ERION
Friday - Fifth Day
Bumungad sa akin ang napakagandang mukha ng asawa ko. Ang himbing pa ng tulog niya kaya dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising.
Ala una na ng hapon kaya magluluto ako ng bruch namin, wala naman ang daddy niya kaya ayos lang na ako yung magluto.
Habang nagluluto ay nagulat ako dahil may umiiyak na yumakap sa akin.
"Akala ko iniwan mo na ako", humihikbi na sabi ni Dana baby.
"Bakit mo naman naisip yun?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"N-Nanaginip ako na sawa ka na sakin", nauutal siya habang lumalakas ang paghikbi niya.
Pinatay ko muna ang kalan bago siya inalalayan paupo at patahanin.
"Hindi yun mangyayari, mahal. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa mangyari yun", pagpapakalma ko sa kaniya at mas lalo siyang sumiksik sa akin. "Mahal na mahal kita, okay? 'Wag mo na isipin 'yang panaginip mo."
Nagpahid siya ng mga luha bago siya humarap sa akin at tumitig. "Promise mo 'yan ha?"
"Pangako, handa akong mamatay para lang magkasama tayo." Pagkasabi ko ay niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo. "Don't cry na ha."
"Hindi mo naman kailangan mamatay para makasama ako", nakanguso niyang sabi sa akin.
Natawa naman ako sa kaniya bago siya sagutin. "Hindi nga pero kung sakali lang ay handa ako."
Pagkatapos namin mag-usap ay tinulungan na niya akong magluto ng kakainin namin, kaming dalawa rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin dahil tinuruan ko siya.
"Sus ginoo! Bakit mo pinaghugas ang señorita?" Biglaang bulaslas ng kanilang maid na nagpagulat sa amin.
"Manang, ayos lang po 'yon. Ginusto ko po na matutong maghugas", nakangiting depensa naman ni Dana baby.
Napailing na lang sa amin si Manang Lolits bago kami iniwan, tinignan ko ang oras at nakita kong mag-alas tres na.
Inaya ko siya na puntahan na si Kuya Jun para umalis na at bumili ng pagkain 'pag nag-roadtrip na kami.
"Tatay Jun, let's go na po", masayang pag-aya ni Dana baby.
"Ganiyan lang kayo? Hindi kayo maliligo?" Nakakunot-noong tanong niya sa amin.
Tinignan naman namin ang itsura ng isa't isa, halatang kakabangon lang namin sa kama at mukha kaming madungis na bata.
"Sabi ko nga maliligo", sabay naming sabi bago tumakbo paakyat.
Naisipan namin na sabay na lang kaming maligo para mabilis, inuna namin ang magsabon ng katawan. Ako ang nagkukuskos ng sabon sa kaniya at pa-simple kong minamasahe ang kaniyang dibdib.
"Ikaw kamo napakalikot ng kamay", sabi niya sa akin habang nag-aangat baba ang kaniyang kamay sa alaga ko.
Natawa ako sa kaniya dahil siya rin ay malikot, naghawakan lang kaming dalawa hanggang sa nagbanlaw na kami at natapos.
"Ang tagal niyo bago natapos", nakataas-kilay na sabi ni Kuya Jun.
Ngumiti na lang kami sa kaniya bago sumakay sa kotse.
"Saan tayo bibili?" Tanong niya sa amin.
"Sa 7/11 na lang, 'tay", sagot ni Dana baby habang sumisiksik sa akin.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...