********************************
[Sofia Venice]
ISANG masukal na daan na bahagi ng gubat ang tinatahak ng isang babae na ngayon ay tumatakbo, naka paa lamang siya ngunit hindi niya alintana ang mga matu-tulis na bagay na kanyang naa-apakan dahil mukhang may huma-habol sa kanya at desidido siyang maka takas. Magulo na ang kanyang buhok na naka pusod pa itaas, naka puti siyang daster at may karga-karga ding sangol.
Isang malakas na putok ng baril ang umali-ngaw-ngaw sa buong kagubatan dahilan para ma-dapa siya buhat ng matinding pag ka bigla, malakas ang ihip ng hangin na naka kapag patindig ng balahibo. makapal na din ang hamog dahil malapit ng mag bukang liwayway.
Wala padin siyang tigil sa pag-iyak, at kahit hapong-hapo na ay nag-lakas loob padin siyang bumangon, nanginginig na ang kanyang tuhod, tuyo na at putla na ang dati ay mapu-pula niyang labi, maging ang mata ay na mamaga nadin kai-iyak. At ang sangol na akay akay niya ay wala na ding awat sa pag-iyak.
Bawat hakbang ng kanyang paa ay maba-bakas rito ang matinding pa sakit na dala-dala.
Naka labas na siya sa masukal na bahagi ng gubat at dali daling nag-tatakbo papasok sa isang maliit na kubo. Naabutan niya ang isang babaeng balisa, ngunit ng masilayan siya nito ay um-aliwalas ang mukha matapos makitang ligtas ang kanyang mahal sa buhay, maa-aninag din sa kanyang mga mata ang pag-asa.
"Sa wakas! Ligtas kayo ng anak mo" pag bungad ng babae na kanina pa naghi-hintay sa kubo, tumakbo naman siya papalapit dito at nag-yakapan sila. Ilang minuto pa ang naka lipas bago sila kumalas sa pag-kaka-yakap sa isat-isa.
"Ate! Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari ay ili-ligtas mo ang anak ko, palakihin mo siyang may mabuting kalooban, walang galit sa puso, ate mangako ka!" Diretso niyang tugon habang naka hawak sa mag-kabilang balikat ng kanyang nakata-tandang kapatid, Ani mo'y namamaalam.
Nag-bago naman ang ekspresyon ng kaniyang kapatid na tila na dismaya sa sinasabi nito. Batid nilang ito na ang huli nilang pagkikita pero pilit paring ipina-pakita ng ate niya na may posibilidad pa silang maka-ligtas.
"Ano ba ang pinag-sasasabi mo Sabrina?! Makakaligtas tayo, ilang sandali na lang ay dadating na si Rogelio, susunduin niya tayo, lalayo tayo dito.
"Ate hindi na! Mahinahon niyang tugon, "kahit anong mangyari ay hindi si Zarina titigil hanggang hindi nila tayo napa-patay, ako na ang gagawa ng paraan." Matapang niyang pag kaka wika.
"Ano bang sinasabi mo? Kailangan nating makatakas, kailangan mong makatakas para sa anak mo" nanginginig na ang boses ng kaniyang nakata-tandang kapatid habang umiiyak.
Umiling iling naman siya "Hindi! Ito . . . ibigay mo ito kay Athena" inabot niya sa palad ng kanyang kapatid ang kuwintas na gawa sa kahoy, ang laylayan ng kuwintas ay inukit na bulaklak na mirasol (Sun flower), kulay dilaw ang gitna nito.
"Lumayo na kayo dito, alam mo naman kung nasaan lahat ng pera na na-ipon ko 'di ba? Gamitin niyo 'yun sa pag-sisimula" patuloy niya pa pero kahit ipakita niya na tanggap niya na ang kanyang kapalaran ay hindi maiku-kubli ang sinasabi ng kanyang mga mata 'Nais ko pang mabuhay at masaksihan ang pag-laki ng aking anak'.
Wala ng nagawa ang kanyang kapatid ng tuluyan na siyang tumakbo pa-palabas, sa sandaling iyon ay maa-aninag sa babae ang kanyang nadarama, na ang bawat hakbang ng kanyang paa ang nag-hahatid sa kanya patungo sa kamatayan, hindi na siya nag-paalam sa kanyang anak dahil lalo lang madu-durog ang kanyang puso.
Sa huling sandali ay ipinamalas parin niya ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at payapang tatanggapin ang mapait niyang kapalaran.
Lumihis siya ng daan upang kung sakaling may makakita sa kanya ay hindi siya paghinalaang nang galing sa maliit na kubo.
YOU ARE READING
Paint My Sunflower
RomanceSi Arlo ay nag mula sa pamilya ng mga Salvador na siyang tanyag at makapangyarihan, sa Europa siya lumaki at ng maka pag tapos ay nag balik sa bayan ng El Salvador, hanggang sa dumating si Sofia, ang babae na siyang naka pag pa bago sa kaniyang buha...