02

26 6 0
                                    

[Ang ika-lawang kabanata]

NAKATULALA lang ako ngayon sa labas ng mansion, malakas ang buhos ng ulan samantalang parang nag sasaya naman ang mga halaman sa tubig ulan na ngayon ay hindi maawat sa pag-buhos. Nakaupo lang ako ngayon sa unang baitang ng hagdan sa tapat ng pinto sa kusina habang naka pangalumbaba.

Mag tatatlong araw na akong naninilbihan dito sa mansion ng mga Salvador, simula ng mawalan ako ng malay sa tapat ng hagdan noong nakaraang araw  ay hindi ko na nakita pa si Arlo. Ayon kay manang Carmen ay palagi lang daw talaga yung nag kukulong sa kuwarto dahil sa kinahiligan niya na ang pag-babasa ng libro. Hindi ko pa din makalimutan na nagawa niya akong pag takpan, siguro nga'y kung hindi niya yun ginawa ay malamang... wala na ako ngayon dito at hindi ko na magagawa pa ang aking misyon.

Samantalang hanggang ngayon ay hindi pa din ako kinakausap ni Micky, wala naman akong natatandaan na pinag awayan namin, ang huli naming na pag usapan ay ibinalita nya lang sa akin na mag-babakasyon sya sa manila, at pag katapos noon ay babalik siya dito para mag-aral ng kolehiyo. kaya nga hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon sa mansion ng mga Salvador. Na sabi sa akin ni Pipay na siyang kasambahay din dito sa mansion at halos dalawang taon ng naninilbihan sa mga Salvador ay kasama rin daw ang ama ni Micky sa mga na sangkot sa pag sunog sa imbakan ng bigas at nakawan.

Ngayon... Ang pinag tataka ko ay bakit nya ako iniiwasan? 'Di ba't dapat ay nagdadamayan kami dahil pareho naman kami ng pinag dadaanan? Sa tagal na naming mag-kaibigan ay ngayon niya lang ako iniwasan ng ganito. At anong dahilan?

Tuwing linggo ang araw ng aming pahinga kung saan ay maaari kaming makauwi sa kanya-kanya naming pamilya at kailangan naming makabalik dito sa mansion bago mag bukang liwayway ng lunes.

Nakalaya at naiurong na din  ang kaso na isinampa kay tito Bernardo at sa iba niya pang kasamahan na naparatangan, sa tingin ko nga ay pinagbintangan lang naman talaga siya ni madam Zarina dahil sa galit, hindi naman nila pakakawalan ang isang tao na may malaking kasalanan kung totoo itong nagkasala, isa pa, nag papalakas din ngayon si madam Zarina sa mga mamamayan dito sa aming bayan dahil ang bali-balita ay tatakbo sya bilang alkalde ng bayan. At hindi ako makakapayag na manalo sya sa  darating na eleksyon, siguradong aabusuhin nya lang ang kapangyarihan nya pag-nagkataon.

Kinagabihan ay naging abala kami sa paghahanda ng dinner ng pamilya Salvador, na mangha ako sa dami ng pagkain na inihanda. may kare-kare, kaldereta, adobo, menudo, at kung ano-ano pang desert gaya na lamang ng Leche Flan, napatanong pa nga ako kay manang Carmen kung may darating bang bisita, pero sinita nya pa ako at pinag-sabihang 'Wag masyadong ma usisa'. Isa si manang Carmen sa mga dapat kong alalahanin para mapag tagumpayan namin ni tita ang plano, masyado kasi siyang mapag-masid at loyal sa amo nya.

Ayon pa sakanya Darating din ang oras na hihilingin ko na lang na sana ay hindi ko na lang nalaman ang totoo at habang buhay na makulong sa kasinungalingan dahil mas masaklap pa pala ang katotohanan.

Minsan ay may pagka matalinghaga din talaga 'to si manang. Pero sa kabilang banda ay totoo naman talaga ang sinabi niya. Halos labinwalong taon akong nakulong sa kasinungalingan at nitong nalaman ko ang kabuuan kong pagkatao ay mas lalo akong nasaktan.

Samantalang habang nag mamasid sa paligid ay hindi ko maiwasang maisip ang mga kasamaan ni Zarina, hindi nya deserve lahat ng meron sya ngayon kaya kailangan ko ng kumilos sa lalong madaling panahon.

Ngayon ay huwebes at sa pag-sapit ng linggo ay uuwi ako sa bahay at sa mismong araw na yun ay ilalatag na sa akin ni tita lahat ng magiging hakbang para tuluyan na naming mapabagsak si madam Zarina at mabigyan ng hustisya ang hindi makatarungang sinapit ng aking mga magulang.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now