CHAPTER XXIX

153 3 0
                                    

ERION

Thursday

Ilang araw kaming naghahabol ng mga gawain ni Dana baby, tagal kasi naming nawala. Madalas na date tuloy naming dalawa ay sa library. Tuwing pagtapos ng tanghalian kami nandoon, tumal nga kasi bawal maingay puro senyasan lang tuloy kami.

"I'm glad na tapos na natin lahat", pagod na sabi ni Dana baby.

"Syempre, kasama mo akong gumawa kaya matatapos talaga agad", nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Yabang naman nito", nakairap niyang sabi sa akin pero nakangiti.

"Kailan mo pala balak na bumalik sa psychiatrist para masimulan mo na 'yong gamot?" Tanong ko sa kaniya dahil baka nakalimutan na niya.

"Uhm.. Hindi ko pa alam, hindi ko pa rin bati si daddy kaya ayoko munang lumapit sa kaniya para humingi ng pera", nakanguso niyang sabi.

Inakbayan ko siya at ginulo ang kaniyang buhok. "Ako nang bahala sa gamot mo."

"Baliw ka ba? Wala ka na ngang pera dahil ang tagal mong absent sa trabaho", kunot-noong sabi niya sa akin.

Napaisip ako sa sinabi niya, tama nga siya. Nangangayayat na 'yong wallet ko kaya wala akong karapatan na umako ng gastusin.

Habang naglalakad kami ay humarang sa amin si Yesha.

"Pwede ko ba kayong makausap?" Mahina niyang tanong sa amin.

Hindi ako sumasagot at hinihintay ko kung ano ang desisyon ni Dana baby.

"Tara." Tipid na sabi ni Dana baby kaya agad kaming gumilid para hindi na rin makakuha ng atensyon.

"Gusto ko sanang magkaayos na tayo, hindi kinakaya ng konsensya ko 'yong mga ginawa ko sa inyo lalo na sa sitwasyon niyo ngayon", nahihiya niyang panimula.

"Hindi ko na iniisip 'yon, tapos na. Nangyari na, kaya kinalimutan ko na." Kibit-balikat kong tugon sa kaniya.

"It's the same with my thoughts, matagal ng tapos 'yon. May attitude ka lang talaga minsan and we're similar so it's not an issue to anymore." Tipid siyang ngumiti pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Tiyaka nga pala, mas maganda kung hindi na ulit magtagpo ang landas mo sa amin." Seryoso kong sabi sa kaniya na sinang-ayunan naman ni Dana baby.

"Kung 'yon ang mas makabubuti then I'll stay away for good." Nakangiti siyang nagpaalam sa amin kaya tumango na lang kami sa kaniya.

Ipinasa na namin 'yong mga natapos naming gawain bago namin napagdesisyunang pumunta sa beach kung saan namin pinapanood ang sunset.

"Na-miss ko sumakay sa motor mo", masaya niyang sabi sa akin.

"Ako hindi mo na-miss sakyan?" Nakangisi kong tanong sa kaniya at hinampas naman niya ako.

Mabilis kong pinaharurot ang motor kaya napapayakap siya nang mahigpit sa akin. Tuwang-tuwa ako dahil damang-dama ko ang mahiwagang bola.

Pagkarating namin ay hinampas niya ako.

"Ikaw kamo napakaano", nakanguso niyang sabi sa akin at hinila ko naman ang ilong niya. "Mapanakit pa!"

"Uy mahina lang 'yon", depensa ko sa kaniya.

Pagpunta namin ay kumuha kami ng mga dahon para gawing sapin sa pag-upo namin.

"Akala ko talaga na hindi na natin mauulit 'to", paiyak niyang sabi kaya inakbayan ko siya at hinimas ang braso.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now