CHAPTER XXI

249 10 0
                                    

ERION

Pagkatapos namin kumain ay naglibot-libot muna kami, mahigit isang oras din kaming nagtingin-tingin sa paligid hanggang sa mapagod na kami.

"Malapit na magdilim, ano last na puntahan natin?" Tanong ko sa kanila.

"May dancing fountain d'yan sa kabilang plaza", sagot ni Kuya Jun kaya agad kaming pumunta doon.

Saktong pagkarating namin doon ay lumubog na ang araw, nagpalipas kami ng isang oras bago nagsimula nang bumukas yung fountain. Ang ganda nito tignan at parang ang sarap mag-shower doon.

"Dana baby", pagkuha ko sa atensyon niya.

Tumingin siya sa akin na may malaking ngiti, nagkatitigan kami bago kaming tumakbo nang sabay papunta sa tubig.

"Ang lamig!"

Nabasa ang suot namin, hinila ko siya kaya dalawa kaming bumagsak sa tubig. Mukha kaming mga isda na lumalangoy.

"Hindi ba marumi yung tubig dito?" Nag-aalinlangang tanong ni Dana baby.

"Hayaan mo na kung marumi, nandito na tayo", natatawa kong sabi sa kaniya bago siya sabuyan ng tubig.

Habang naglalaro kami ay nakarinig kami ng pito, may pulis na nakakita sa amin. Hindi na namin naisipan pang tumakbo at agad na lumapit dito.

"Bawal 'yang ginawa niyo", strikto niyang sabi sa amin. "Huwag mo akong nginingitian."

Napakamot ako sa ulo dahil nasungitan ako.

"Sumunod kayo sa akin at magbabayad kayo ng multa."

Tahimik kaming sumunod sa kaniya pero nagtitinginan habang nag-ngingitian. Nahuli man kami at least masaya kami at nag-enjoy pero hindi kami dapat tularan.

Pagkatapos naming magbayad ay agad kaming pinagsabihan ni Kuya Jun. "Para kayong mga bata, alam niyong bawal pero ginawa niyo pa rin."

"Paano kung ikinulong pa nila kayo? Edi lagot kayo sa señor", nanggigigil niyang dugtong.

"Kuya Jun, wala naman pong ibang nangyari kaya 'wag ka na po magalit", nakangiting sabi ni Dana baby kaya napabuntong-hininga na lang siya sa kalokohan namin.

"O siya sige, tara na. Mahaba-haba pa ang byahe pauwi", nailing niyang sabi sa amin.

Nagtinginan kaming dalawa ni Dana baby bago humagikgik dahil sa ginawa namin, mabuti talaga at hindi kami nakulong dahil yari naman talaga kami. Pabugbog pa ako ng daddy niya. Katakot pa naman.

"Erion", pagkuha niya sa atensyon ko pero hindi ko siya nililingon.

"Erion!" Mahina niya pang sigaw.

"Erion! Look. At. Me." May diin niyang sabi kaya agad akong lumingon sa kaniya.

"Sa TikTok yan ah." Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa itsura niya ay nagsisimula na naman siyang mainis sa akin.

"Toro ka ba? Lagi kang galit 'pag kasama mo ako", pang-aasar ko sa kaniya at inirapan niya ako.

"Red flag ka kasi kaya lagi akong naiinis sa'yo!" Napanganga ako sa sinabi niya.

Red flag? Ako? Hala.

"Ang bait ko para maging red flag, Dana baby", pag-depensa ko sa kaniya. "Kung may red flag dito, ikaw yun."

"Hoy, foul!" Nakanguso niyang sabi dahil hindi siya makatanggi.

"Mahal pa rin kita kahit red flag ka", lumapit ako sa kaniya para yakapin siya pero umiwas siya sa akin.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now