[Ika-siyam na kabanata]
"HUWAG kang matakot, magka-kampi tayo rito"
Halos lumuwa ang aking mata dahil sa bagay na aking narinig. Tini-tigan ko pa ng maigi ang kaniyang mukha at pamilyar ito sa akin.
"Shshhhhh, 'wag ka munang lalabas, diyan ka lang" pabulong niyang saad habang naka titig sa aking mga mata, halos magka dikit na rin ang aming mukha dahil na lang sa sikip at baba ng aming pinag ta-taguan.
"Jared! Bilis! wala na siya" nag mama-daling wika ni madam Zarina habang pinag mamasdan ko lang anb malikot niyang paa. Matapos niyang marinig iyon ay lumabas na ang lalaki na Jared daw ang pangalan mula sa ilalim ng kama.
"Muntik na tayo dun ha, ano ba naman kasi itong si Aimee, napaka bad timing" narinig kong saad ni madam Zarina. Sa mga sandaling ito ay hindi ko siya nakikita ngunit gayonpaman ay bakas sa kaniyang tinig ang kaba at pagka dismaya.
"Ano daw ba ang problema nun?" Tanong naman ni Jared sa kaniya.
"Masakit daw ang tiyan, at ang hinala niya ay may nag lagay doon ng gamot"
"Sino naman ang gagawa nun?"
"Ang suspetiya niya ay si Geneva, 'yun daw kasi ang nag handa ng pagkain kanina"
"Si Geneva lang ba? Wala ng iba?" Tanong ni Jared na para bang sina-sadyang iparinig sa akin. Alam niya ba ang ginawa ko? Nakita niya ba 'yun? Shockks.
Hindi parin ako ma panatag sa lalaking 'yun. Pakiramdam ko ay nilo-loko niya lang ako. Mas lalo ko pang tinalasan ang aking pangdinig dahil sa paga-akalang ang susunod niya ng sabihin ay ang tungkol sa akin.
"I don't know, pero si Geneva lang naman ang ka-galit niya rito, si Geneva lang din ang may motibo na gawin iyon sa kanya" saad ni madam Zarina kasabay ng pang-uusig sa akin ng konsensya.
Kanina, na kapag bitaw ng hindi magandang salita si Geneva dahil sa ginawa ko, hindi naman sana sila magtu-tungo dun kung hindi ako gumawa ng eksena. At dahil sa nangyari kanina ay tiyak, maaring may mangyaring masama sa pamilya niya at sa kaniya. Pagkatapos ngayon, 'yung ginawa kong pang sasabutahe sa gatas ni Aimee ay sa kaniya na rin binibintang, kasalanan ko talaga ang lahat ng ito.
WAIT
Pero 'diba bago ako mamroblema sa lahat ng iyon ay dapat sigurong unahin ko na muna ang pag gawa ng paraan para maka-takas na sa kuwarto na 'to
"May plano na ako kung paano mapa pa-tahimik ang bwisit na si Geneva" dagdag pa ni madam Zarina dahilan para mas lalo akong kabahan at pigil hiningang hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"A-ano?" Tanong naman ni Jared pero wala akong narinig na tugon kaya naman sinilip ko kung ano na ang nangyayari.
May binu-bulong si madam Zarina kay Jared at matapos 'yun ay sabay silang ngumiti pero sa tingin ko ay peke lang naman ang pinakawalang ngiti ni Jared. Siguro nga kakampi ko siya, pero bakit ganun? Naguguluhan parin talaga ako sa mga nangyayari.
Habang nag kukubli sa ilalim ng kama ay nakita ko pa ang pag sara ng pinto, tuluyan na ngang umalis ang dalawa, kaya naman dahil dun ay dali dali rin akong gumapang palabas sa ilalim.
Akma na sana akong pupunta sa pinto ngunit isang papel ang pumukaw sa aking atensyon. Na hawakan ko ito habang guma-gapang para maka alis sa masikip at madilim na lugar na 'yun.
Mabilisan kong binuksan ang papel na naka tupi ng apat at matapos 'yun ay bumungad sa akin ang isang maikling mensahe. Medyo magulo ang pagkaka-sulat nito pero nagawa ko parin namang maunawaan ang naka saad roon.
Mag-kita tayo bukas sa labas ng mansyon, bandang alas otso ng gabi
_Jared
Ilang sandali pa akong nag isip isip ng dahil sa na basa ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot sa lahat ng mga nangyayari. Mas lalo lang gumu-gulo ang situwasyon.
YOU ARE READING
Paint My Sunflower
RomanceSi Arlo ay nag mula sa pamilya ng mga Salvador na siyang tanyag at makapangyarihan, sa Europa siya lumaki at ng maka pag tapos ay nag balik sa bayan ng El Salvador, hanggang sa dumating si Sofia, ang babae na siyang naka pag pa bago sa kaniyang buha...