07

0 0 0
                                    




Matapos ko mabisita si Seth naging mabilis ang mga araw para sa akin. Naging busy ako. Natapos na rin ang event ng school at balik nanaman ang focus ko sa pag aaral.

Habang tumatagal ay naghihilom na raw ang mga natamong sugat ni Seth sa katawan ayon kay Brody.

Si Brody minsan ko nalang ulit makita dahil di na sya nagpapakita minsan nalang kapag may pagpupulong sa paaralan o kung uwian na.

Habang sinusuklay ang buhok ko ay lumabas na ako ng bahay. Dadalhin ko nalang sa school ang suklay.

Pumunta ako sa may sakayan ng tricycle at pumasok ako sa loob. Aandar na sana ang sinasakyan ko ng may pumigil.

"Sandali lang manong!" Sumilip ako sa labas at nakita si Phoebe na hinihingal.

Pumasok ito sa loob at inayos ang buhok at nagpunas ng mukha habang nagrereklamo.

Nagsimula na rin ang pag andar ng sasakyan.

"Si manong parang ewan eh! Sasakay ako may balak pa akong iwan! Hays! Male-late pa ako dahil sa kanya eh!"

Binalingan niya ako ng tingin."Ikaw isa ka pa."

Nagulat ako ng magsalita sya at kita pa ang inis sa mukha nya.

"May balak ka ding iwan ako! Porket di na tayo madalas magkasabay ha!" Tila nagtatampong saad nya.

Ngayon ko nalang ulit nakasabay si Phoebe dahil hindi na nga kami madalas magkagrupo at nalalapit na rin ang summative test.

Kung mag uusap kami ay kapag break time nalang at kapag may seat work at wala ang teacher.

Nakakamiss rin magkaroon ng may taong nandyan para sa iyo. Yung sasamahan ka sa ganap sa buhay mo kahit hindi palagi, nakakamiss yung mayroong iintindi sa'yo, yung maraming sasabihin dahil ayaw niyang isang side lang ang alam mo.

I value my friends, lalo na si Phoebe. Hindi man palagi pero marunong sya makinig, may pakialam siya. Hindi siya si Phoebe kung hindi marami ang sasabihin nya.

"Sa susunod kapag naiwan na talaga ako or naulit to F.O na tayo!" Reklamo niya at kinuha ang suklay na hawak hawak ko.

Akala mo sa kanya!

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pinapakita niyang ugali.

Habang nagsusuklay sya at umaandar ang tricycle ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ano ba yan!!!" Sigaw ni Phoebe pero tinawanan ko lang at niyakap pa siya.

--

Nag aasaran kami ni Phoebe habang papasok sa classroom.

"Baliw ka! Wala akong crush don ano!" Pagtanggi niya sa sinabi kong may natitipuhan na sya.

Humalakhak ako. "Sus! tatanggi pa! Pero kung maka kwento ko tungkol sa kanya!"

Hinampas nya ako sa braso kaya napa aray ako. "Masakit ha." Reklamo ko sa kanya.

Tinulak ni Phoebe ang pintuan at ang bumungad sa amin ay ang isang pangyayari na hindi inaasahan.

Nasa loob si Seth na wala ng mga benda, mukha maayos na pero matamlay pa rin tignan. Katabi nito si Brody na nasa gilid at seryoso ang mukha.

Ang paligid ay tahimik. Kakaunti lang ang mga tao at ang lahat ay nakatingin sa mga nasa harap at sa amin.

Sa harap ng dalawang lalaki ay ang babaeng naka pantalon na masikip at katabi nito ay isang matanda na naka square pants na dark blue at naka black na spaghetti strap na damit.

September In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon