[ika-limang kabanata]
NGAYON ay kasalukuyan akong nag hihiwa ng mga sibuyas na gagamitin bilang sangkap sa niluluto ni manang Carmen. Mahapdi na ang aking mga mata at lumuluha na din ako ngunit mas minabuti ko na lang na ipag-patuloy ang aking ginagawa.
Nahihilo at tila namamanhid ang buo kong katawan, kahapon pa masama ang aking pakiramdam ngunit hindi ako dumadaing, ayaw kong mag kulong sa kuwarto ng buong araw, dahi baka kapag ginawa ko iyon ay mabaliw naman ako kaiisip sa mga problema.
Ngayon ay tahimik lang ang buong mansyon at ang mga ingay lamang ng kutsilyo na tumatama sa tadtadan ang maririnig.Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang naganap na tagpo sa amin ni Arlo pero hindi ko parin siya na kikita. Nahihiya naman akong mag tanong kay manang Carmen dahil baka kung ano pang isipin niya kapag nalaman nyang concern ako sa anak ng amo namin.
"Ouch!" Sambit ko matapos kong mahiwa ang sarili kong daliri. Napansin ko ang bahagyang pagdaloy ng dugo rito dahilan para bahagyang manginig ang aking kamay. Napa lunok na lang ako, sa tuwing nakakakita kasi ako ng dugo ay may kaka iba akong nadarama.
"Itigil mo na ang pag titig sa sugat na iyan, hugasan mo na lang at mag pahinga ka na..." Narinig kong saad ni manang Carmen na ngayon ay naka tayo na sa aking likuran. Tumango na lang ako bilang tugon at hinugasan na lang ang sugat bago dumiretso sa aking silid.
***
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, nandito na ako ngayon sa aking silid. Masakit parin ang aking ulo at para na talaga itong sasabog. Matapos kong hugasan ang aking kamay na na bahidan ng dugo dahil sa aksidente kong nahiwa ang aking daliri ay dumiretso na ako dito sa kuwarto namin nina Pipay at Geneva. Napuna na din kasi ni manang Carmen na labis na ang aking pamu-mutla kaya siya na rin ang nag desisyon na mag pahinga na muna ako.
Ilang sandali pa ay mas lalo pang kumirot ang aking ulo, marahan ko itong hinawakan habang naka sarado parin ang mga mata. Nadarama ko na rin ang malamig na pawis na kung saan ay duma-daloy sa aking balat.
Huminga ako ng malalim bago bumangon sa pagkaka-higa. Naka pikit padin ako ng buksan ang drawer at kapain ang gamot na ibinigay sa akin ni manang Carmen kanina.Matapos ko iyong makuha ay akma na sana akong tatayo ng bigla akong matumba at mabuti na lamang ay na itukod ko ang aking kamay sa kama kaya hindi ako bumagsak sa sahig.
Na luluha na din ako dahil sa sakit ng ulo at iritasyon na aking dama-dama. Inayos ko na lang ang aking upo ngunit dahil masakit na rin ang aking likod ay kailangan ko na itong ilapat.
Na higa ako ng sandali at napa titig sa kisame, ayo'ko na muna sanang isipin ang tungkol kay Arlo dahil baka lalo pang sumakit ang aking ulo pero ayaw talaga akong tantanan ng anino niya, kahit saan ako mag tungo ay na iisip at naalala ko siya. Hayys Sofia bakit ba kasi siya?
Na alala ko na naman tuloy yung panyo na ibinigay sa akin ni tita na iniwan raw sa kaniya ni Arlo bago umalis, ang sabi niya pa ay nag mamadali si Arlo sa pag alis... Bakit? Bakit kaya sa sandaling iyon ay ramdam ko na may iba talaga sakanya?
Bumangon ako at kinuha ang kulay dilaw na panyo na naka patong sa mesa sa tabi ng aking kama. may naka burda doong 'Te Amo', isang spanish language na ang kahulugan ay 'I love you'. Kung ganun, kung para sa akin talaga ang panyo... Ibig sabihin ba nun ay mahal niya ako? Pero bakit ganun? Bakit hindi niya na lang sinabi personally at bakit... Tsk. Tsk. Tsk. Malabong usapan to ha! Kailangan ko siyang maka usap, kailangang mabigyan ng linaw ang lahat.
Kahit masakit ang ulo ay pinwersa ko pading bumangon, kailangan ko na siyang maka-usap sa lalong madaling panahon, isa pa, alam ni tita ang kahulugan ng 'Te Amo' dahil sanay na sanay siya pagdating sa spanish language. Hindi ko rin alam kung bakit ang galing niya mag espanyol, sa tuwing tinatanong ko sa kaniya ang bagay na iyon ay hindi naman siya suma-sagot at ngini ngitian niya lang ako. Parang siya yung nasa panaginip ko. Yung babaing naka red dress.
YOU ARE READING
Paint My Sunflower
RomanceSi Arlo ay nag mula sa pamilya ng mga Salvador na siyang tanyag at makapangyarihan, sa Europa siya lumaki at ng maka pag tapos ay nag balik sa bayan ng El Salvador, hanggang sa dumating si Sofia, ang babae na siyang naka pag pa bago sa kaniyang buha...