11

14 4 1
                                    

[Ika-labin isang kabanata]

Kailan nga ba maha-hanap sa puso ang kapayapaan? kung ang isang tao ay na buhay sa kasinungalingan.

MABILISAN niyang tinuyo ang kaniyang mga luha, bagama't hindi sa kaniya naka sentro ang aking paningin ay naga-gawa ko paring masilayan ang kaniyang mga ikinikilos.

"Hindi kita pipiliting ibahagi sa akin ang tungkol sa ginagawa niyo ng tita o nanay mo, hindi rin kita isusumbong, walang maka-kaalam nito, ang sikreto ay mananatiling sikreto" saad niya bago lumabas sa silid.

Ngayon ay naiwan na lang akong mag isa, sa tapat ng bintana, malakas man ang hangin na tumu-tuloy rito sa loob ay hindi parin sapat para matuyo ang aking mga luha.

Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko parin matanggap ang lahat.

Na si tita Juliet ay si mama, at ang sinasabing tita na kapatid ni mama ay si manang Carmen.

Marahan akong bumaba sa sahig habang ina alala ang lahat lahat.

Sabi ni Arlo, ipinag-tapat raw ng kaniyang tito na kapatid niya ang babaing kaniyang naka sabay sa pagpi-pinta. Ang sinasabi ni Arlo ay minsan na ring nag balik sa aking alaala. At naganap ang bagay na iyon noong mga araw na bumisita siya sa aming bahay, noong ipina-pakita ko sa kaniya ang lahat ng mga parangal ko at sa tabi noon ay ang sunflower painting. Inspired by Vincent Van Gogh.

Kaya pala nangyayari sa akin ang lahat ng iyon, ang mga panaginip na gumugulo sa akin. May dahilan pala ang lahat.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng silid, saka nag lakad papalapit sa piano at kasabay ng pagla-laro sa nasabing bagay ay ang pag ragasa ng aking mga luha.

Sa pamamagitan ng pag tugtog nito ay na ibuhos ko ang aking emosyon, emosyon na punong puno ng sama ng loob.

Matapos kong tumugtog ay tuluyan ko nang nilisan ang silid.

Nilisan ang silid, bitbit ang mabigat na pasanin. Sa lahat ng nangyari ngayong araw, wala akong ibang masa sabi kun'di HAHANAPIN KO ANG KATOTOHANAN.

🌻🌻🌻

"TAO PO! manang Carmen! Manang!"

Tawag ni Arlo habang ako ay nanatili lang na tulala, ngayon ay nag tungo kami sa bahay ni manang Carmen para maging malinaw na ang lahat, base sa aking mga alaala ay siya ang totoong kapatid ni tita Juliet na totoo ko namang ina.

Magulo parin sa akin ang mga bagay kung kaya't gustong gusto ko nang mabigyang linaw ang lahat.

"Manang! Manang andiyan poba kayo?" Ulit ni Arlo bago bumukas ang pinto ng bahay.

Dalawang palapag ito at halos kagaya lamang ng ayos noong sa amin, may hagdan sa labas at ang pangalawang palapag lang ang naga-gamit. Base sa aking pagka-ka alam ay bihira lamang umuwi rito si manang. Kanina lang sa mansyon ay nang galing na si Arlo at wala nga raw doon si manang.

Bumukas na ang pinto nito kaya naagaw na ang atensyon naming dalawa.

"Arlo? Bakit p-po? Anong kailangan niyo" tanong nung babae nag bukas ng pinto ay nanggaling sa itaas ng bahay. Bakit naman parang gulat na gulat siya at wala ring respeto ang pananalita?

"Ah ate Fe magandang umaga po"

Bati ni Arlo sa babaeng naka brown na may mangas at maong na short. Pansin ko lang na sa tuwing may kausap si Arlo ay hindi niya naka li-ligtaan ang pag bati sa kaniyang kausap. Bagay na hinangaan ko sa kanya. Pero ngayon ay ang awkward lang.

"Gusto ko lang po sanang maka-usap si manang" tugon niya sa babae na Fe pala ang ngalan.

"Ah si manang Carmen, nasa Luverio na siya.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now