mo, girl."
Pagkatapos namin manggaling nina Bella, Kyle, at Lucille sa dormitory kanina ay napagpasyahan naming mag-stay na lang muna dito sa cafeteria. Suspend na rin naman ang klase kaya hindi na rin naming piniling pumasok sa room.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapigilan ni Lucille ang kanyang emosyon. Hindi niya mapigilan ang luha niya at halata ang pagka-balisa niya. Well, knowing na nawawala ang bestfriend niyang si Caitlyn, normal lang na maging ganyan ang reaction niya.
Ever since we're just in high school, Lucille and Caitlyn are already bestfriends. They were always together. Well, the both of them always distance themselves from the crowd of students. They always want 'just the two of them'. Pareho kasi silang nabubully noon ng grupo nila Chloe, kaya siguro ganoon.
And their 'bond that might be stay just a memory' might be the reason why Lucille getting emotional. I feel pity towards her.
"Don't you worry, Lucille. Hangga't hindi pa nahahanap ng mga police ang katawan ni Caitlyn, malaki pa rin ang posibilidad na buhay siya." Inaalo ni Kyle si Lucille.
Pinunasan ni Lucille ang luha niya sa pisngi at malungkot na tumingin sa aming tatlo, "B-but her 'suicide note' already explained everything..."
Napayuko kami. Hindi namin alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Lucille. Paano nga kaya kung talagang wala na si Caitlyn? Pero bakit niya naman gagawin na 'kunin ang sariling buhay'? At kung talagang ginawa niya 'iyon', nasaan ang katawan niya? Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko.
Naputol ang katahimikan nang biglang magsalita si Bella, "A-alam kong ang daming gumugulo sa isipan natin ngayon...hindi rin natin alam kung paano masasagot 'yung mga katanungan natin. Kailangan nating magtulungan para tuluyang malaman kung 'sino' ang nasa likod ng lahat ng ito."
Napatingin kami lahat kay Bella na halatang seryoso sa sinasabi nito. Napakunot ako ng sariling noo, "What do you mean, girl? Sinasabi mo ba na mayroong 'foul play' na naganap sa 'pagkawala' ni Caitlyn?"
"Ganoon na nga, Thea. Ewan ko ba pero I have this gut feeling na 'hindi lang basta' nawala si Caitlyn. Baka nga may 'connection' pa ito sa murder case ni Rosie."
Napag-isip isip ko na may point si Bella. Malaki talaga ang possibility na may 'foul play' ngang naganap knowing na may 'tao' talagang pumupuntirya sa amin. Pero, sino 'yung taong iyon? Maaari kayang 'tama' ang imbestigasyon ng mga pulis na 'isa' sa aming magkakaklase ang tunay na salarin?
"B-but... who did 'it'?" Lucille blurted out.
"Kailangan na talaga nating sabihin sa mga police 'yung mga possibilities na naiisip natin para maimbestigahan na rin nila 'iyon'" Kyle suggested.

BINABASA MO ANG
Can You Find Me?
Mystery / ThrillerA section. 14 students. Several bloody scenes. Mysteries. Secrets. Killings. Unmasking. Unveiling. Truth. A killer. Are you ready to hide and find the murderer?