10-Epilogue

1 0 0
                                    


EPILOGUE



Bakit nga ba gusto ko siya? Dahil masipag siya? Dahil matapang siya? Dahil matalino siya? Hindi ko alam. Hindi ko alam bakit gusto ko siya basta nagulat nalang ako isang araw siya na ang gusto ko.

Hindi ko naman siya ganoong pinagtutuunan ng pansin dati , kilala ko na siya mula pa nung tumuntong kami ng high school. Buhay pa ang ama niya noon at madalas ay tinitignan ako ng tatay nya pagtapos siya ihatid sa school. Actually ayaw niya nga na hinahatid siya eh.

Nang magsimula kaming tumuntong sa huling taon bilang high school, napapansin ko na siya, madalas siyang pinagsasabihan ng masasakit na salita nina Jessia at ang mga recruit nito na kaibigan para pag initan si Seth. Sa pagkaka alam ko ay never naman silang naging close, never din naging magkaibigan. Wala namang may alam ng kung ano ba talagang dahilan ng bullying kay Seth silang tatlo lang ang nakaka alam. Si Seth, si Brody at si Jessia.

Huli na ng malaman kong tungkol pala sa pamilya ang away pati na rin sa pera. Wala na akong maisip pa na rason kung bakit.

Kung bakit ko siya gusto. Kung bakit may pag tingin ako sa kanya. Hindi naman yata kailangan pa ng dahilan para masabi mong mahal mo ang isang tao.

Gusto ko ang lahat lahat sa kanya. Aminado din naman ako na hindi siya ganoong kagwapuhan pero may appeal siya na di ko madescribe. Ang pinaka gusto ko ay umaakto siya na siya talaga. Walang halong panloloko, natural lang kung paano mo siya nakilala, parehas ang trato kung paano nagsimula.

Sobrang mabait siya, maalaga din. Ang galing niya sumagot sa mga tanong lalo na pag logic. Tapos na ang graduation. Grade 11 na kami. Papunta na siyang Cebu, akala ko ay hindi na siya matutuloy doon pero sino ba ako sa buhay niya? I am a nobody siguro kung may tingin siya sa akin? Panigurado kaibigan lang.

Kahit kailan ay ayaw kong mag expect ng kahit ano sa kanya, ayoko madisappoint, ayoko masaktan sa sarili kong expectations. Kagabi iniyak ko na lahat lahat ng sakit na naramdaman ko na hindi ko alam saan galing. Tinanong ko na rin si Phoebe kaso tinawanan lang ako sabay comfort sa'kin. Ayaw niya lang sabihin kung ano yung nakikita niyang nararamdaman ko baka daw lalo akong maiyak!

Tinignan ko si Seth. Pareho kaming nakaupo sa may kahoy na upuan. Nakatitig siya sa may araw na papalubog na. 6 pm na mga bente minutos na kami nakaupo dito. Walang nagsasalita. Ang tanging alon lang at ang hangin ang naririnig. Wala naman siyang sinasabi kaya tinitignan ko lang sya. Nagmature na lalo ang itsura niya kahit ilang buwan lang ang lumipas. Nagiging hawig nya ang tatay niya tapos mayroon na rin siyang bigote at balbas kaso maiiksi lang. Pakiramdam ko ay mas lalo siyang naging attractive sa paningin ko. Sino kayang naging crush niya no'ng grade 10 pa kami?

Pag ba pumunta siya sa may Cebu magkaka girlfriend na kaya siya don? Wala na ba talaga akong pag asa sa kanya? Wala bang pagrereciprocate— oo nga pala sabi ni Phoebe ay hayaan mo ang tao na gustuhin ka at huwag mo pilitin kung ayaw. matutong rumespeto sa gusto at ayaw ng isang tao.

"Ang lalim niyan ah?" Panimula ni Seth.

Nginitian ko lang sya. Nahuli rin pala nya ako na tinitignan siya. Nakakahiya!

"Bakit? May problema ba tayo?"

Whaaat? Wala ngang tayo eh! Ni hindi man lang ako maka amin! Kasi natatakot ako sa sasabihin niya sa akin. Natatakot ako sa isang bagay na hindi ko mapangalanan— basta nakakatakot! Tas hindi ko pa madefine ano yon.

"W-wala yon." Nahihiyang tugon ko sa kanya at ang tingin ay nilipat sa alon ng dagat. Sana nga pwede nalang maging alon tamang sabay lang.

Hindi naman naging masama na magustuhan siya, kahit hindi ko sinasabi sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko I tried my best to make him feel it, ewan peeo siguro di niya talaga ako feel or siguro if nag sho-show ako nakikita niya iyon as a friendly act.

September In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon