10

17 4 2
                                    

[ika-sampung kabanata]

Marahan kong iminulat ang aking mata kasabay ng lamig na buma-balot sa akin.

Isang kulay puting kisame ang bumungad sa aking paningin kung kaya't agad kong inilibot ang aking paningin.

Nasa isang Hospital?

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa pag kirot ng aking ulo.

'ATHENA'

Narinig kong tawag ng isang babae sa aking isipan. Muli ay sinubukan kong mag concentrate para tuluyan ng mag balik sa akin ang lahat ng alaala.

"Athena . . . Mamamatay kana!"

Sigaw ng isang babae mula sa aking likuran at ng lingunin ko iyon ay tumambad sa aking paningin ang desperadang ayos ni madam Zarina. Naka puting bestida siya na nabalot na ng putik habang pa ika ika ang pag la-lakad.

Kasabay ng pag takbo niya papa-lapit ay ang pag hugot niya ng baril sa ilalim ng kaniyang damit na itinutok sa akin.

Napa titig na lang ako kung paano nag lakbay ang bala patungo sa aking noo. Walang imik, sigaw at hikbi na inilabas ang aking bibig kahit pa labis na ang sakit, pakiramdam ko ay sa-sabog na ito at ilang segundo na lang ang nala labi sa aking buhay.

Tuluyan na akong nawalan ng balanse at pag-bagsak ko sa sahig ay nanigas ang aking katawan, para na akong manhid na walang madama.

'Yun ba ang dahilan kung bakit ako naka limot? May amneshia ako?

Hindi! Hindi maaari!

Sinubukan kong bumangon subalit huli na ng awatin ako ni tita.

"Sofia, hindi ka pa malakas!"

Paalala niya habang naka hawak ang mga kamay sa aking balikat.

Sa sandaling iyon ay sinubukan kong titigan ang kaniyang mukha para na lang maka tulong sa pag babalik ng aking memorya.

"Balang araw ay magiging maayos rin siya"

"Pero napaka bata niya pa para maranasan ang lahat ng ito"

"Totoo 'yan, pero sa palagay ko naman ay matatag na bata si Athena"

"Umaasa akong magigising na siya"

"Bilib ako sa fighting spirit niyong mag ina"

"Sa dami ba naman ng pinag daanan namin, magiging mahina paba ako? Magpa-paka duwag pa ba kami ni Athena?"

"O sige na, sana lang nga, magising na siya"

"Salamat doc"

"Kapag may problema, mag sabi ka lang okay?"

"Salamat na lang talaga sa mga tulong ni Gob... doc 'no?"

"Aba! Siguro... Kung wala siya ay patay kana rin ngayon, wala na kayo ng anak mo"

"O pa'no ba 'yan, pupunta na ako, alagaan mo ng maigi ang iyong anak, aalis na ako Sabrina"

Naka rinig ako ng pag sara ng pinto at mga yapak ng paa habang papa-lapit sa akin.

"Athena? Gising kana? Athena?" Ma luha luha niyang sambit habang nagla-lakad papa-lapit sa akin.

Nilingon ko ang babae na nagsa-salita mula sa aking likuran. damang dama kona ang mga luha na dumadaloy sa aking pisnge na tumutuloy sa aking tenga subalit hindi iyon alintana para maaninag ang mukha ng babae. Ang mukha ni tita Juliet.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now