Chapter 6

34 1 0
                                        


FRIENDSHIP


Lucille's POV

WHILE doing our stuffs here in faculty room, I suddenly felt something on my tummy. I guess, I really need to use a comfort room.

"Lucille, are you okay? Is there something wrong?" Napatigil din sa ginagawa niya si Althea at nagtatakang napatingin sa akin.

I just smiled at her, "I'm fine. I just felt something. Pupunta lang ako ng c.r." paalam ko.

"Okay, sure ka ha?" I just nodded as a sign of assurance that I am fine.

"Teacher Carl, pupunta lang po ako ng c.r." paalam ko sa adviser namin na kasalukuyang tinatapos ang business niya sa table nito. Siya kasi ang magsisilbing head sa gaganaping seminar mamaya sa gymnasium kaya sobrang busy niya ngayon. Iyon din 'ata ang dahilan kung bakit humingi siya sa amin ng tulong sa pag-aayos ng mga schoolworks ng lahat ng estudyante niya dahil wala na siyang oras na ayusin iyon.

"Sige lang, Lucille. Kaya na rin naman ni Althea gawin mag-isa lahat 'yan." biro nito sa akin at tumawa pa.

Tumawa na lang ako ng biglang magsalita si Althea, "Grabe si Teacher Carl, plus points sa card na ito ha!" biro din nito at tumawa na rin.

Lumabas na rin ako ng faculty room. Pagkalabas ko, nakita ko sa isang gilid si Bella na may kausap sa cellphone nito.

"Ah, ganun po ba? Sige po 'ma. Mag-ingat po kayo 'dun." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Bella sa kausap niya sa kabilang linya. It's her mom.

I just shrugged and make my way towards the female comfort room na nasa kabilang building pa. Pagkaliko ko sa isang hallway, may isang taong bumangga sa akin...

I ran faster to follow Caitlyn. Alam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayon dahil sa mga bintang sa kanya ng mga kaklase namin. Ipit na ipit na siya sa nangyari kay Rosie. Siya ang pinaghihinalaan ng lahat at siya rin ang 'prime suspect' sa nangyaring krimen dahil lahat ng ebidensya at alibi ay nakaturo sa kanya.

And as her bestfriend, I must do my job.

Kilala ko ng lubos si Caitlyn. Alam kong mabuti siyang tao. Hindi niya magagawa iyon kay Rosie. Naniniwala akong inosente ang kaibigan ko.

Napadpad kami ni Caitlyn dito sa female c.r. Itinuon niya ang dalawa niyang braso sa sink at doon na umiyak. Agad kong ni-lock ang pintuan para walang makapasok at agad ko siyang nilapitan. Hinagod ko ang likod niya.

"L-Lucille...D-do you believe me?" she ask me between her sobs. Napatingin ako sa reflection niya sa salamin. Tuloy-tuloy ang pagluha niya. I hand her a towel.

"Of course, Caitlyn. I believe in you. I have high hopes that you are innocent. So don't worry..." Napadako ang tingin ko sa braso niya.

Napangiti ako ng makita ang suot niyang yellow bracelet na may design na stars na bigay ko. I ordered it online because I found it cute. I give it to her last semester. Ang saya ko lang na makita na suot iyon ni Caitlyn hanggang ngayon. She also gave me an earrings. Those accessories symbolizes our friendship.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon