04

22 5 1
                                    

[ika-apat na kabanata]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ika-apat na kabanata]

Paulit-ulit na bumulong sa aking isipan ang malamyos na boses ng isang pamilyar na babae. Napa hawak na lang ako sa aking ulo dahil sa labis na pag kirot nito.

At ng imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang sarili kong repleksiyon sa salamin.

Naka upo na ako ngayon sa isang kama, dahil lang sa kusang bumangon ang aking katawan sa pagkakahiga. Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid at saka ko lamang na kumpirma na nandito na ako sa aking silid.

Ganoon pa din ang ayos nito, naka patong sa lamesa ang lahat ng stuff toys collection ko na karamihan ay teddy bear.

Nag lakad lakad na ako sa loob ng aking silid at lumapit sa bintana para buksan ito at salubungin ang maaliwalas na umaga, napa pikit pa ako sa matinding liwanag na sumalubong sa akin.

Tirik na ang araw at masigla na ang paligid, naka pwesto na lahat ng nag titinda ng mga street foods, marami na din ang mga bata na masayang nakikipaglaro sa kani-kanilang kaibigan.

Habang nag mamasid sa paligid na nakasanayan ko ng pag masdan simula pa noon na ngayon ay hindi ko na nagagawa dahil nasa mansyon na ako ng mga Salvador... ay napa isip ako kung paano ako nakarating dito sa aking kuwarto.

Ang huli kong na aalala ay nag-tungo kami ni Arlo sa bundok ng liwanag, at sa pag lipas ng ilang oras ay nakadama ako ng hilo hanggang sa mawalan ako ng malay, pero bago ko ipikit ang aking mata ay na silayan ko pa ang isang bestidang pula na sumasayad sa lupa. Pagkatapos noon ay namulat ako sa isang panaginip, isang babae rin na naka bestidang pula ang aking nasilayan. Na gu-gunita ko pa nga kung paano niya ni lait ang kanyang mga tauhan, nasa loob din ako ng aparador noon, may naka takip na isang kamay sa aking bibig para hindi madinig ang aking hikbi, hanggang sa ilang sandali pa ay may isang lalaki ang nag bukas ng pinto ng aparador, pawis na pawis ito at hindi ko nagawang maaninag ang kanyang anyo dahil sa nakabalot ito ng itim na balabal. Nung oras din na 'yun ay nag wika siya ng... 'wag na kayong mag alala... Itatakas kona kayo dito' at sa pagkakataon rin na iyon ay ay tinawag niya akong thenang.

Pag-karaan ng ilang sandali ay nagdilim na rin ang paligid kasabay ng mga tao na kasama ko sa isang panaginip. Nahimas-masan ako at nagising sa kandungan ni Arlo, may pangamba sa kaniyang mata at narinig ko pa ang kaniyang tinig. May mga ilan ding nag sa salita, hindi ko na maalala kung ano ang kanikanilang sinasabi pero ma aalaala ko na sina, Sandra, madam Zarina, Geneva, manang Carmen, at Pipay ang nag mamay ari ng mga tinig na iyon.

Ilang sandali pa kasabay ng tinig ni Pipay ng sabihing 'gising na po si Soyang' ay nagising naman ako sa isang kama, may isang babae na nasa edad 20's ang nag-sasalita, dumating na din ang isang matandang babae at mestizang dalaga na sa tingin ko ay batang-bata pa pero nag-bago ang tingin kong iyon ng tawagin niya akong anak. May isang salita siyang binitiwan na nag pa ulit ulit na bumulong sa aking isipan hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-bangon ng aking katawan at ng imulat ko ang aking mga mata ay nasa harapan na ako ng salamin, dito sa aking kuwarto.

Bahagya akong naka dama ng kirot sa aking ulo dahilan para ma pa kapit ako sa pinto ng silid. Ilang minuto din akong natulala at natauhan lamang ako ng madinig ko ang panaka-nakang pag katok sa pinto ng aking kuwarto.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now