Papunta kami sa may bahay ni Jewel ngayon dahil birthday nito at inaya kami. Ang bilis ng araw at sunod sunod ang birthday-han ng mga kaklase ko.
Matapos ang issue na iyon, naging tahimik si Jessia at hindi ko na siya nagiging kagrupo. Si Seth ay mas lalong naging busy sa kanyang mga gawain. Bihira ko nalang siyang makausap at makita.
Nabalitaan ko rin na naospital ulit ang nanay niya at ang kapatid niya ay nilagnat kaya dinala rin daw sa ospital.
Grabe na talaga ang mga nangyayari sa kanya, mas lalo siyang naghihirap kapag nagkaproblema sa pamilya.
Ilang araw din siyang absent no'n pero hindi pa rin matigil tigil ang pang bubully sa kanya ng mga kauri ni Jessia. Kahit mukhang nanahimik ang bruhildang yon alam kong nag iingay siya patungkol kay Seth.
Bakit ba ako nagagalit sa kanya kahit 'di na nga niya ako inaaway?
"Tumutulo laway mo." Agaw pansin ni Phoebe kaya napapunas ako sa gilid ng aking bibig.
"Naniwala ka naman, ano nanaman yang iniisip mo?" Nagtataka niyang tanong
"Ah si Seth nanaman noh? Nag aalala ka kasi yung future boyfriend mo problemado sa future family mo."
"Hindi yon." Pagtatanggi ko kahit iyon naman ang totoo.
Binati kami ng magulang ni jewel ng mamataan kami sa harap ng kanilang bahay. Pumasok kami sa bahay nila Jewel ng inaya kami ng kanyang Ina.
"Andiyan si Jewel." Nakangiti nitong sambit.
Bumungad sa amin ang malinis na sala nila, may sofa doon na tatlo. nandoon ang ibang kaibigan ni Jewel pati si Brody ay nandoon, inaasar ang isang babae na kumakain ng spaghetti at yung ibang babae ay inaasar din yung babae.
"Hi! Jeny at Phoebe! Enjoy nyo yung handa ni Jewel kasi kakainin yan lahat ni Maika!" Dinamay pa talaga niya yung inaasar niya kaya tumawa nanaman yung mga babae.
Nginitian nalang namin siya ni Phoebe. Nahihiya rin ako sa ngayon kay Brody eh.
Mapang asar yata talaga siya. Kita naman eh. Siya lang ang nag iisang lalaki sa pwesto ng mga babae.
Yung dalawang lalaki na nasa ibang sofa ay boyfriend ng dalawa. Madalas naming nakikita sila sa school.
Mukhang nag g-games yata habang kumakain.
"Oh! Jeny! Phoebe!" Si Jewel.
Nasa hagdan ito at nakabistidang pula na umabot sa tuhod nito. Naka make up din ito at naka braid ang buhok.
Kinawayan namin siya ni Phoebe at hinintay na makababa. Para siyang prinsesa ngayon at nag go-glow siya.
16 years old na siya ngayon. Simple celebration lang daw ang gusto niya at walang ibang puro kaibigan at kamag anak lang.
"Kumain na ba kayo?" Tanong niya ng makalapit sa amin kaya ngumiti kami ni Phoebe at umiling.
"Sandali, kukuha lang akong paper plate." Aniya at iniwas kami sa may malapit sa sofa.
Nahihiya akong sumama sa mga iba niyang kaibigan dahil 'di ko naman close ang iba.
Pagbalik niya ay may dala siyang mga paper plate, plastic cups at kutsara't tinidor na gawa sa plastic.
Uupo na sana kami sa may sofa kaso lumipat pala yung dalawa sa dapat na uupuan namin.
"Doon nalang muna kayo sa labas may lamesa doon." Aniya kaya tumango nalang kami.
Sanay naman na kami ni Phoebe na kaming dalawa lang at naguusap. Hindi na bago sa amin na nabubukod.
Hindi pa nga pa pala kami nakakahuha ng pagkain. Sabay kaming kumuha ni Phoebe ng mga natipuhan naming handa.