ERION
Monday
Nagmamadali akong pumasok ngayon para makausap at makita si Danaea. Pag gising ko kahapon ay wala na siya sa tabi ko, tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala siya doon.
Nag-aalala ako sa kaniya kung ano bang nangyari sa kaniya. Biglaan na lang siyang hindi nagparamdam.
Pagkarating ko sa room ay agad ko siyang hinanap pero hindi pa siya dumarating.
"Erion.." Lumapit sa akin si Yesha habang may dalang lunchbox. "Tanggapin mo sana 'to, last na 'to tapos tuluyan na akong lalayo sa inyo."
Nag-alinlangan ako kung kukunin ko ba pero iniwan na niya ito sa lamesa ko.
Paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Danaea na masama ang tingin sa akin.
"Mahal, bakit ka umalis kahapon?" Malungkot kong tanong sa kaniya.
Hindi niya ako nililingon o sinasagot kaya bumigat ang dibdib ko.
"Mahal, anong problema?" Inusog ko palapit ang upuan ko at sinubukang hawakan ang kamay niya. "May nagawa ba akong mali?"
"Can you shut up? Nakakairita ka", galit niyang sabi sa akin.
Napalunok ako dahil may iilang nakarinig sa sinabi niya at kumirot ang dibdib ko.
"Dahil ba sa hindi ko ginawa 'yong gusto mo noong nag-inom tayo?" Nag-alinlangang tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya ako na parang nakakadiri akong tao at tumawa siya nang may halong panunuya.
"Sa tingin mo ganon ako kababaw? Makati?" Naiinis na nanunuya niyang tanong sa akin.
"Hindi, mahal. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin", nahihirapan kong sagot sa kaniya dahil parang babagsak na ang luha ko. "Huwag tayo rito mag-usap sa labas tayo."
"Talk to yourself, wala akong pakialam sa'yo", malamig niyang sagot sa akin.
Umatras ako at hindi na nagsalita pa, naririnig ko ang bulungan nila na nagpabigat lalo ng nararamdaman ko.
Magulo ang isip ko sa buong oras ng mga subject namin, hindi ko na naiintindihan ang mga itinuturo dahil siya lang ang laman ng isip ko.
Lunch break na namin, nagmamadali siyang umalis at hinabol ko siya para makausap.
"Ano ba!" Malakas niyang sigaw nang hinila ko siya papasok sa isang room na walang tao.
"Kausapin mo ako, please." Naluluhang pakiusap ko sa kaniya.
"Ayaw ko sa'yo, okay?" Naiirita niyang sabi sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila siya para yakapin. "Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka, mahal."
"Why? This is the real me, this is how I am", nanginginig niyang sabi. "Kaya ako iniwan ng ex ko dahil mabilis akong mawalan ng gana sa lalaki."
"Hindi ako naniniwala---"
"Then don't, no one forces you to believe."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya akong mag-isang lumuluha. Biglaan na lang siyang naging ganito, imposibleng hindi niya na ako mahal nang ganun-ganon lang.
Alam kong may dahilan siya.
Pinaghihiwalay kaya kami ng daddy niya? Pero hindi siya papayag kung ganun man. Alam kong ipaglalaban niya ako.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...