CHAPTER XXVI

245 4 0
                                    

ERION

Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat niya ay lumabas muna ako para makapagpahangin. Habang naglalakad ako ay sinalubong ako ni Tatay Jun at inayang mag-usap.

"Alam mo na ngayon?" Panimula niya. "Ayaw niyang ipagsabi kahit kanino ang sitwasyon niya."

"Hindi niya gustong kaawaan siya ng iba kaya mas pinili niyang sarilinin ang nararamdaman niya", malungkot na wika niya.

"Kailangan niya tayo, 'tay. 'Wag natin iparamdam sa kaniya na mag-isa siya, alagaan natin siya at mahalin sobra", nakangiti kong tugon sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago tumango sa akin. "Hindi tayo magsasawang intindihin siya nang paulit-ulit."

Bumalik ako sa kwarto niya nang magpaalam si Tatay Jun na may gagawin siya, tulog pa rin siya nang maabutan ko.

"Napakaganda mo mahal kahit na stressed ka", mahina kong bulong sa kaniya habang hinahawakan ang kaniyang mukha. "Hindi ko kaya kung iiwan mo ako."

"Dito ka lang sa akin, ha? Hindi ka pwedeng umalis sa buhay ko", naiiyak kong sabi. "Kahit saktan mo ako, ayos lang, basta kasama pa rin kita."

"Hindi ako magiging kumpleto sa oras na pinili mong talikuran ako at iwang mag-isa." Hinawakan ang kamay niya at hinalikan. "Ikaw ang ilaw ng buhay ko at ikaw ang gusto kong maging ilaw ng tahanang pangarap ko buuin."

"Paulit-ulit kong babanggitin sayo na ikaw ang ilaw ko, nag-iisa lang sa puso ko kaya hindi ko hahayaang mapundi ka." Humiga ako sa hita niya habang pinagmamasdan siya. "Huwag mong sukuan ang sarili mo, please. Huwag mong sukuan ang meron tayo."

Sa pagpatak ng luha ko ay ang pagdilat ng kaniyang mga mata.

"P-Patawarin mo ako sa nagawa ko, mahal." Nahihirapan niyang sabi sa akin. "Hindi ko lang alam ang gagawin ko kaya naisip kong gawin 'yon."

"I'm so sorry.." Bumangon siya para hilahin ako at yakapin. "Ayokong magkalayo tayo."

"Hindi na tayo magkakalayo, mahal. Nandito lang ako palagi sa tabi mo lalo na ngayong kailangan mo ako sobra." Niyakap ko siya nang mahigpit bago inayang lumabas para kumain.

"Señorita, anong nangyari sa'yo?" Nabibiglang tanong ni Manang Lolits.

Inalalayan at inasikaso niya si Dana baby para makakain na siya, tumabi ako sa kaniya para susubuan ko siya dahil wala pa siyang lakas.

"Kaya ko na", pagpipigil niya sa aking subuan siya.

"Puno ng sugat 'yang braso mo, mahihirapan ka", aangal pa sana siya pero kinurot ko ang ilong niya. "Huwag ka nang makulit."

Napanguso na lang siya bago sinubo ang pagkain. Tahimik lang kami hanggang sa matapos na siyang kumain.

Inalalayan ko siya pabalik sa kwarto niya at sinamahan siya.

"Gusto ko matulog", nanghihina niyang sabi sa akin.

"Halika, mahal. Matulog tayo nang magkayakap." Inihiga ko siya at kinumutan bago siya yakapin nang mahigpit.

"I love you.." Mahina niyang bulong bago pumikit.

"I love you more, mahal."

Tinititigan ko siya dahil hindi pa ako makatulog, hindi na muna ako papasok ngayon para masamahan ko siya. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok at nakatulog.

Sunday

Maaga akong pumasok sa trabaho kanina para maaga rin akong makauwi dahil babantayan at sasamahan ko ang mahal ko.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now