09

0 0 0
                                    



"Bahala ka nga dyan! Ewan ko sa'yo." Sabi ni Phoebe at iniwan si Brody na pinipigilan sya sa pamamagitan ng paghawak sa braso nya.

"Ano ba! Brody!" Naiiritang sambit ni Phoebe.

"Mag usap nga sabi tayo e!" Giit ni Brody at hinarap sa kanya si Phoebe.

Nilapitan namin sila.

"Phoebe!"

Ginawa iyong excuse ni Phoebe para makakawala sa hawak ni Brody.

Niyakap niya ako at dahil humigpit ang yakap niya. Pakiramdam ko ay naramdaman ko yung relief nya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap lang ako.

Alam ko na ang sagot. Tahimik lang ako sa buong minuto na niyakap niya ako.

Habang naglalakad kami papunta sa may kainan ay napapansin ko ang pagsulyap sulyap ni Brody kay Phoebe.

At ito namang ka holding hands ko ay napapairap bigla at halata ang inis sa mukha.

"Wag mo na nga pansinin." Sabi ko sa kanya.

Umirap nanaman sya. Hindi ko alam kung sa akin o sa kawalan ba.

"Pa'nong di ko napapansin e nagpapansin nga sya!" Naiiritang tugon nya kaya napabuntong hininga nalang ako.

Nakarating kami sa may kainan na sinasabi ko. Ang likot ng dalawa. Pumupunta sa likod namin si Brody tapos etong babae na katabi ko ay pumupunta sa harap.

Madaming tao sa loob. Puno ang mga kumakain kaya naghihintay kami sa labas sa may gilid.

Naglabas sya ng alacohol at inisprayan ang siko niya pati ang kamay nya.

Sinuklay ni Phoebe ang buhok niya gamit ang kamay. Nasa likod ko pa rin si Brody, nararamdaman ko ang presensya niya.

"Hayysss." Rinig kong bulong nya at marami pa syang binulong na di ko maintindihan.

Hindi ko maintindihan ang gulo ng dalawang ito. Napatingin ako kay Seth—

Nakatitig sya sa akin!

Agad akong nag iwas ng tingin habang sa loob loob ko ay pinapakalma ko ang sarili ko. Grabe naman sya makatingin feeling ko mauunang matunaw ang tuhod ko kaysa sa mukha ko na tinignan nya!

Ano ba kasi Seth! Nakakainis ka naman tumingin eh!

Nahihiya ako tignan sya kaya sa peripheral vision ko nalang sya pinapansin.

Hindi na sa akin ang tingin nya at gumagala ang tingin nya sa paligid.

"Pasok na!" Sigaw ng serbidora.

Ginawa ko iyong tyansa para matignan sya. Huli na, malaman kong nakatingin sya sa akin

Mahina ang mga tawa nya at totoo napapatakip pa ito ng bibig nya at napapaiwas ng tingin pero bumabalik din sa akin. Pinagtatawanan niya ako! Nakakainis! Ano bang ginawa ko para tawanan nya ako ng ganon?

"Ang cute mo." Anya nagpatigil sa akin sa kinatatayuan ko.

Nauna na sila sa loob at ako ay naiwan sa likuran.

Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng aking pisnge ay ang pagkabog ng puso ko ng sobrang lakas. 'Seth! Ano bang ginagawa mo sa'kin??!'

Ikinuyom ko ang aking kamay para mapigilan ko ang panginginig at ang pagpapawis ng kamay ko. Nakakaloka sya!

Napapikit ako ng mariin at napamulat lang ng maramdaman ko ang palad nya sa balikat ko.

"Tara na." Usal nya at hindi na nya inalis ang pagkakahawak sa balikat ko.

September In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon