08

15 4 1
                                    

[Ika-walong kabanata]

PAGKA dating ko palang sa mansyon ay sinalubong na ako ng naka bi-binging katahimikan.

Mas lalo pa akong naka ramdam ng takot dahil sa lalaki na kanina ay sumu-sunod sa akin at bigla bigla na lang nawawala.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at naka hinga ako ng maluwag dahil nakita ko ang nag iisang tao dito sa loob. Si Cheska, ang kaibigan ni Geneva na kada-dating lang din kahapon. Ang sabi nila ay ayaw daw talaga niyang mamasukan dito ngunit na pilitan lang dahil sa nag karoon raw ng malubhang sakit ang nanay.

Lumingon siya sa akin kaya agad ko namang iniwas ang aking tingin at ibinaling na lang sa paligid.

Pagkaraan ng ilang sandali ay naka ipon narin ako ng sapat na lakas ng loob para mag tungo sa silid ni madam Zarina.

Sa gitna ng aking paglalakad patungo sa kuwarto ay mas lalo pang na dagdagan ang takot at pangamba sa aking dibdib.

Pagka tapat ko pa lang sa kuwarto ay hindi na ako nag sayang pa ng oras. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto para pakingan kung may tao ba sa loob.

Tahimik pero masi-siguro kong naroroon si Aimee dahil wala naman siya sa salas.

Siguradong mahihirapan akong maka pasok, kailangan kong maka-isip ng mas epektibo at pinag isipang paraan.

Bumaba na lang ako pagkatapos ay nag tungo sa kusina at pasalampak na umupo sa silya.

Halos ilang oras din akong nag hintay na ma-sumpungan ang pag baba niya, at sa ilang oras na iyon ay na kuha ko ng mag hugas ng mga pingan at mag walis walis sa paligid.

At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako maka get-over na naka basag na naman ako ng dalawang plato. Haha

Narinig ko na ang mga yapak ng paa ni Aimee mula sa hagdan pababa kaya naman agad akong tumayo sa silya na aking kina u-upuan at dumiretso sa labas ng mansyon.

Nandito na ako ngayon sa hagdan na daan patungo sa ingrandeng pinto ng mansyon.

Habang naka tanaw sa kaniyang mga kini-kilos ay Nakita kong nag titimpla na siya ng gatas na palagian niyang ginagawa tuwing ganitong oras.

Ibinaling ko ang aking tingin sa isang porselana na naka patong sa gilid ng hagdan at matapos 'yun ay hindi na nag atubili pang sagiin ito. Tinitigan ko lang kung paano na durog at mag talsikan ang mga bubog na siyang piraso ng porselana.

Nag sisigaw ako para matawag ang atensyon ng lahat at hindi naman ako na bigo. Dali daling lumapit sa akin ang isang hardinero na nag nga-ngalang Isko na tatay din ni Pipay. Kasunod nito sina Geneva, Micky at... Aimee.

"Ayos ka lang ba Soyang?" Tanong sa'kin ni Geneva na hindi ko sinagot dahil marahan ko ng hinawakan ang aking ulo at akmang mawawalan ng balanse pero sa sandaling iyon ay sinadya kong magpa-salo kay Aimee.

"Nako Soyang... Tumawag na kayo ng Doctor" nag papanic na utos ni Geneva at kasunod nun ay ang pag sigaw ni Aimee.

"Whaaat? Sino ba 'to? Umaarte lang siya 'no" mataray niyang wika habang naka hawak ako sa kaniya.

Dahan dahan na akong kumalas sa pag kaka-kapit kay Aimee at nag panggap na sobrang nag pa-panic.

"Nako! Pasensya na kayo! Nabasag!" Akting ko habang may pa takip-takip pa sa bibig at kamay na nanginginig.

"Okay lang 'ya-" hindi na na'tuloy ni Micky ang dapat sana'y sasabihin niya ng sawayin siya ni Aimee. "Anong ayos diyan!? E ang mahal kaya niyan!" Galit niyang wika na nag pa yuko naman sa ilang tauhan na para bang tinururing siyang isang boss.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now