[Ika-labin lima na kabanata]
"Arlo! Tanging na sambit ko bago lumapit sa kaniya at gawaran nang mahigpit na yakap.
"N-Nay! Nay Carmen!" Napa kalas ako sa pag kaka yakap buhat nang kaniyang malakas na pag sigaw.
"Arlo!" Wika ko bilang pag-papa-kalma sa kaniya ngunit nanatili lamang ang kaniyang tingin mula sa walang buhay na si manang.
"S-sinong may gawa nito?!" Malakas nitong sigaw habang nag ta-tanong. Napa takip na lang ako sa aking bibig dahil sa pagbugso nang aking emosyon.
Hindi ko kayang makita na ganun na lang ang kalagayan ni manang Carmen. Sa maikling panahon na aming pinag samahan ay napaka daming bagay ang aking natu-tunan na nang galing sa kaniya.
Mula sa paglu-luto at mga payo na na gamit ko upang maging isang matatag at matapang na babae. Isa pa, ngayon ko lang rin naman natuklasan ang totoong papel niya sa buhay namin, na ang tunay kong nanay ay ang itinuring kong tita at halos mag ka patid na rin sila ni manang . . . Tita Carmen dahil sa mag kasama silang lumaki.
Sandali naman akong naka pag isip-isip nang ma alala ko si tita . . . I mean si Mama. Anong ginagawa niya dito at bakit niya sinabing umalis na ako bago pa mahuli ang lahat? Napa pikit na lamang ako buhat nang masyadong pag iisip.
Maya maya pa ay may dumating na tatlong kalalakihan. Armado ito at may mga tato sa iba't ibang parte nang katawan. Ngunit Bago kopa sila harapin ay inalalayan ko muna si Arlo dahil mukhang wala na siyang balak tumayo. May mga namumuong luha na rin ito sa kaniyang mata subalit halata namang hindi niya iyon na naisin na ipa-pakita sa akin.
"Good evening! Kami ay mga awtoridad at na atasan patungkol sa kasong ito, una sa lahat, gusto ko munang malaman kung sino ang naka tuklas sa biktima na 'to," pag bati at pagtatanong nang isang lalaki na may itim na jocket at malaking pangangatawan.
"A-ako po!" Natigilan naman ang lahat nang mag salita ako. Natuon ang atensyon nila sa akin.
"Ah, ikaw pala . . ." Tugon nito ngunit ang kanyang tingin ay nag hatid nang kaba sa akin, napuna ko ang pagla-lakbay nang paningin nito sa aking katawan kaya naman napa himas na lang ako sa aking mag ka bilang braso.
"Tsk. May mali talaga dito," nagulat naman ako nang biglang mag salita si Arlo. Namumula na ang mata nito sa galit at tila ilang sandali na lang ay iiyak na nang todo.
Mabilisan itong nag lakad papalayo sa akin, aawatin ko pa sana siya subalit masyadong mabilis ang kaniyang paglalakad.
"Ms. Maari ba akong mag tanong, parte lang nang investigation" muli ay nagulat ako dahil sa isang babae na humawak sa aking balikat at nang lingunin ko iyon ay tumambad sa akin ang seryoso niyang mukha.
At dahil sa hindi ako kumportable sa tingin niya ay agad na lang akong napa tango. "S-sure" pagka sabi ko nun ay agad niya namang binuklat ang isang record note at parang may sunu-sulat siya. Pagka tapos nun ay agad niya ring sinara ang naturang kuwaderno.
"Kilala mo ba ang biktima?" Pauna niyang tanong na agad ko namang tinugunan.
"Oo, kasamahan ko si manang sa mansyon nang mga Salvador, doon ay mag kasama kaming naninilbihan.
"So . . . Malapit kana rin sa kaniya?" Tanong niya na animo ay mat nais na ipa batid.
"Oo, dahil ka trabaho ko siya," tugon ko naman na sinusubukang ikubli ang lungkot na nadarama.
"Kung ganun . . . Ano ang pag kaka kilala mo sa kaniya?" Tanong nito sabay ayos sa eyeglass na kaniyang suot.
"Isang mabuting tao, responsable, strikto siya pero . . . "
YOU ARE READING
Paint My Sunflower
RomanceSi Arlo ay nag mula sa pamilya ng mga Salvador na siyang tanyag at makapangyarihan, sa Europa siya lumaki at ng maka pag tapos ay nag balik sa bayan ng El Salvador, hanggang sa dumating si Sofia, ang babae na siyang naka pag pa bago sa kaniyang buha...